fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano Dapat Kausapin ng mga Lalaki ang Kanilang Partners Tungkol sa Paggamit ng Sex Toys

Ang Intimacy sa isang relasyon ay isang dinamikong paglalakbay, puno ng mga pagkakataon para sa pagsasaliksik at pag-unlad ng iyong pagkatao. Habang umuunlad ang mga modernong relasyon, gayundin ang mga paraan kung paano ipinahahayag ng mga magkasintahan ang kanilang mga pagnanasa at kasiyahan. Uso na ngayon ang sex toys dahil kaya nilang magdala ng mga bagong dimensyon ng kasiyahan at koneksyon.

Sa artikulong ito, tatalakayin natin ang wastong pakikipag-usap sa partner tungkol sa paggamit ng sex toys. Aalamin natin kung anu-ano ang mga pwede nating gawin bilang mga lalaki para makapag-explore with sex toys. Tara na, mga pards! Sasabak tayo sa isang paglalakbay tungo sa mas exciting na sex life at mas mapusok na relasyon. 

Ayos lang bang gumamit ng sex toys ang mga mag-partner?

Ang maikling sagot ay: oo naman! Ang paggamit ng sex toys bilang magkarelasyon ay isang personal na desisyon na kailangang gawin kasama ng tiwala, komunikasyon, at consent. Kung gusto mo o ng partner mo na gumamit ng sex toys, go! Ang pagdadala ng sex toys sa inyong relasyon ay maaaring tumungo sa mga mapupusok na kaganapan at posibleng magpatibay ng inyong koneksyon.

Importanteng tandaan na ang paggamit ng sex toys ay hindi makakabura ng intimacy na namamagitan sa mga mag-partner. Sa katunayan ay pwede nitong mapalakas ang init sa isang relasyon. Sa pagbabago ng mga pananaw sa mga sekswal na bagay, dumarami na rin ang bilang ng mga taong tumatanggap sa sex toys. Nakikita na rin sila bilang healthy at kasiya-siyang bagay.

Bakit may negatibong tingin sa mga lalaking may partners na gumagamit ng sex toys?

May negatibong pagtingin sa mga lalaking may karelasyon na gumagamit o interesadong gumamit ng mga sekswal na laruan: may palaisipan na mahihina ang ganung mga lalaki. May mentalidad ang lipunan na kaya dapat ng mga lalaki na pasiyahin ang kanilang mga partner, at hindi na dapat kailanganin ng mga babae ang sex toys.

Pero siyempre, alam naman nating hindi totoo ang mga paniniwala na ‘yon. Lahat tayo ay may iba’t-ibang mga pantasya at kinks. Kung wala naman tayong inilalagay sa panganib, walang masama sa sexual exploration!

Paano tayo magiging mas open sa paggamit ng sex toys?

Una sa lahat, tandaan nating communication is key. Kung babanggitin ng partner mo ang topic ng pag-explore gamit ang sex toys, iwasan mong manghusga’t makinig ka nang maayos

Mag-aral ka tungkol sa iba’t-ibang mga laruan at ang mga pwede nilang gawin.

Mainam din kung sabay kayong mag-eexplore ni partner. Isipin niyo na lang na isang adventure ang pagpasok sa mundo ng sex toys. Sa pamamagitan ng pag-explore, maaari kayong makatuklas ng mga bagong dimensyon ng intimacy, kasiyahan, at mas malalim na koneksyon sa inyong relasyon at sekswalidad.

Paano kami makakapili ng pinakamagandang sex toys?

Magsimula kayo sa pamamagitan ng pagtalakay sa iyong mga hangarin at mga hangganan. Unawain ang mga kagustuhan ng bawat isa: mga pantasya, interes, at kahit ano pang may kaugnayan sa paggamit ng mga laruang pang-kama.

Mag-explore kayo ng mga option. Marami kayong pwedeng bilhin online o sa mga pleasure shop. May mga laruan na para iba’t-ibang uri ng stimulation: may mga internal at external, at may iba’t-ibang hugis, laki, at materyal. Magsaliksik kayo tungkol sa mga pwede niyong bilhin.

Kung mga baguhan lamang kayo sa paggamit ng toys, baka gusto niyong magsimula sa simpleng sex toys, gaya ng non-vibrating toy para sa isang partner. Pero pwede rin naman kayong maghanap ng mga laruan para sa isa’t-isa.

Tandaan niyong ang layunin niyo ay makahanap ng sex toys na magpapasaya sa inyo at magpapatibay ng inyong pagsasama.

‘Wag kalimutan, mga pre, na walang dapat ikahiya kung naghahanap kayo ni partner ng sex toys. Kung matagal na kayong gumagamit, walang masama dun! Ibig sabihin lamang nun ay tanggap niyo ang bawat isa, at handa kayong samahan ang partner niyo sa pag-explore ng kanyang seskwalidad.

Ipagpatuloy mo lang kung ganun ka! Bigyan mo ng halaga ang sekswal na kasiyahan ninyong magpartner. Hindi nga naman mabubuo ang isang relayson kung walang tiwala, respeto, at energy para sa sexy time!

Pinagmulan:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon