fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mapapakawag ang Buntot Mo: Doggy Style Tips Para sa Mga Lalaki

Isa sa mga pinaka-popular na posisyon sa Sexy Time Playbook ay ang doggy style. Maraming lalaki’t babae ang natutuwa rito, at maaari itong maging intense at ubod ng sarap kapag ginawa nang tama. At nandito kami para tulungan kayong gawin ‘yon!

Curious na newbie man kayo o beterano na sa larangan ng sexy time, ang guide na ito ay siguradong makakapagbigay ng kaalaman at tips para magawa niyo ni hon ang doggy style nang walang palya.

Maghanda na kayo kasi we’ll teach you how to doggy!

Ano ito?

Ang doggy style ay isang popular at versatile na sex position. Maraming mag-partner ang nahuhumaling sa posisyong ito. Sa doggy style, may penetrating partner na kailangang lumuhod sa likod ng receiving partner na siya namang nakatuwad. Dahil sa posisyon ng mga katawan, intense ang penetration na maaaring maganap sa doggy style.

Dahil sa flexibility ng doggy style, pwede itong gamitin para sa anal at vaginal sex, kaya naman marami ang may gusto sa posisyong ito.

How do we #DoItRight?

Hindi porke’t versatile ang isang sex position ay madali na itong gawin. Malaki ang maitutulong ng sapat na kaalaman para sa wastong doggy style.

Kilalanin ang anatomiya ng partner mo

Kailangan itong gawin kahit ano pa man ang sex position na gusto niyong subukan. Pero pagdating sa doggy style, malaking bagay ang pag-intindi sa katawan ng partner mo.

Maraming mga lalaki na may long-term girlfriends ang paminsan-minsa’y nahihirapan hanapin ang “entrance” kapag sinubukan nila ang posisyon.

Magandang iwasan ang hassle ng paghahanap ng ari ng partner mo. Iwas kahihiyan din ito! Ang pag-aral ng female o male sexual anatomy ay makakaambag sa solid na sexy time.

Magdahan-dahan sa simula

Ano man ang orientation niyong mag-partner, mainam na dahan-dahan sa umpisa ng doggy style.

Huwag kalimutan ang foreplay! I-turn on mo si partner para masigurong game siya sa doggy, o kahit ano pang gusto mong gawin. Bilang penetrating partner, pwede ka ring mag-lead sa pagtatalik. Pwede mo ring pakabugin ang damdamin ng partner mo sa pamamagitan ng pag-dominate.

Kailangan mong maging sensitibo sa pakiramdam ni partner. Tingnan mo muna kung swabe lang ba ang mga bagay bagay, at kung nag-eenjoy siya.

Mag-communicate at mag-enjoy

Bigyang pansin ang body language ni partner at mag-adjust kung kinakailangan. Ang komunikasyon ay importanteng bahagi ng pakikipagtalik. Pwede nitong painitin pa ang mga kaganapan kung maayos ang komunikasyon niyo ni hon.

Ang huling tip ay mag-enjoy. Ang doggy style ay paborito ng maraming tao dahil sa malalim na penetration na hatid nito.

At ‘yun ang mga technique to do it right! Sa pagiging attentive, communicative, at excited, makakatiyak kayong masarap at ‘di malilimutan ang mararanasan niyo ng partner mo.

Sources:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon