fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Phone Sex 101 para sa mga Lalaki

Bago pa man ang COVID-19, marami nang paraan para sa mga sexual partner na maging mapusok. May sexting (o “sexy texting”) at pwede ring mag-send ng nudes. Meron din tayong tinatawag na phone sex o “sex on phone.”

Ito ang pakikipagtalik sa telepono, gamit lamang ang mga kaaya-ayang tunog at salita.

Ang phone sex ay isang magandang paraan para makipag-sexy time kay partner sa mga araw na ‘di kayo magkasama. Pwede rin itong maging magandang pampainit at pampatibay ng relasyon. At ‘yun ang tatalakayin natin sa article na ito.

Ihanda niyo na ang mga boses niyo, mga pre. Pag-aralan natin ang phone sex!

Ano ito?

Nasa termino na mismo na ang phone sex ay isang sekswal na aktibidad. Ito’y naisasagawa habang may kausap sa telepono. Parte nito ang pakikipag-usap sa isang mapanukso o erotikong paraan para makiliti ang diwa at imahinasyon ng kinakausap.

Sa pamamagitan ng berbal na komunikasyon, ang mga nakikipag-phone sex ay pwedeng makipag-roleplay, maglarawan ng mga pantasya, at maghatid ng ligaya sa kanilang partner sa kabila ng pisikal na distansya.

Paano natin ito magagawa nang tama?

Gaya sa marami pang sekswal na gawain, may tamang paraan para gawin ito. Importanteng alamin ang mga hakbang na ito para masigurong walang mailang o masaktan sa nais niyong gawin.

Makipag-usap at humingi ng pahintulot

Ang mga ito ay malalaking bahagi dapat ng mga enkwentrong sekswal.

Pwede mong tanungin ang partner mo mismo kung ayos lang sa kanyang makipag-phone sex. Pwede ka rin namang makipag-sexting para siya ay tuksuhin o akitin. (Ang sexting ay pwedeng gamiting foreplay, isang bagay na pwedeng pumukaw sa kanyang kalibugan.) Kung willing siya, magbunyi ka’t magpatuloy sa mga susunod na steps!

I-set ang mood

Maraming bagay ang kailangan para rito. Kailangan mong alisin ang lahat ng pwedeng makaabala sa call ninyo. Maghanap ka ng tahimik na lugar kung saan walang makakaistorbo sa inyo (at kung saan wala kayong maiistorbo.)

Kapag nakasiguro ka na ng magandang spot, pwede mo nang simulan ang call!

Start it right

Magdahan-dahan sa simula, pagkatapos sumagot ng partner mo. Pumili ng isang lider, ang taong mamumuno o magkokontrol ng pag-uusap. Kailangan ng lider maging mas vocal kaysa sa isa.

Maging malikhain (at medyo bastos)

Sakaling ikaw ang leader, ikaw halos ang magsasalita sa inyong call. Sabihin mo sa partner mo kung ano ang gusto mong gawin sa kanya kung sakaling kasama mo siya. Ilarawan mo kung paano mo siya hihimasin o hahaplusin.

Kailangan mong makinig nang mabuti, lider ka man o hindi. Parte ng phone sex ang pakikinig sa kung sino man ang nagsasalita. Hayaan mong magwala ang iyong imahinasyon habang pinapakinggan ang partner mo.

Sakaling gusto niyo pang painitin ang inyong phone sex, subukan niyong mag-video call para maipakita ninyo ang inyong mga katawan sa isa’t-isa. Maaari itong makadagdag sa excitement at sarap!

Pinakahuli, ‘wag mong kalimutang enjoyin ang karanasan. Ang mundo ng phone sex ay nagbubukas ng isang mundo ng mga kapana-panabik na posibilidad. Pwede ka rin nitong bigyan ng espasyo na tuklasin at kilatisin ang iyong mga pantasya at pagnanasa.

Maaari itong maging kasing sarap ng pisikal na pakikipagtalik, lalo na kung magagawa mo nang tama.

Sa susunod na magkalayo kayo ng bebe mo, tandaan mong posible pa rin kayong mag-sexy time. Basta’t ‘wag kalimutan ang steps to #DoItRight! At ‘wag na ‘wag ka sanang mag-dial ng wrong number!

Mga Pinagmulan:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon