fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano Naaapektuhan ng Pag-inom ng Alak ang Reproductive System ng Lalaki

May mga mag-partner na mahilig mag-party at uminom bago mag-sexy time. At wala namang masama doon! Pero, importanteng intindihin kung paano nakakaapekto ang alcohol sa galing ninyo sa kama, mga pre.

Ang pag-inom ng alcohol ay hindi lamang nakakaapekto sa inyong paningin at pagkilos. Mapanlinlang ito, at pwede nitong paikutin ang mundo sa isang iglap.

Maaaring maramdaman niyo na kayo si Enrique Gil sa dance floor ‘pag kayo’y nakainom na, pero bago kayo mag-walwal ni babe, tunggain muna natin ang mga katotohanan tungkol sa epekto ng alcohol sa reproductive system ng isang lalaki.

Bababa ang iyong libido

Bagama’t maaaring pataasin ng alcohol ang iyong kumpiyansa, ang mga epekto nito sa iyong testosterone level ay hindi maganda. Importante ang testosterone sa sex drive ng isang lalaki. Sa pag-inom ng alak, humihina ang kakayahan ng katawan na lumikha ng hormone na ito. Pwede itong humantong sa kawalan ng sekswal na interes.

Manghihina si Junjun

Sa labis-labis na pag-inom ng alcohol, hihina ang iyong pandama. Ibig sabihin, hihina rin ang kakayahan ni Junjun na makaramdam ng maiinit na kaganapan. 

At kung inaakala mong panandalian lamang ang ganitong epekto ng alcohol, nagkakamali ka.

Posible itong humantong sa ED

Tama ang nabasa mo. Ang sobra-sobrang pag-inom ay maaaring humantong sa ED o erectile dysfunction. Para sa mga hindi nakakaalam, ito ay isang kundisyon kung saan mahirap nang ma-stimulate o tigasan si Junjun.

Ang alcohol ay isang uri ng depressant na umaatake sa iyong central nervous system. Nakakasagabal ito sa mga mensaheng ipinapadala ng iyong utak tungo sa iba’t-ibang bahagi ng katawan mo.

Dahil dito, mawawalan ng koordinasyon ang katawan para sa maraming gawain kabilang na ang pakikipagtalik. Bukod pa rito, ang pag-inom nang madalas ay nakakasira ng mga nerve at tissue sa iyong ari, na lalo pang ikakahina ni Junjun.

Pwede kang labasan nang masyadong maaga o masyadong matagal

‘Di natin masasabi kung ano ang mga pwedeng kahantungan ng pagwa-walwal.

Para sa ilang mga lalaki, ang labis na pag-inom ng alak ay maaaring magresulta sa mas maagang pagbulalas. Pero meron din namang mga lalaki na matatagalan kapag sila’y lasing na.

Ang mga epektong ito ay maaaring makagambala sa sexy time, na posibleng pagmulan ng iba pang mga isyu sa pagitan ng mga magkarelasyon.

Ang dapat tandaan

Sa mundo ng kalusugang seskwal, napakaimportante ng komunikasyon, pagbabalanse, at kamalayan. Bagama’t ayos lang namang uminom paminsan-minsan bilang uri ng pag-relax, mainam na tandaan natin ang mga posibleng epekto ng alcohol. 

Madalas nating naririnig ang “Drink moderately.” Mahalagang sundin ito sa tuwing iinom ka. Kung nakakasagabal na sa iyong personal na buhay ang iyong pag-iinom, mainam na kumonsulta sa isang eksperto. ‘Wag kalimutan na kausapin si partner tungkol dito.

Tandaan: ang isang kasiya-siyang sex life ay pwedeng abutin sa tulong ng healthy na pamumuhay at maaayos na desisyon para sa iyong sarili at partner. Cheers sa inyong kalusugan at sex life, mga kaibigan!

Maa Pinagmulan:

  • Martin, M. (2021, August 11). Whiskey Dick: How alcohol affects erections. Ro.Co. Retrieved August 30, 2023, from https://bit.ly/45uIx8u
  • How does alcohol affect a man sexually?. hims. (n.d.). Retrieved September 1, 2023, from https://bit.ly/3Z2iUtq
  • Imahe mula kay jcomp sa Freepik
Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon