fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Finishing Moves: Gabay sa Pag-Climax Para sa mga Lalaki

May mga lalaking nahihirapan tumagal sa kama. Mabilis silang nilalabasan at ikinakahiya nila ito. (Kung ganun ka rin, basahin mo ang article namin tungkol sa kung Paano Mas Makakatagal sa Kama)

Madaling isipin na isang blessing ang kakayahang magtagal sa kama, pero hindi ganun palagi ang nangyayari. May mga lalaki nahihirapang makatapos, at ito ay nakakahiya naman sa ibang paraan: Nahihirapan silang labasan, at napapaisip ang kanilang mga partner na hindi sila natutuwa sa sexy time.

Aralin natin kung paano at bakit ito nangyayari, at kung anu-ano ang mga pwedeng gawin ng mga lalaki laban dito. Maghanda na kayo, mga pre, iintindihin natin paano makakasiguro ng pasabog na happy ending!

Bakit may mga nahihirapang mag-climax?

May iba’t-ibang dahilan kung bakit nangyayari ang ganitong bagay.

Pagtanda

Natural at hindi maiiwasan ang prosesong ito, pero maraming aspeto ng buhay natin ang maaapektuhan nito, kabilang na ang ating kalusugang sekswal. Habang tumatanda ang mga lalaki, may mga pisyolohikal na pagbabago tayong pinagdadaanan na makakaimpluwensiya sa ating liksi sa pakikipagtalik. Bumabagal ang produksyon ng testosterone, isang hormone na may malaking papel sa libido.

Mga Gamot

May mga uri rin ng gamot na maaaring makaapekto sa liksi o lakas ng isang lalaki. May mga antidepressant, antihypertensive drugs, at gamot laban sa mga problema sa prostate na nakakapagpahina ng libido ng isang lalaki.

Alcohol

Bagama’t maaaring makapagpa-relax ang alcohol, ang labis na pag-inom ng alak ay maaaring magpamanhid ng iyong pakiramdam, isang kundisyon na makakahadlang sa kakayahan mong mag-orgasm.

Stress

Ang stress, mula man sa trabaho, mga relasyon, o personal na pagsubok, ay may malaking epekto sa iyong performance sa kama. Ang stress ay maaaring lumikha ng mga distraction sa iyong isip na pwedeng pumigil sa pag-focus mo sa mga kaganapan sa sexy time.

Pagkabalisa sa performance

“Performance anxiety” ang isa pang tawag dito. Ito ang labis na pag-aalala sa sarili mong galing na siya mismong dahilan ng pagkakasira ng iyong diskarte o konsentrasyon.

Bagama’t pwede kang maunawaan ng iyong partner sakaling makaranas ka ng mga isyu na ito, ang paulit-ulit na hindi pagbulalas sa sexy time ay maaaring magkaroon ng negatibong epekto sa relasyon niyo. Mainam na iwasan ang mga ito at siguraduhing makakamit mo ang happy ending.

Ano ang pwedeng gawin para sa garantisadong happy ending?

Maraming pwedeng gawin para lutasin ang isyu!

Mag-Kegel Exercise

Malaki ang maitutulong ng regular na pag-eexercise, lalo na kung Kegel exercises ang gagawin mo. Ang Kegel exercises ay maganda para sa iyong balakang, at mapapatibay nito ang mga muscle na kailangan para sa orgasms. 

Maghinay-hinay sa pag-inom ng alak

Gaya ng sabi namin kanina, maaaring mamanhid ang iyong balat dahil sa alak, at nakakasama ito sa sexy time. Hangga’t maaari, iwasan mo ang pag-inom bago makipagtalik.

Matulog nang maayos 

Marami itong benepisyo bukod sa pagbibigay ng sapat na enerhiya. Ang sapat na pagtulog ay makakatulong din sa pag-regulate ng iyong testosterone levels.

Mag-explore ng mga sekswal na pantasya

Maaari nitong mapukaw ang iyong sekswal na interes nang maging ganado ka sa sexy time. Ang pag-explore ng mga pagnanasa ay isa ring healthy na gawain para sa mga magkarelasyon.

Subukan niyong gumamit ng sex toys at lubricant

Ang mga bagay na ito ay maaaring magpainit ng mga kaganapan sa kama, at posibleng makatulong sa inyo na mag-climax.

Makipag-usap

Kung performance anxiety ang issue, tandaan mong mag-focus sa koneksyon mo sa iyong partner. Makipag-usap ka tungkol sa iyong mga nararamdaman, pagtibayin mo ang tiwala at romansa na namamagitan sa inyo. ‘Wag mo na lang munang isipin na kailangan mong mag-perform nang malupit. Tandaan mong may koneksyon kayo ni partner, at yun ay mas mabigat pa sa pagtatalik.

Sa pagsunod sa mga gawaing ito, mas magiging healthy ang iyong lifestyle at lalalim ang koneksyon niyo ng partner mo na siyang pwedeng maging daan sa pagkakaroon ng solid na sex life at abot-langit na ligaya!

Mga Pinagmulan:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon