ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pang-Amoy At Orgasmo: Paano Nakakaapekto Ang Pang-Amoy Sa Karanasang Sekswal

Smell Your Way To Orgasm: How The Sense Of Smell Affects Sexual Experience

Ang seks ay karanasang pangkatawan, at sabi nga ang utak daw ay ang pinakasensetibong parte ng katawan pagdating sa seks. Ang mga lalaki ay napupukaw sa kanilang mga nakikita, at ang mga babae ay napupukaw sa kanilang mga naririnig. At dahil sa mga haplos at paghawak, natatamasa ng mga mag-partner ang iba’t ibang aktibidad na sekswal. Pero alam mo ba na ang iyong pang-amoy ay may parte rin sa seks?

Sa isang pag-aaral na pinangunahan ni Johanna Bendas sa Technical University of Dresden sa Alemanya, nadiskubre nila na ang mga taong may mas sensitibong pang-amoy ay mas nalulugod sa kanilang buhay sekswal.

Lumabas sa mga resulta na ang mga babae na mas mabuti ang pang-amoy ay nakakamit ang orgasmo nang 60 porsyento kada pagkakataon magtalik, habang ang mga babaeng hindi masyado sensitibo ang pang-amoy ay naaabot ang orgasmo mga 17 porsyento lamang.

Sa ibang saliksik naman, nakita ng mga mananaliksik na ang mga lalaking mahina ang pang-amoy ay mas kaunti ang naging sekswal na partner, kumpara sa mga lalaking mas sensitibo ang pang-amoy. Ngunit, kailangan pa ng karagdagan saliksik para matagpuan ano ang aktual at klarong dahilan sa likod nito.

Nadiskubre nina Bendas at ng kanyang kasamahan na walang ugnay sa pagitan ng lakas ng pang-amoy ng mga kalahok sa pag-aaral, at sa pagnanasang sekswal o kilos sa seks. Ngunit, minumungkahi ng mga mananaliksik na maaaring tumaas ang pagpukaw na sekswal dahil sa pag-amoy ng mga amoy ng katawan gaya ng likido mula sa pwerta, semilya, at pawis, na maaaring mapabuti ang karanasang sekswal.

Syempre, hindi rin naman maaaring isama sa saliksik lahat ng posible ring kadahilanan, na maaari ring makaapekto sa karanasang sekswal ng isang tao. Ang mga natuklasan mula sa mga saliksik ay nagpapakita lamang ng ugnayan sa pagitan ng pang-amoy at karanasang sekswal — hindi ibig sabihin nito na ang mga taong may problema sa sinus o pang-amoy ay hindi na pwedeng magkaroon ng nakakalugod na buhay sekswal!

Mga pinagmulan:

https://www.psychologytoday.com/us/blog/attraction-evolved/201810/sexual-desire-and-odor

https://www.businessinsider.com/sense-of-smell-could-be-better-for-your-sex-life-2018-5

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon