fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang Penile Numbing?

Ang penile numbing o pamamanhid ng ari ng lalaki ay isa sa mga pinakamalaking banta sa kalusugan ng ari, kaya mainam na malaman kung ano ang ibig sabihin nito at kung paano ito nagsisimula.

Ang ari ay may maraming nerve endings. Ito ang dahilan kung bakit sensitibo ang ari. Ang penile numbing ay isang kundisyon kung saan humihina ang pakiramdam ng ari o nanawalan mismo ito ng pakiramdam.

May iba pa itong sintomas gaya ng pagkakaroon ng pakiramdam na parang tinutusok ang ari; pagiging mala-bughaw ng balat ng ari, or ang pagkakaroon ng malamig na pakiramdam sa paligid ng ari.

Normal ba ito?

Maraming posibleng maging sanhi nito, pero pinakakaraniwan ito sa mga sumusunod:

  • mga siklistang malalayo ang nilalakbay sa bike,
  • mga lalaking may mababang testosterone levels,
  • mga lalaking nasugatan ang ari, at
  • mga lalaking nagtamo ng sugat sa utak o spinal cord.

Ang pamamanhid ay pwede ring maranasan kapag matagal kang umuupo. 

Ano ang dapat gawin?

Ang pinakaunang bagay na dapat gawin kung nakaranas ka na ng kahit ano sa mga nabanggit na sintomas ay kumonsulta sa doktor.

Kung kinakailangan mong umupo nang matagal sa trabaho, malalabanan mo ang pamamanhid sa pagtayo paminsan-minsan o sa paggamit ng mas komportableng upuan.

Para sa mga siklista, malaki ang naitutulong ng paggamit ng padded na upuan at pagsuot ng padded na shorts tuwing nagbibisikleta.

May mga panglunas naman sa iba pang sanhi ng pamamamanhid ng ari. Ang mga lalaking may mababang testosterone levels ay pwedeng marisetahan ng gamot. 

Marami ka pang pwedeng matuklasan tungkol sa kalusugan ng ari ng lalaki dito. Para naman patibayin ang pakiramdam ng iyong ari, pwede mong gawin ang mga sumusunod:

  • Panatilihing mataas ang testosterone level sa pamamagitan ng pagtulog nang maayos, pag-iwas sa stress, at pagkain nang tama;
  • Umiwas sa madiing pagkiskis sa ari;
  • Umupo nang maayos at sa kumportableng pusisyon;
  • Magdahan-dahan sa pag-inom ng alak.

Pwede mong basahin ang article na ito para makatuklas ng iba pang paraan para palakasin ang pakiramdam ng iyong ari.

Importanteng bantayan ang kalusugan ng ari para makaiwas sa mga ‘di kanais-nais na sitwasyon gaya ng pagiging mailap ni Junjun sa sexy time.

Ang wastong pag-alaga sa kalusugan ng iyong ari ay maaaring maging daan para mas ma-enjoy mo ang pakikipagtalik at ang iyong sekswalidad.

Mga Pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/numb-penis

https://bit.ly/3WDows7

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon