Sa isang sulyap:
- Manipis na latex o polyurethane na pantakip para sa ari ng lalaki at nangongolekta ng semilya
- Mura
- Mabilis na ilagay at madaling itatapon
- Madaling bilhin
- Pumoprotekta laban sa mga STI at HIV
- Sa tipikal na paggamit, ang mga condom ay 85% epektibo; 98% kung ginamit nang tama
- Isang beses lang pwedeng gamitin
Ano ang condom?
Isang manipis na pantakip sa nakatayong ari ng lalaki na inilalagay bago ang pakikipagtalik. Maaari itong gawa sa latex, balat ng tupa, o ilang uri ng polyurethane o synthetic na bagay. Sa Pilipinas, ang pinakakaraniwang condom ay gawa sa latex.
Ang mga condom ay isa sa sa mga pinakamahusay na proteksyon. Hindi lamang sila proteksyon laban sa hindi planadong pagbubuntis kundi pati sa mga impeksyong nakukuha sa pakikipagtalik (STIs) at HIV, at sa gayon ay dapat gamitin sa lahat ng mga bagong relasyon. Mayroon itong iba’t ibang kulay, tekstura, at lasa na maaaring pagpilian.
Ang mga condom ay madaling mabibili sa mga tindahan ng gamot, supermarket, mga convenience store, mga pangunahing online shop, atbp.
Paano ito gumagana?
Ang mga condom ay kilala bilang isang pangharang (barrier) na contraceptive dahil pumipigil ito sa semilya na maka-abot sa itlog sa pamamagitan ng paglikha ng isang pisikal na hadlang sa pagitan nila. Ang condom ay maaari ring maging proteksyon laban sa STI kung ginagamit ito nang tama sa vaginal, anal at oral na pagtatalik. Simple lang — kapag ang panlalaking condom ay inilagay sa ari ng isang lalaki, naiipon dito ang anumang semilya na inilalabas niya.
Mahalaga na ang ari ng lalaki ay hindi didikit sa ari ng babae bago mailagay ang condom. Ito ay dahil ang semilya ay maaaring lumabas sa ari ng lalaki bago pa ganap na magbulalas. Kung nangyari ito, o kung ang tamod ay tumulo sa ari habang gumagamit ng condom, humingi ng payo sa iyong doktor kung ano ang tamang gawin.
Paano ito gamitin?
Para sa tamang paglagay ng condom, sundin ang mga hakbang sa ibaba:
Hakbang 1:
Suriin ang petsa ng pagkawalang-bisa o expiration date. Ang condom na wala ng bisa ay maaaring masira.
Hakbang 2:
Maingat na buksan ang pakete; huwag gamitan ng ngipin o matatalas na bagay sa pagbukas ng condom para hindi ito mapunit. Opsyonal: maglagay ng kaunting patak ng pampadulas na gawa sa tubig sa loob ng condom. Ang paglalagay ng kaunting pampadulas sa loob ng condom ay mainam upang maging mas komportable ang pakikipagtalik at upang maiwasan ang pagkasira ng condom.
Hakbang 3:
Hawakan ang dulo ng condom para maalis ang hangin, at i-rolyo pababa ng ari. Siguraduhin na hindi ito baliktad bago ito isuot. Kapag nagkamali at naidikit sa ari ang baliktad ng condom, kumuha na ng panibago.
Hakbang 4:
Maglagay ng kaunting patak ng pampadulas na gawa sa tubig sa labas ng condom. Makakatulong ito upang hindi mabutas ang condom at nakakadagdag din ito ng kasiyahan. Huwag gumamit ng pampadulas na gawa sa langis tulad ng baby oil dahil maaari itong maging dahilan upang mabutas ang condom.
Hakbang 5:
Magpakaligaya ka!
Para tanggalin ng ligtas ang condom, sundin ang mga sumusunod na hakbang:
Hakbang 1:
Pagkatapos makipagtalik, hugutin ang ari habang ito ay matigas — hawakan ang condom sa puno (base) ng ari habang inilalabas ang ari upang walang matapon na semilya.
Hakbang 2:
Maingat na alisin ang condom na nakabalot sa ari upang hindi matapon ang semilya.
Hakbang 3:
Ibalot ang gamit na condom sa tisyu o kaya naman itali ang bukas na dulo ng condom upang maiwasan ang pagtapon ng semilya. Itapon kaagad ang condom sa basurahan, hindi sa inidoro dahil maaari itong magbara.
*Tandaan: Pagkatapos ng pagtatalik, siguruhing hindi magdikit ang ari ng lalaki at ari ng babae. Tiyaking gumamit ng bagong condom sa tuwing nakikipagtalik.
Mga positibo:
- Mura
- Nagpoprotekta laban sa STIs
- Nagpapatagal sa pagtatalik
- Madaling bitbitin
- Madaling gamitin
- Hindi kailangan pumunta sa doktor
- Hindi hormonal
- Madaling bilhin
Mga negatibo:
- May ilang tao na may alerdyi sa latex. Kung ikaw ay may alerdyi, maaaring gumamit ng polyurethane at lambskin condoms, bagamat hindi ito pang-karaniwang mabibili sa mga tindahan.
- Maaaring makalimutan ang paggamit nito.
- Maaaring hindi ka komportable sa paggamit nito at maaari itong masira kung mali ang paggamit. Maraming paraan upang maging komportable at hindi masira ang condom tulad ng paggamit ng pampadulas na gawa sa tubig at paggamit ng condom na bagay sayo. Tandaan, maraming maaaring pagpilian na laki, tekstura, at lasa ng condom.
- May ilang lalaki na nagsasabing ang condom ay nakakabawas ng pagiging sensitibo nito
Mga pinagmulan: https://kidshealth.org/en/teens/contraception-condom.html
https://www.webmd.com/sex/birth-control/birth-control-condoms#1
possible po bng magbuntis kpag nka condom tapos po ang nangyari maluwag pla ung condom tapos pinutukan n cya taz po ng leak ung cum niya,,pero ung nsa ibabaw eh babae
Hi Dimple! Opo, may posibilidad na mabuntis kung tumagas ang cum mula sa condom at napunta sa ari ng babae.
Possible po bang mabuntis kapag naka condom yung boy tapos nung lalabasan na siya ay tinanggal niya na ang penis niya at ang condom at nag jakol nalang siya sa banyo at dun nilabasan? Kumbaga during sex nyo di naman siya nilabasan at naka condom siya. Sana magets nyopo
Hi Miya! Kung tama naman po ang pagsuot ng condom bago kayo magtalik, at hindi po ito natanggal o nabutas habang nagtatalik, hindi po kayo mabubuntis.
Pwede po ba mabuntis gf ko pag nasa safe day nya tapos naka condom naman po ako nung time na yun medyo malambot na po nung hinuhot ko
Hi JC! Kung tama naman po ang pagsuot at pag-alis ng condom, at wala naman pong pre-cum at semilya na tumulo sa ari ng iyong gf, ang inyong condom po ay lubos na epektibo sa pagiiwas sa pagbubuntis.
Hello po may tanong lng po sana ako paano po Kng baliktad po ang pag kakalagay ng condom at kakatapos ko lng pong mag regla non at fertile papo ako maari po ba akong mabuntis?
Hi Lheng Lheng! Nung napansin niyo pong baliktad pala ang pagsuot, hinubad po ba ito at sinuot muli nang tama, o hinayaan na lang na baliktad hanggang matapos kayo?
Posible po ba mabuntis ang babae sa high chance day nya, pero nakacondom naman po kami??? Posible po ba na mabuntis?
Hi Junjun! Kung tama ang pagsuot at pagtanggal ng condom, hindi po mabubuntis.
Hello po. Tanong ko lang po sana po masagot agad. May possible po bang mabuntis ang babae kapag nakipag talik,pero may suot na condom then nung malapit na po siyang labasan ay nag withdrawal naman po siya. Nag worried lang po ako kasi nung una po nung nilalagay niya yung condom malambot po ang kanyang penis at nahirapan na po siyang ilagay hanggang sa nabaliktad pa po ang pag suot ng condom, pero naiayos din naman po ang pag suot ng condom. Sana po masagot.
Hi Angel! Kung nasuot naman po nang maayos ang condom bago ang penetrasyon, at hindi po ito natanggal habang nagtatalik, napakaliit po ng tsansa na mabuntis.
Meron pa po akong tanong. May nangyari po samin nung october then dinatnan po ako nitong november 16 ang kaso po yung mens ko na dapat 3 days po ako naging 2 days lang po at mahina pa po yung mens ko. Tas may nangyari po ulit samin nitong november 24. Lagi naman po kami nag use ng condom. Nag worried po ako ngayong december. Kung magkaka mens pa po ba ako?
Hi Angel! Hindi po namin masasabi kung kayo po ay rereglahin itong buwan. Mainam pong hintayin na lang ito, pero kung hindi ka datnan, mag-pregnancy test pagkalipas ng isang linggong hindi pa rin nireregla mula sa araw na karaniwang dinadatnan ka.