fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Sexual compatibility: Ano ito at bakit ito mahalaga?

Sexual compatibility: What is it and why does it matter?

Ano sa palagay mo ang pinakamahalagang elemento ng isang long-term romantic relationship? Ang pag-ibig, paggalang, at pagpapalagayang-loob ay marahil ang ilan sa mga bagay na unang pumasok sa iyong isipan. Ngunit naisip mo na ba ang sexual compatibility?

Oo, ito ay kasinghalaga ng iba pang mga elemento! Ngunit ano nga ba ang sexual compatibility at bakit ito mahalaga? Tingnan natin nang mas malalim ang elementong ito.

Ano ang sexual compatibility?

Ang sexual compatibility ay walang opisyal na kahulugan. Ngunit sa pangkalahatan, ito ay tumutukoy sa mga magpartner na nagbabahagi ng parehong sexual beliefs, preferences, pagnanasa, at pangangailangan.

Kaya, paano mo malalaman kung sexually compatible kayo? Communication ang sagot!

Oo, pakiramdaman ay maaaring makatulong sa iyo na matukoy kung tugma ka sa iyong partner. Ngunit ang pakikipag-usap tungkol sa iyong mga kagustuhan at mga hangganan ay ang unang hakbang upang malaman kung kayo ba’y sexually compatible.

Narito ang ilang indikasyon na sexually compatible kayo sa isa’t isa:

  • Pareho kayo ng expectations
  • Pareho kayo ng pananaw sa public display of affection
  • Sumasang-ayon ka sa dalas, tagal, at intensity ng sex ninyo
  • Gusto niyo (o hindi gusto) ang parehong mga bagay, tulad ng sexting
  • Natuturn-on (o turn-off) kayo sa parehong mga bagay, gaya ng mga sex scenes sa pelikula
  • May pakialam kayo sa kasiyahan ng isa’t isa

Bakit mahalaga ang sexual compatibility?

Ayon sa relationship counselor at Stay Connected author na si Lissy Ann Puno, “Ang sexual intimacy ay ang pagpapahayag ng pagmamahal sa pamamagitan ng pisikal na katawan at sekswalidad ng isang tao. Ang sexual intimacy ay kapag nararamdaman mong tanggap ka, ligtas ka, pinahahalagahan ka, minamahal ka, at malaya kang ipahayag ang iyong sarili at ang iyong pagmamahal sa iyong partner nang may wagas na kasiyahan at kaligayahan.”

Ang sex ay pinagmumulan ng pisikal na kaligayahan at isang malaking aspeto ng romantikong relasyon. Ang pagkonekta ng mga emosyon, pag-ibig at pagtanggap ay mahalagang elemento din pagdating sa pakikipag-ugnayan sa sekswal na aspeto.

Kapag ang magpartner ay hindi komportable sa isa’t isa at hindi kayang ibigay ang sexual needs at desires ng isa’t isa, halatang-halata na hahantong ang relasyon sa kawalang-kasiyahan at pagkabigo.

Mga pinagmulan:

Silverberg, C. (October 25, 2022). Are You and Your Partner Sexually Compatible? Brides. https://www.brides.com/sexually-incompatible-and-in-love-2983280#:~:text=Sexual%20compatibility%20refers%20to%20two,of%20which%20are%20totally%20normal 

Kassel, G. (October 25, 2019). 20 Things to Know About Sexual Compatibility. Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/sexual-compatibility 

Lyndes, H. (June 9, 2022). Is Sexual Compatibility a Thing? We Asked a Sex Expert. PopSugar. https://www.popsugar.com/love/is-sexual-compatibility-important-48441450

Agarwal, S. (November 5, 2020). Sexual Compatibility – Meaning, Importance And Signs. Bonobology. https://www.bonobology.com/sexual-compatibility/ 

The Importance of Sexual Compatibility in a Relationship. Marriage. https://www.marriage.com/advice/physical-intimacy/the-importance-of-sexual-compatibility-in-a-relationship/ 

Mark, K. (March 20, 2012). Sexual Compatibility: The Importance to Your Satisfaction. Psychology Today. https://www.psychologytoday.com/us/blog/the-power-pleasure/201203/sexual-compatibility-the-importance-your-satisfaction 
Arnaldo, S. (February 24, 2020). Sex, intimacy, and sexual compatibility: What every couple needs to know. Rappler. https://www.rappler.com/life-and-style/relationships/things-every-couple-needs-know-sex-intimacy-sexual-compatibility/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon