Ang naitutulong ng pagtatalik bago magtrabaho
Maaari mong maramdamang boss na boss ka kung makikipagtalik ka bago pumasok sa trabaho. Pero may mas malalim at makabuluhan pa itong naidudulot bukod sa sarap na nabibigay nito.
Heto ang ilang mga rason para mag-sexy time bago magtrabaho.
Magkakaroon ka ng magandang mood
Kapag ang tao’y nakipagtalik, ang utak niya’y gumagawa ng “happy hormones” gaya ng oxytocin at dopamine na nakakaganda ng mood natin. At kapag masaya tayo, malabo tayong panghinaan ng loob.
Nakakatanggal ito ng stress
Ang utak ay gumagawa rin ng endorphins kapag tayo’y masaya. Ito’y uri ng hormone na nakakatanggal ng stress sa ating isipan. Kung meron kang kailangang ipresenta sa opisina, alam mo nang may maaari kang gawin kasama si beh bilang pampakalma.
Isa itong uri ng workout
May isang pag-aaral mula sa University of Quebec at Montreal na nagsuri ng 21 na magkasintahan at ang bilang ng calories na nawawala sa pagtatalik. Napag-alamang sa loob ng 30 minutos na pagtatalik, ang mga lalaki ay pwedeng makabawas ng 101 calories, habang ang mga babae naman ay pwedeng makabawas ng 69 calories.
Kung sakaling hirap kang dumalaw sa gym bago magtrabaho, yayain mo na lang si babe na mag-sexy time!
Mapapaganda nito ang kilos mo sa opisina
May mga sabi-sabi na ang mga taong nakikipagtalik bago pumasok ay madalas masiyahin at mas handa para sa araw nila.
Sa isang pag-aaral na may pangalang From the Bedroom to the Office, napagtanto ng mga manunuri na ang mga taong nagtatalik bago pumasok ay nakakapagtrabaho nang mas mahusay. Ito’y malamang dahil nga gumaganda ang mood ng mga taong kakatapos lang mag-sexy time.
Pinapalakas nito ang iyong kumpiyansa
Bukod pa sa magandang mood na mararamdaman mo, mapapalakas din ang iyong kumpiyansa. Napag-usapan na natin dati kung paano nakakatulong ang sex sa pagpapahalaga mo sa iyong sarili, lalo na kung ika’y may jowa o partner na madalas magpaalala sa’yo ng mga nagugustuhan niya sa’yo.
Kung kinakailangan mong humarap sa maraming tao araw-araw, ang kaunting sexy time bago pumasok ay maaaring makatulong nang sobra-sobra!
Mga Pinagmulan:
https://journals.sagepub.com/doi/10.1177/0149206317698022
https://journals.plos.org/plosone/article?id=10.1371/journal.pone.0079342
https://www.healthline.com/health/fitness-exercise/how-many-calories-does-sex-burn
Imahe mula kay jcomp sa Freepik