fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang white mens?

Sa mga Pilipino, ang madalas na tinatawag na ‘white mens’ ay hindi naman talaga regla. Ito ay mala-gatas na puting vaginal discharge na kadalasang nangyayari sa ikalawang kalahati ng siklo ng regla. Sa terminong medikal, ito ay tinatawag na leukorrhea. Ang vaginal discharge ay naglalaman ng likido at mga selula, at nakakatulong itong panatilihing malinis at malusog ang pwerta.

Ang puting discharge ay senyales ba na malapit na ang regla ko?

Karaniwang makaranas ng puting discharge sa ikalawang kalahati ng menstrual cycle kapag malapit na ang iyong regla, o mula ika-15 araw at pataas ng siklo na nagtatagal ng 28 araw.

Ang luteal phase ay nagsisimula pagkatapos ng ovulation phase, o ang mga fertile days. Ang mga antas ng progesterone ay mataas sa panahon ng luteal phase, na ginagawang cloudy o puti ang vaginal discharge.

Bukod sa mala-gatas na puting discharge, maaari ka ring makaranas ng iba pang karaniwang sintomas ng premenstrual syndrome (PMS), tulad ng:

  • bloating
  • pamamaga o pananakit ng mga suso
  • pananakit ng ulo
  • mga pagbabago sa sexual desire
  • food cravings

Kailan ako dapat mabahala?

Normal na makaranas ng vaginal discharge, at bihira itong senyales ng isang kondisyon o impeksyon. Ngunit kung makaranas ka ng alinman sa mga sumusunod na sintomas, iminumungkahi na kumunsulta kaagad sa isang OB-GYN:

  • pananakit, pangangati, o hapdi sa loob at paligid ng ari
  • pantal o sugat
  • mala-cottage cheese o mabula na discharge
  • malakas o malansang amoy ng ari
  • pagdurugo sa pagitan ng regla o pagkatapos ng pakikipagtalik

Ang mga sexually transmitted infections (STIs) ay maaaring makaapekto sa vaginal discharge at magdulot ng iba pang sintomas. Pinakamainam na magpatingin sa isang healthcare provider sa lalong madaling panahon kapag may napansin kang anumang mga pagbabago o nagsimula kang makaramdam ng mga hindi pangkaraniwang sintomas.

Mga huling paalala

Ang white vaginal discharge ay natural at kadalasang nangyayari bago o pagkatapos ng regla. Ngunit ang kulay, texture, at maging ang amoy ng discharge ay maaaring magbago kapag mayroon kang impeksyon.

Mahalagang obserbahan kung ano ang karaniwang itsura ng iyong discharge para mabilis mong mapansin ang anumang pagbabago na maaaring kailanganin ng gabay ng doktor

Mga pinagmulan:

Sharkey, L. & Marcin, A. (February 2, 2023). What Causes White Discharge Before Your Period?. Healthline. https://www.healthline.com/health/white-discharge-before-period 

Fletcher, J. (March 31, 2023). Does white discharge indicate the beginning of a period? MedicalNewsToday. https://www.medicalnewstoday.com/articles/is-white-discharge-a-sign-of-period-coming 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon