fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Paghahanap ng Kasiyahang Sekswal Kasama Ang Partner Mo

Kung napag-usapan niyo na ng partner mo ang inyong sex life, may nagawa na kayong napakalusog na bagay. Isa sa mga paraan para mapalakas ng mga magkasintahan ang kanilang pagsasama ay ang pag-explore sa pagtatalik. Ito’y hindi lang makakatulong upang malaman niyo ang mga sekswal na kagustuhan niyo; makakatulong na rin ito sa pag-intindi sa kung paano lubos na mapapasaya ang isa’t-isa sa kama. Bilang lalaki, ang pagpapasaya sa iyong karelasyon ay kabilang dapat sa iyong mga priyoridad. Pero hindi mo rin dapat kalimutang pasiyahin ang sarili mo. Dito makakatulong ang pag-eeksperimento sa sex. Bukod sa sekswal na kasiyahan, may pisikal at emosyonal na benepisyo rin ang pagtatalik. Isa pa itong dahilan para mag-eksperimento kayo bilang magkarelasyon.

Ang pakikipagtalik ay hindi lamang isang paraan upang makaranas ng kasiyahan; isa rin itong mahusay na paraan para mag-ehersisyo! Ito’y makakatulong sa pagpapababa ng timbang. Magandang cardio din ito para sa inyo. Sa pakikipagtalik, hindi niyo lamang mapapanatiling malusog ang relasyon ninyo. Mapapanatili niyo ring malusog ang inyong pangangatawan.

Bukod sa malinaw na emosyonal na benepisyo ng intimacy sa inyo ni partner, ang pakikipagtalik ay nagdudulot din ng paggawa ng endorphins at oxytocin: mga hormones na makakatulong sa inyong mag-relax. Bilang karagdagan, ang pagpapahalaga sa katawan ng isa’t-isa ay maaaring magpalakas ng inyong pagpapahalaga sa sarili.

Ang pakikipagtalik ay isang natural at malusog na gawain, at maraming maitutulong ang pag-uusap tungkol dito. Para mas marami pang malaman tungkol sa pag-eeksperimento bilang magkarelasyon, maaari mong panoorin ang Episode 1 ng The Naked Truth Show. Isa itong talk show na nagtatampok kay Macoy Dubs bilang si Gina G at ang sexologist na si Dr. Rica Cruz. Sa unang episode, tinatalakay nila ang ilang alamat tungkol sa sex, pati na rin ang halaga ng pag-eexplore ng sex bilang magkasintahan. Malamang ay may matutunan ka  tungkol sa sex o kung bakit mahalaga ang pag-uusap tungkol sa sex kasama ang partner mo.

Pinagmulan:

https://www.verywellmind.com/why-should-you-have-sex-more-often-2300937

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon