fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Pantasya at Fetish: Mga Nakaka-turn on sa Tao

Ang mga salitang “pantasya” at “fetish” ay madalas na nauugnay sa pagtatalik, lalo na sa sekswal na pagkapukaw. Maraming tao ang nahihirapan o nahihiyang magsalita tungkol sa kanilang mga pantasya at fetish dahil natatakot silang matingnan ang kanilang mga iniisip bilang ‘kakaiba’. Ang totoo ay walang masama sa pagiging turned on, mula man ito sa mga naiisip na eksena o partikular na bahagi ng katawan. Ang pakikipagtalik ay isang natural na bahagi ng buhay, at labis na nakakatulong ang pag-unawa sa mga bagay na nakaka-turn on sa mga tao.

Ang mga sekswal na pantasya ay mga imahe o eksenang maaari nating maisip. Kung na-imagine mo na nakikipagtalik ka sa isang sikat na artista o modelo; o kung pumasok na sa isip mo ang ideya na makipagtalik sa publiko, ibig sabihin ay nagkaroon ka na ng sekswal na pantasya. Maraming pwedeng maging pantasya, kahit mga bagay na imposibleng gawin. Hindi kailangang masubukan ang mga sekswal na pantasya; posible at walang masama kung hanggang sa isipan lang ang mga ito. Kung gusto mong gawin ang mga pinapantasya mo, pwede kang makipag-usap nang maayos sa partner mo.

Ang mga fetish naman ay mga partikular na bagay o bahagi ng katawan na maaaring maka-turn on sa isang tao. Sa madaling salita, ang fetish ay pagkahumaling sa isang bagay. Ang foot fetishism ay isa sa mga pinakakaraniwan na fetish. Ang mga taong mayroon nito ay madaling ma-turn on ‘pag nakakakita ng paa. Kung ika’y nahuhumaling sa isang partikular na bahagi ng katawan ng iyong partner gaya ng kanyang dibdib, puwet, o mga hita, maaaring may fetish ka. Gaya ng mga pantasya, normal lang na magkaroon ng mga fetish at walang masama rito, lalo na kung kaya mong makipag-usap sa partner mo tungkol dito. Parehong normal at healthy ang mga bagay na ito, lalo na kung mapag-uusapan o magagawa nang maayos at ligtas.

Kung nais mong magkaroon ng mas malalim na pag-unawa sa mga fetish, pantasya, and sekswal na pagkapukaw, panoorin mo ang Episode 2 ng The Naked Truth Show. Isa itong talk show na nagtatampok kay Macoy Dubs bilang si Gina G at ang sexologist na si Dr. Rica Cruz. Sa ikalawa nilang episode, pinag-uusapan nila ang mga sekswal na pantasya, mga fetish, at ang tamang paraan ng pag-handle sa mga bagay na ito na normal lamang at parte ng sekswal na aspeto ng pagiging tao.

Pinagmulan:

https://www.shape.com/lifestyle/sex-and-love/what-is-kink-vs-fetish-vs-fantasy:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon