fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagpapanatiling Malinis Ng Ari (Ng Babae)

Vagina, hygiene, Sexual Health, Family Planning

Sa kabila ng kung ano ang sinasabi ng mga patalastas, ang iyong ari ay hindi dapat kasing amoy ng “mga sariwang bulaklak.” Ang pag-aalaga ng iyong ari ay napaka-simple, at hindi mangangailangan ng mga mamahaling produkto — ngunit dapat bang hinuhugasan ang iyong pwerta? Hindi, ngunit ang iyong vulva ay kailangang hugasan.

Ang pwerta (vagina) at bulba (vulva)

Kaya ano ang pagkakaiba? Ang pwerta ay ang panloob na kanal sa loob ng iyong katawan. Ang bubla ay tumutukoy sa mga maselang bahagi ng katawan ng babae sa labas ng ari, tulad ng:

  • Klitoris
  • Klitoral hood
  • Ang panloob at panlabas na labia

Mabuting hugasan ang mga bahaging ito, ngunit hindi mo kailangang mag-alala tungkol sa iyong pwerta; kaya nitong alagaan ang sarili.

Likas na kapaligiran ng pwerta

Ang pwerta ay gumagawa ng sarili nitong mabuting bakterya at likas na uhog na tumutulong mapanatiling malinis ang sarili. Ang paggamit ng sabon sa paghuhugas ng iyong pwerta ay maaaring hadlangan ito sa paggawa ng sariling mga tungkulin sa paglilinis at sirain ang likas na balanse nito. Kung nais mong panatilihing malusog ang pwerta, hayaan itong gawin ang sariling trabaho.

Paghugas ng iyong bulba

Palaging pinapaisip sa atin ng lipunan at kultura na marumi ang ari ng babae, ngunit hindi talaga nangangailangan ng matinding pagkuskos o malupit na mga produkto upang malinis ito. Paano ba talaga dapat linisin ang bulba?

  • Gumamit ng maligamgam na tubig at banayad na sabon. Sapat na ang maligamgam na tubig pang linis ng iyong bulba; ngunit kung mas komportable sa paggamit ng sabon, gumamit ng banayad at walang halong pabango. Hindi dapat masyadong mainit ang tubig at dapat ibanlaw nang husto ang sabon.
  • Maging banayad. Dahan-dahang ibuka ang mga labia gamit ang mga daliri, at hayaan lamang ang maligamgam, at mabulang tubig na dumadaloy sa paligid ng klitoral hood at sa pagitan ng labia — hindi na kailangan ng pagkuskos! Sensitibo ang balat at hindi na kailangan ng washcloth o loofah. Gayundin, siguraduhin na hindi papasok ang sabon sa pwerta. Mahusay din na hugasan ang anus at ang lugar sa pagitan ng anus at bulba. Kung gagawin mo ito, tandaan na maghugas mula sa harap papuntang likod upang iwasan mapunta ang bakterya ng anus sa pwerta at yuritra.
  • Dampiin para matuyo. Matapos mong lubusang hugasan ang iyong bulba, dampiin ito gamit ang isang malambot na tuwalya para matuyo.
  • Magsuot ng malinis at gawa sa cotton na panty. Matapos maligo o hugasan ang iyong bulba, tiyakin na ang panty na iyong isusuot ay malinis at nalabhan. Ang panty gawa sa cotton ay ang pinakamabuti dahil sa ganitong uri ng materyal “nakakahinga” ang iyong ari.

Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kung ikaw ay nireregla. Maaari mo ring hugasan ang iyong bulba nang higit sa isang beses sa isang araw kung nais manatiling presko o nag-aalala ka na mangamoy.

Ano ang Iwasan

  • Douching. Ang douching ay ang pag-agos ng tubis sa loob ng pwerta upang ito ay “malinis” at maalis ang natural na mga uhog. Ginugulo nito ang likas na kapaligiran ng pwerta at ang mga bakterya na nagpoprotekta dito, kaya mahihirapan ito na linisin ang sarili. Mas mabuting iwanan ang paglilinis sa pwerta — alam nito kung ano ang gagawin.
  • Mga feminine spray at wash. Ang mga produktong tulad ng feminine spray at wash ay karaniwang may mga pabango at kemikal na maaaring maging sanhi ng pangangati o iritasyon sa sensitibong balat ng iyong ari. Kung nag-aalala ka tungkol sa amoy, hugasan nang regular ang iyong bulba gamit ang maligamgam na tubig, o gumamit ng banayad ata walang pabangong sabon..
  • Vaginal steaming. Ang vaginal steaming ay ang pagkulo ng mga herb sa mainit na tubig at pag-upo sa ibabaw ng tubig upang dumaloy ang singaw sa loob ng pwertai. May mga nagsasabi na nakakatulong ito sa pananakit ng puson, kabag, at iba pang mga kondisyon, ngunit walang mga pag-aaral na patunayan na ang vaginal steaming ay nakakatulong na mapabuti ang kalusugan ng ari. Maaaring masunog ng mainit na singaw ang sensitibong tisyu ng pwerta at makagambala sa likas na kapaligiran, kaya hindi inirerekumenda na mag-vaginal steaming.
  • Masikip na damit. Ang masikip na damit ay maaaring pigilan ang likas na bentilasyon, at maaaring gawing makati, mainit-init, at mahalumigmig ang iyong ari — sa ganitong kapaligiran karaniwang lumalago ang mga bakterya. Iwasan ang pagsusuot ng masisikip at mamasa-masang damit nang matagal upang mapanatiling presko ang iyong ari.

Mga Pinagmulan: 

https://www.healthline.com/health/how-to-clean-your-vagina#steaming

https://www.nhs.uk/live-well/sexual-health/keeping-your-vagina-clean-and-healthy/

Please follow and like us:

63 thoughts on “Pagpapanatiling Malinis Ng Ari (Ng Babae)

  1. Hi po tanung ku lang po aq po nagkaron ng Aug 5 na tapus po aq NG aug10 tapus bigla po aq nagkaron ng August 12 para po ciang brown na kulay ok lang po ba yun tapus na wala tapus may patak ulit na brown hangang ngayun Aug 23, sa twing po aq nakikipagtalik sa asawa q may lumalabas ng kiting dugo kahit tapus na q reglahin pero wala namn po aq nararamdaman anu po kaya ito

    1. Hi, Donna! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo na walang kinalaman sa regla, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay rin sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/

      Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  2. Normal discharge lang po ba pag yellow green yung lumalabas sa ari tapos may amoy po na mabaho ano po kailangan gawin upang mawala yung amoy

    1. Hi, Lovely! Maraming posibleng makaapekto sa vaginal discharge, kasama na ang pagbabago ng mga antas ng hormones, kinakain, at gamot na iniinom. Nakakaranas ka rin ba ng iba pang sintomas? Mainam na ikonsulta ito sa doktor o malapit na health center kapag nakakaapekto na sa araw-araw na gawain. Baka makatulong rin po sa inyo ito: https://doitright.ph/tl/gabay-sa-mga-kulay-ng-vaginal-discharge/
      https://doitright.ph/tl/ibat-ibang-amoy-ng-ari-at-ang-kanilang-mga-sanhi/

  3. Hello po sa vagina ko po meron pong lumalabas na kulay yellow green tapos may amoy po sya halos araw araw sya lumalabas ano pong dapat gawin para maiwasan po ito? Normal lang po ba to?

    1. Hi, Shaina! Maraming posibleng makaapekto sa vaginal discharge, kasama na ang pagbabago ng mga antas ng hormones, kinakain, at gamot na iniinom. Nakakaranas ka rin ba ng iba pang sintomas? Mainam na ikonsulta ito sa doktor o malapit na health center kapag nakakaapekto na sa araw-araw na gawain. Baka makatulong rin po sa inyo ito: https://doitright.ph/tl/gabay-sa-mga-kulay-ng-vaginal-discharge/
      https://doitright.ph/tl/ibat-ibang-amoy-ng-ari-at-ang-kanilang-mga-sanhi/

    2. Wala pong sintomas regular naman po yung regla ko. Hindi rin po sya makati as in wala po talga ganun lng po sya araw araw may lumalabas na yellow green tas may amoy

  4. hi po.nagkaroon po ako ng cyst dati at naoperahan naman po ako, 1 taon na po na nangyare yu at heto meron po ulit ako.at di ko po alam ang gagawin patulong nmn po, ano ang kailangan kong gawin para mawala ang matigas na parte sa may gilid ng bukahan ng are ko

  5. Hi po pwde po mag Tanong bakit po gnun na ngangati po Yung ari ko ng susugat na din po d ko po mapigilan kamutin tapos po tuwing hihingi may lumalabas po pa tulong nmn po salamat.

    1. Hi, Aby! May ibang sintomas pa po bang nararanasan? May ilang posibleng sanhi ng pangangati ng ari, kasama na rito ay kakulangan sa kalinisan sa sarili, ilang mga impeksyon, o kaya’y paggamit ng sabon panlaba o femine wash na hindi ka hiyang. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Maaaring subukan palitan ang feminine wash at sabon panlaba. Iwasan rin ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn o malapit na health center para malaman ang sanhi at kung ano ang angkop na lunas.

  6. Hi po may uti po kasi ako…tapos ngayon po my nkita ako sa panty ko parang malauhog pero hindi po mabHo ano dapat gawain

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon