fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ang mga dos and don’ts kapag mayroon kang crush

The dos and don’ts of dealing with crushes

Nakatagpo ka na ba ng isang tao na nagbibigay sa’yo ng sobrang-obsessed-I-can’t-stop-thinking-about-you kind of feeling, o marahil ay namumula at kinakabahan ka sa tuwing makakasalubong mo siya? At ngayon ay nagtataka ka, “Ano ang nangyayari?” Well, malamang may crush ka!

Ano ang ‘crush’?

Ang crush ay madalas na tinutukoy bilang romantikong damdamin para sa isang tao. Ito ay kadalasang biglaan — at kung minsan ay matindi — at kadalasang hindi naipapahayag.

Ngunit ang mga crush ay hindi kailangang maging romantiko sa lahat ng oras o upang maging pag-ibig. Maaaring ito ay atraksyon lamang sa isang tao o isang pagnanais na makilala sila nang mas maigi.

Maaaring makaranas ka ng iba’t ibang emosyon kapag may crush ka. Isang sandali, nahihiya ka at natutukso kang magtago sa iyong crush. At pagkatapos sa susunod na sandali, baka sobrang confident mo bigla at wala kang kinatatakutan.

Baka abala rin ang isip mo sa lahat ng mga pantasya at daydream tungkol sa crush mo!

Ano ang dapat mong gawin kapag may crush ka?

Ang pagkakaroon ng crush ay maaaring maging kapana-panabik. Madali kang madala at gumawa ng kung anu-anong bagay, lalo na kapag first time mong magkaroon ng crush.

At hindi mo kailangang magkaroon ng mga cringey memories na babagabag sa iyo ng mahabang panahon. Kaya narito ang ilan lamang sa mga pangunahing bagay na dapat at hindi dapat gawin kapag nais bumuo ng malusog na koneksyon sa crush mo.

Tumutok din sa iba pang mga bagay

Ang mga damdamin ay kadalasang biglaan at matindi. Baka ikaw ang uri ng tao na buong araw at araw-araw lang iniisip at pinag-uusapan ang crush niya.

Kaya kung may crush ka, chill ka lang! Tumutok at gumugol ng oras sa iba pang mga bagay. Patuloy na gawin ang iyong mga libangan, gumala kasama ang iyong mga kaibigan, at ituloy ang iyong sariling mga layunin at pangarap.

Ang iyong crush ay bahagi lamang ng iyong buhay Kung ididirekta mo ang iyong matinding damdamin sa kanila, baka matakot sila at lumayo lamang.

Maaari itong maging mahirap, ngunit subukang manatiling kalmado at itago ang iyong mga damdamin sa antas kung saan komportable ang iyong crush.

Huwag magbigay ng hindi kaaya-ayang  pisikal na kontak

Lubos na naiintindihan na gusto mong maging malapit sa kanila. Ngunit lahat ay may karapatan sa kanilang personal at pisikal na espasyo.

Para sa karamihan ng mga tao, ang personal na espasyo ay madalas na nagsisimula ng kahit isang arm-length mula sa ating mga katawan. At kapag ang isang tao ay lumagpas at nakapasok sa ating personal na espasyo, maaari itong makaramdam ng takot, paglabag, o pagkabalisa.

Ang pahintulot ay mahalaga sa anumang relasyon, kahit na crush lang ‘yan. Kung gusto mong yakapin ang iyong crush (o hawakan siya sa anumang paraan), palaging tanungin muna siya kung okay lang sa kanya.

Lumayo kapag hiniling

Masakit ma-reject o matalikuran ng taong gusto mo. Ngunit kailangan mong igalang ang iyong crush kung hihilingin (o ipakita) niya na bigyan siya ng space.

Pansinin ang kanilang mga salita at body language hangga’t maaari. Kung iniiwasan ka nila, mukhang tensiyonado, naiinis, o natatakot, o umiiwas sila na makausap ka, ito ay mga senyales na hindi sila komportable.

Maaaring isipin nila na nakakatakot o hindi sila ligtas sa’yo kung hindi mo papansinin ang kanilang mga hangganan. Kaya mas mabuting umatras at bigyan sila ng espasyo. Ang paggawa nito ay nagpapakita na iginagalang mo sila bilang isang taong karapat-dapat sa pakiramdam na ligtas.

Huwag humingi ng kanilang oras at atensyon

Bagama’t ang paggugol ng mas maraming oras sa iyong crush ay malamang na magugustuhan ka niya pabalik, maaari silang makaramdam ng presyur at pagkaabala kung humihingi ka ng masyadong maraming oras at atensyon mula sa kanila.

Mas makikilala niyo ang isa’t isa kung lagi kayong magkasama o magkausap. Ngunit ang labis na paggawa nito ay maaaring mapagtanto nila na talagang nakakainis ka pala.

Tandaan na ang iyong crush ay isa ring indibidwal na may sariling interes, responsibilidad, at libangan. Bigyan sila ng kanilang sariling oras at espasyo. Kung talagang gusto ka nilang makasama o makausap, magsisikap silang makipag-ugnayan.

Maging ikaw

Oo naman, gusto mong mapabilib ang iyong crush para isipin nila na magaling ka o gusto ka rin. Ngunit ang ganap na pagbabago sa iyong sarili para lang magustuhan ka rin ay hindi magandang ideya.

Nakakapagod magpanggap — at baka hindi magustuhan ng crush mo ang imahe na sinusubukan mong ipakita.

Kung umaasa kang magkaroon ng relasyon sa iyong crush, karapat-dapat kang makasama ang taong nagmamahal sa iyo kung sino ka.

Mga huling paalala

Maaari kang magka-crush sa isang tao mula sa malayo, o maaari mong ituloy ang iyong nararamdaman. Ngunit huwag magmadali kung nais mong gumawa ng moves sa crush mo! Maglaan ng ilang oras upang maunawaan ang iyong nararamdaman at malaman kung ano talaga ang gusto mo.

Kung binabasa mo ito at may mga flashback ng nakakahiyang alaala, okay lang ‘yun! Walang dumating sa mundong ito na alam kung paano kumilos sa isang crush. At least ngayon alam mo na kung ano ang gagawin sa susunod na pagkakataon.

Mga pinagmulan:

Santos-Longhurts, A. (February 10, 2021). How to Recognize That You Have a Crush — and What to Do Next. Healthline. https://www.healthline.com/health/relationships/having-a-crush 
What you need to know if you’re crushing hard. (March 1, 2019). ABC. https://www.abc.net.au/triplej/programs/the-hook-up/whats-a-crush/10862930

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon