fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paano Palakasin ang Pagiging Sensitibo ng Ari

Magpakatotoo tayo, mga pare: Masarap ang pagbabati at pakikipagtalik. Masarap sa pakiramdam ang bawat mapaglarong haplos, hindi ba? Kaya naman malaki ang naitutulong ng pagpapalakas ng sensitivity ng ari sa kabuuang sexual experience. Narito ang ilang paraan para patibayin ang abilidad ni junjun para mas mag-enjoy ka pa sa kama.

Iwasan ang sobrang paggalaw o pagkiskis sa ari

Ang sobrang pagkiskis o priksyon (sa pagbabati man o habang nakikipagtalik) ay maaaring maging sanhi ng pagkamanhid ng iyong ari. Ang sobrang priksyon sa ari ay posibleng makasira sa nerve endings, na siyang nagbibigay ng pakiramdam sa iyong ari. Sa susunod na paglaruan mo si junjun, ingatan mong ‘wag diinan ang paghawak sa kanya. Kung kayo naman ni beh ay magkakaroon ng sexy time, humanap kayo ng mga posisyon kung saan kayo parehong komportable.

Umupo nang maayos

Ang iyong pag-upo ay may epekto rin sa abilidad ng iyong ari na makaramdam. Kapag may sobrang pwersa sa perineum (ang espasyo sa gitna ng iyong anus at bayag), may naiipit na nerves at mga ugat, at maaari nitong mapahina ang pagiging sensitibo ni manoy. 

Ang mali at matagalang pag-upo ay maaari ring makaapekto sa iyong pagtigas o erections. Siguraduhing maayos ang iyong pag-upo. Sa trabaho, ugaliin mong tumayo paminsan-minsan at mag-unat. Kung ikaw ay siklista, mainam na bumili ka rin ng bike seat na komportable.

Pataasin ang testosterone levels

Nakakaapekto rin ang testosterone levels sa sensitivity ng iyong ari. Kapag ang testosterone levels mo ay mababa, (“Low T”), maaari itong magdulot ng mga negatibong epekto tulad ng mood swings, panghihina, at pagbaba ng sex drive na posibleng magdulot ng erectile dysfunction, o paghina sa pagtigas ng iyong ari. 

May mga paraan para mapataas ang iyong testosterone levels. Kabilang dito ang pagtulog nang maayos, regular na ehersisyo, at tamang pagkain.

Mag-ingat sa pag-inom ng alak

Ang labis na pag-inom ng alak ay nakakapagpamanhid din ng iyong katawan. Samakatuwid, mapapahina ng sobrang pag-inom ng alak ang pagiging sensitibo ni junjun. Ang mas malala pa rito, ang alcohol ay makakapigil sa’yo na magkaroon ng erection. Bantayan ang iyong pag-inom ng alak sa susunod na lalabas kayo ng partner mo, lalo na kung binabalak niyong sumabak sa aksyon pagkatapos ng gala.

Mag-ingat sa mga iniinom na gamot

May mga uri ng gamot gaya ng opioids na nakakapagpamanhid ng katawan. Maaapektuhan rin si manoy kapag uminom ka ng mga ganitong uri ng gamot. Sa mga may ganitong kaso, ugaliing konsultahin ang iyong doktor upang i-adjust ang mga gamot mo.

Ang mga tips na ito ay para sa mga lalaking gustong palakasin ang pagiging sensitibo ng kanilang mga alaga upang mas masarap ang maramdaman nila tuwing nagbabati o nakikipagtalik. 

Mainam rin na kumonsulta sa doktor, lalo’t kung may iba kang nararamdaman. Maganda ring sabihan ang iyong partner para mabigyan ka niya ng suporta at tulong kung kinakailangan.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/ways-to-increase-male-sensitivity

https://www.menshealth.com/sex-women/a35867397/how-to-increase-penis-sensitivity/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon