Ang komunikasyon ay parte ng lahat ng mga relasyon. Mabigat din ang halaga nito sa mga sekswal na relasyon dahil ang pakikipagtalik ay isang mapusok na gawain kung saan kailangan ng tiwala at katapatan.
Isa sa mga paraan para mapalakas at mapainit ang isang sekswal na relasyon sa pamamagitan ng komunikasyon ay ang sexting o “sexy texting.” Isa itong mapaglaro’t intense na paraan ng pag-explore ng mga pagnanasa, at pwede rin nitong mapanatili ang init sa isang relasyon kahit na magkalayo kayong dalawa.
Newbie ka man sa sexting o isa nang beterano sa larangan, may matututunan ka sa article na ito.
Ihanda niyo na ang mga phone niyo, at tayo’t papasok sa mundo ng sexting. Tatalakayin natin ang mga tinatagong technique para sa wasto at walastik na sexting sessions. Tara na!
Ano ito?
Ang sexting ay ang sekswal na pakikipag-usap sa text o instant messaging apps. Kabahagi nito ang pagse-send ng nudes o videos. Sa pamamagitan ng sexting, maaari kang makapag-explore ng iyong sekswalidad habang nakikipagharutan sa partner mo. Maaari rin nitong mapainit ang relasyon ng dalawang tao na hindi pisikal na magkasama.
Paano natin ito magagawa nang tama?
Tandaan mong tao lang din ang kausap mo. Ibig sabihin, kailangan mo siyang respetuhin. Maaaring nais mong makipaglandian, pero kung busy siya o hindi willing, kailangan mong tanggapin ‘yon. Kung sakaling pwede siya at kayang mag-reply, edi yehey!
Kamustahin mo muna siya. ‘Wag kang maging manyak na bigla-bigla na lamang manlalandi. Importanteng mag-usap muna kayo.
Humingi ng pahintulot. Pagdating sa sexting, ang pahintulot ay mahalaga. Kailangan ito para masigurong masaya’t komportable kayong mag-partner sa mga sinasabi’t ginagawa ninyo sa isa’t-isa.
Kung gusto mo talagang painitin ang usapan, maaaring mag-send ng dick pics o nudes. Siguradong mawiwindang sa tuwa ang partner mo nun! Pero siyempre, dapat gawin ‘yon nang maayos. Mag-take ka ng Nudes 101 para maging matinik.
Huli sa lahat, tandaan mong ang sexting ay hindi lamang para sa sarap. Isa itong uri ng komunikasyon na pwedeng makapagpatibay ng relasyon niyo ni partner.
At ‘yun na ‘yon! Ang sexting ay pwedeng maging mainit at intense na paraan para mag-connect kayo ng partner mo. Pero, palaging dapat tandaan na tao rin ang kausap mo; tao na may boundaries at comfort levels.
Sa pagbibigay ng halaga sa consent at pakikipag-usap nang maayos, masisiguro mong matutuwa si babe sa tuwing nagse-sexting kayo.
Good luck sa susunod na makikipag-sexting ka. Sana’y hindi ka ma-wrongsend!
Mga Pinagmulan:
- The Promescent Team. (n.d.). The art of sexting: Tips, guidelines & examples for men. Promescent. https://www.promescent.com/blogs/learn/sexting-tips-for-men
- BARE Therapy. (2023, April 12). A man’s guide to sexting – expert advice from a sexologist. Man of Many. https://manofmany.com/lifestyle/sex-dating/a-mans-guide-to-sexting
- Imahe mula sa Freepik