fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagkapukaw Na Seksuwal

reproductive health, family planning, sexual pleasure, sexual arousal, pagkapukaw na seksuwal, seks, kaaliwang seksuwal

Ang pagtatalik ay kaya tayong punuin ng iba’t ibang emosyon. Marahil sa una ay punung-puno tayo ng kasiyahan, ngunit pagkatapos ay makararamdam na tayo ng kaba, hiya, at kawalan ng ideya kung ano ang dapat gawin.

Minsan, maaari mo ring maramdaman na ika’y napag-iwanan na ng iyong mga kakilala tungkol sa pagtatalik, marahil ay ginagawa na nila ito o mas marami ang karanasan nila rito. Gayunpaman, kahit pa gaano karami ang kanilang kaalaman, marahil ay marami din silang katanungan at alalahanin katulad mo.

Ang salitang ‘seks’ o pagtatalik ay tumutukoy sa mga aktibidad na may kasamang ng ari (ng lalaki), ari (ng babae) o puwet. Pati na rin ang iba pang mga bahagi ng katawan tulad ng suso, utong, at bayag (testicles). Ang pakikipagtalik ay dapat gawin nang ligtas, kaaya-aya, at may pahintulot (nangangahulugan na ang lahat ng kasangkot ay sumasang-ayon dito).

Ngunit mayroon ding mga negatibong aspeto ang pagtatalik. Halimbawa, maaari itong magamit sa mapang-abuso at marahas na mga sitwasyon.

Siyasatin ang seksyon na ito upang malaman ang lahat tungkol sa pakikipagtalik.

Ano ang nangyayari sa ating katawan kapag tayo ay ‘napupukaw’?

Ang pagsagot sa tanong na ito ay mahalaga sa maraming kadahilanan.

Una, palaging magandang ideya na magkaroon ng pag-unawa sa kung paano gumagana ang iyong sariling katawan, kabilang ang mga seksuwal na bahagi. Sa ganoong paraan, magiging komportable ka kung paano tumugon ang iyong katawan habang nakikipagtalik at magkakaroon ka rin ng ideya kung may suliranin na dapat mong isangguni sa doktor.

Pangalawa, bagaman walang dalawang tao ang eksaktong pareho kung paano sila tumugon sa seksuwalidad, ang kaalaman kung ano ang nangyayari sa katawan ng lalaki at babae tuwing ikaw ay nananabik at sa orgasm, ay makatutulong sa iyo na mas maunawaan kung ano ang mas nagbibigay sa iyo at sa iyong kasintahan ng kaligayahan. Ang pag-unawa sa pleasure ay magreresulta sa isang mas kapwa kasiya-siyang seksuwal na relasyon.

Ang ‘pagkapukaw’ ay nagsisimula sa utak.

Ang iyong utak ang tumutugon sa pagnanasa, pagkakaroon ng pakiramdam ng pagiging malapit o pagmamahal sa iyong kasintahan, o ang paghaplos sa iyong kasintahan, sa pamamagitan ng pagpapadala ng mga signal sa iba pang bahagi ng iyong katawan, lalo na sa iyong ari. Pagkatapos nito, nagpapadala ng signal ang iyong utak sa iba pang mga bahagi ng iyong katawan upang makaramdam ng pisikal na pagkapukaw na seksuwal, tulad ng pagpapataas ng daloy ng dugo sa ari na nagreresulta sa paglaki at pagtigas ng klitoris sa mga babae at ang pagtayo ng ari sa mga kalalakihan.

Para sa parehong babae at lalaki, ang puso ay tumitibok ng mas mabilis, tumataas ang presyon ng dugo, at ang paghinga ay nagiging mas mabilis. Kaya sa maraming aspeto, ang seksuwal na proseso ng lalaki at babae ay magkatulad.

Dahil magkaiba pa rin ang mga ari ng bawat lalaki at babae, kailangan nating tingnan ng hiwalay kung paano naka-aapekto ang pagkapukaw na seksuwal sa kanila.

Mga pagkakaiba sa bilis ng seksuwal na tugon

Makikita natin na may ilang mga pangunahing pagkakapareho sa mga seksuwal na proseso ng lalaki at babae at kung paano sila magkaroon ng orgasm. Gayunpaman, tandaan na maaaring pa ring may pagkakaiba-iba sa seksuwal na tugon ang mga lalaki at babae.

Kadalasan, nangangailangan ng mas maraming oras ang babae upang mapukaw at magkaroon ng orgasm kaysa sa lalaki. Mahalagang malaman ito sapagkat sa isang relasyon sa pagitan ng lalaki at babae, maaaring kailanganin ng lalaki na subukang pabagalin ang kanyang sarili upang makasabay ang babae.

Ang mga magkapareha sa isang relasyon sa pagitan ng parehong kasarian ay higit na magkatulad sa bawat isa sa biyolohikal na aspeto ngunit hindi nangangahulugan na ang bilis ng pagkapukaw na seksuwal nila ay magkatugma. Sa madaling salita, ang bawat isa ay may sariling bilis ng pagkapukaw na seksuwal.

Kung gaano tayo kabilis mapukaw at magkaroon ng orgasm ay maaaring magbago kahit anong oras depende sa iba’t ibang mga kadahilanan.

Pinagmulan:

http://www.sexualityandu.ca/sexual-health/understanding-sexuality/sexual-arousal-and-orgasm

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon