ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Kilalanin Ang Anatomiyang Sekswal Ng Babae

female sexual anatomy

Ang isang mahusay na paraan para sa isang babae na mas makilala sa kung saan ang mga bagay ay sa pamamagitan ng paggamit ng isang salamin upang tingnan ang iyong ari. Kapag nalaman mo kung ano ang bawat bahagi, ang makita ito sa iyong sariling katawan ay maaaring magbigay sa iyo ng mas mahusay na pag-unawa sa iyong kalusugan at sekswalidad. Isaisip; tulad ng bawat babae ay may natatanging mukha, ang bawat isa ay may natatanging katawan din. Ang mga bagay ay maaaring hindi katulad ng mga imaheng makikita sa mga klinika ng doktor o mga libro ng anatomiya, ngunit normal iyon. Ang bawat katawan ay maganda sa pagkakaiba-iba nito.

Panloob Na Anatomiyang Sekswal

Ari Ng Babae (Vagina)

Ang vagina ay ang nababanat na daanan na nag-uugnay sa mga panlabas na organo (vulva) sa serviks at matris. Ang vagina ay isang lagusan na may mga dingding gawa sa kulubot na tisyu na nakapatong sa isa’t isa. Ang mga paligid ng vagina ay nabubukas nang sapat lamang upang makapasok ang isang bagay (tulad ng daliri o ari ng lalaki), o makalabas mula dito (tulad ng isang sanggol).

Ang vagina ay dalawa hanggang apat na pulgada ang haba kapag ang babae ay hindi pukawin, at apat hanggang walong pulgada ang haba kapag siya ay pukawin nang sekswal.

Ang vagina ay may tatlong tungkulin:

  • Daluyan ng regla palabas ng katawan.
  • Lugar ng sexual penetration (gamit ang kamay, daliri, laruan na sekswal, o ari ng lalaki).
  • Daanan ng sanggol palabas ng katawan ng ina kapag isinilang nang vaginal delivery.

Serviks (Cervix)

Ang serviks ay ang makitid, mababang bahagi ng matris sa dulo ng vagina. Kung ikukumpara sa malambot na paligid ng vagina, ang pakiramdam ng serviks ay kasing tigas ng dulo ilong na may maliit na dimple sa gitna nito. Ang dimple sa serviks ay ang os, o pagbubukas sa matris. Napakaliit ng pasukan ito, at karaniwan ang regla dumadaloy palabas ng matris o semilya na papasok sa matris ang mga tanging nakakadaan sa serviks. Walang daliri o ari ng lalaki ang maaaring dumaan dito, bagaman may kakayahang mapalawak ito nang sapat na laki para sa isang sanggol sa panahon ng pagsilang.

Matris (Uterus)

Ang matris ay isang hugis-peras, na muscular reproductive organ na kung saan nagaganap ang pagregla at normal na pagbubuntis. Ang matris ay karaniwang kasing laki ng kamao ng babae, at may kakayahang lumawak nang husto kapag nagbuntis.

Sa panahon ng pagpukaw na sekswal, ang ibabang bahagi ng matris ay umaangat papalapit sa tiyan, na lumilikha ng mas malawak espasyo sa dulo ng vagina. Ang pangyayaring ito ay tinatawag na “tenting.”

Mga Fallopian Tube

Ang mga fallopian tube ay dalawang makitid na lagusan na nagdadala ng mga selulang itlog mula sa mga obaryo hanggang sa matris. Ang mga esperma ay naglalakbay rin sa mga fallopian tube upang matagpuan at magsanib sa selulang itlog.

Fimbriae

Ang fimbriae ay parang dose-dosenang mga maliliit na daliri sa dulo ng bawat fallopian tube na tumutulak sa selulang itlog mula sa mga obaryo patungo sa fallopian tube.

Mga Obaryo (Ovaries)

Ang mga obaryo ay dalawang organo na nagsisilbing imbakan ng mga selulang itlog sa katawan ng isang babae. Ang mga obaryo ay gumagawa din ng mga hormon, kabilang ang estrogen, progesterone, at testosterone. Sa panahon ng pagdadalaga, ang mga obaryo ay nagsisimulang magpalabas ng mga selulang itlog bawat buwan, at patuloy itong ginagawa hanggang menopos. Karaniwan, ang isang obaryo ay naglalabas ng isang selulang itlog bawat buwan.

Mga Glandula Ni Bartholin (Bartholin’s Glands)

Ang mga glandula ni Bartholin ay dalawang glandula na naglalabas ng likido pampadulas at pampabasa vagina sa pagpupukaw na sekswal. Matatagpuan ang mga ito sa magkabilang panig ng pagbubukas ng vagina. Karaniwan hindi nakikita o nadarama ang mga ito.

G Spot

Ang G spot, ay matatagpuan sa bandang harap ng vagina—ang parte na pinakamalapit sa tiyan. Ito ay karaniwan isa hanggang dalawang pulgada sa loob ng puki. Ang G spot ay napakasensitibo at namamaga sa pagpukaw na sekswal. Para sa ilang mga babae, kapag ang lugar na ito ay hinaplos, maaari maabot niya ang orgasmo.

Yuritra (Urethra)

Ang yuritra ay ang daluyan ng ihi mula sa pantog, papalabas ng katawan.

Bulba (Vulva)

Ang bulba ay ang buong ari ng babae. Ang bulba ay may limang bahagi: mons pubis, labia, clitoris, urinary opening, at vaginal opening. Ang mga tao ay madalas napagbabaligtad ang bulba at vagina. Ang vagina, na kilala rin bilang birth canal, ay nag-uugnay sa serviks at matris sa loob, at sa bulba sa labas.

Labia

Ang labia, o mga labi, ng bulba ay mga balat na pumapalibot sa pasukan ng vagina. Ang mga labia ay maaaring magkakaiba mga sukat, hugis, kulay, at pakiramdam, at bahagi ng kung bakit natatangi ang iyong bulba. Ang panlabas at panloob na labia ay sensitibo, at maaaring mamaga at bumuka kapag ikaw ay napukaw.

Labia Majora: Ito ay ang panlabas na labia. Ito ay binubuo ng dalawang piraso ng balat at mataba na tisyu na nag-uugnay sa panloob na labia at sa mga hita. Natatakpan ito ng pubic hair pagkatapos ng pagdadalaga.

Labia Minora: Ang panloob na labia ay binubuo ng mga nakatiklop na balat sa loob ng panlabas na labia, at nagsisimula sa klitoris at nagtatapos sa paligid ng pagbubukas ng vagina. Ang panloob na labia ay maaaring lumago at magbago ng kulay habang tumatanda ka, maging kulubot o makinis, at kung minsan ay umusli mula sa pagitan ng panlabas na labia. Makikita ang panloob na labia kapag binuka ang panlabas na labia.

Vagina

Ang lagusan na humahantong mula sa mga panlabas na ari hanggang sa serviks. Ang vagina ay kung saan pumapasok ang ari ng lalaki sa kapag nagtatalik, at kung saan dumadaloy ang regla papalabas ng katawan. Meron rin itong kakayahan na lumawak upang isilang ang sanggol. Mula sa labas, ang pagbubukas lamang ang nakikita.

Sa paligid ng pagbubukas ng vagina maaari mong makita ang mga tira ng hymen, na kilala rin bilang vaginal corona. Ito ay isang manipis na lamad sa loob lamang ng pagbubukas ng vagina, na bahagyang hinaharangan ang pagbubukas ngunit halos hindi buong nasasaklaw. Magkakaiba ang hugis at laki ng mga hymen. Para sa karamihan sa mga babae madali silang mabanat, ngunit kahit na matapos na mabanat ang hymen, may mapenisrang mga maliliit na tisyu.

Klitoris (Clitoris)

Ang klitoris ay isang tisyung malambot na nakatuon lamang sa sekswal na kasiyahan. Ito ay namamaga kapag ikaw ay napukaw. Tanging ang dulo ng klitoris ang makikita sa tuktok ng bulba—ang ibang bahagi ay nakatago sa ilalim ng isang bahagi ng labia na tinatawag na clitoral hood. Ang dulo ng klitoris ay maaaring iba-iba ang laki mula sa mas maliit kaysa sa isang guisantes, sa mas malaki kaysa sa isang bataw. Ang ibang parte ng klitoris ay na sa loob ng katawan, at halos limang pulgada ang haba. Ang pagiging sensitibo ng klitoris ay naiiba sa bawat babae.

Tulad ng ari ng lalaki, tumitigas at namamaga ang klitoris sa pagpukaw na sekswal; ngunit, ang layunin ng klitoris ay para sa kasiyahang sekswal lamang, hindi tulad ng ari ng lalaki. Wala ito ginagampanan sa paggawa ng sanggol tulad ng mga ari ng babae’t lalaki. Ang klitoris ay talagang doon para sa kasiyahan mo, at madalas na sobrang sensitibo: ang mga klitoris ay may libu-libong mga dulo ng nerbyo!

Pagbubukas Ng Yuritra (Urinary Opening)

Kung ang panloob na mga labia (labia minora) ay binuka, sa ibaba mismo ng ugnayan ng panloob na mga labia at sa ilalim ng klitoris, makikita ang isang maliit na tuldok o hiwa. Ito ang pagbubukas ng yuritra, ang panlabas na pagbubukas ng yuritra; isang maikling (may humigit-kumulang isang pulgada at kalahati ang haba), at manipis na lagusan na humahantong sa iyong pantog.

Pinagmulan:

https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/sexual-and-reproductive-anatomy/what-are-parts-female-sexual-anatomy

Please follow and like us:
error

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon