fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Nudes 101 para sa mga Lalaki

Sa digital na mundo natin ngayon, maraming bagay ang pwedeng gawin sa pamamagitan ng smart gadgets. Kahit ang pakikipaglandian ay online na dahil sa mga dating app at instant messaging tools. At para sa marami sa’tin, bahagi ng online landian ang pag-send ng nudes.

Dati, maaari lamang makakita ng hubo’t-hubad na imahe sa porn at bomba films, pero sa panahon ngayon, ang pagkuha at pagpapadala ng nudes ay isa nang pangkaraniwang gawain sa mundo ng dating at sexual expression.

Sa pag-unlad ng teknolohiya at online content, maraming tao na ang naging interesado sa pagkuha ng nudes ng kanilang mga sarili bilang anyo ng pang-aakit o mapusok na komunikasyon.

Kung interesado kang pumasok sa larangan ng nudes, narito ang mga kailangan mong tandaan para magawa ito nang tama. Kasi nga #DoItRight dapat, mga pre!

‘Pag nanghihingi ng nudes

Pagdating sa paghingi ng nudes, pinakaimportante ang komunikasyon at consent o pahintulot, kahit sino pa man ang kausap mo.

Alamin mo muna kung okay sa kanya na mag-send ng nudes. Kung oo, edi maganda! Bumuo ka ng matibay at komportableng koneskyon sa partner mo, at panatilihin mo ang katibayan nito!

Respetuhin mo ang boundaries niya. Hindi ka dapat mamilit na magpadala siya ng nudes. Dapat pa nga’y maging open at non-judgemental kayo para masigurong safe ang inyong pag-uusap at maaari niyong ibahagi ang inyong katawan sa isa’t-isa.

Mainam din na maging maunawain kung sakaling ayaw ng kausap mo na magpadala ng nudes. Lahat naman tayo ay may iba’t-ibang comfort levels at boundaries pagdating sa mga sekswal na bagay.

Tandaan mo rin na kung bibigyan ka man ng nudes ng partner o kausap mo, magkakaroon ka ng isang malaking responsibilidad: kailangan mong protektahan ang privacy at kaligtasan niya.

Ang pagkakalat ng nudes nang walang pahintulot ay isang krimen! Walang dapat makaranas ng pagli-leak ng kanilang pribadong pics o videos sa internet.

Sumisid na tayo ngayon sa malalim at makulay na mundo ng nudes!

Paano kumuha ng magandang nudes

Marami ang nag-aakalang madali lamang ang pagkuha ng nudes. Ang ibig sabihin nga naman ng “nude” ay pic o video kung saan nakahubad ang isang tao. Pero sa katunayan, ang pagkuha ng nudes ay nangangailangan ng tamang kaalaman.

Sundan mo ‘tong tips na ito sa pagkuha ng mga pasabog na nudes na siguradong makakapagpabaliw sa papadalhan mo:

  • Humanap ng magandang anggulo. May iba’t-ibang anggulo na maaaring makapag-highlight ng iyong manoy. Alamin mo kung aling mga anggulo ang babagay sa’yo.
  • Aralin ang tamang paggamit ng ilaw o liwanag. Ang lighting ay pwedeng magkaroon ng malaking impact sa isang nude. Sa katunayan, maaari nitong masira o mabuhat ang quality ng isang nude. Kaya pag-aralan mo kung pa’no mo magagamit nang tama ang lighting sa kwarto mo.
  • Bigyang pansin ang iyong background. Bagama’t ang focus ng isang nude ay nasa katawan mo, ang iyong background ay nakakatulong din sa pagpapaganda ng isang nude. Pumili ng background na malinis at hindi nakaka-distract sa gusto mong ipakita sa isang nude.

Paano mag-send ng nudes nang tama

Ngayong alam na natin kung pa’no kumuha ng maaayos na nudes, pag-usapan naman natin ang mas importanteng topic: ang wastong pagse-send ng mga ito.

Ang pinakamabigat na tuntinin ay HUWAG mag-send ng nude nang walang pahintulot o warning

Kahit long-time partner na ang bibigyan mo ng nude, kung wala kayong solidong sekswal na relasyon, ‘wag mo nang ituloy. May solidong komunikasyon dapat kayo.

Pareho dapat kayong willing na magpalitan ng nudes, kaya mahalagang mapag-usapan ang boundaries, preferences, at comfort levels.

Ang desisyong kumuha, mag-send, at manghingi ng nudes ay dapat lamang gawin na may kasamang respeto, tiwala, at pahintulot. Gaya sa maraming sekswal na relasyon, mainam na magkaroon ng maayos na komunikasyon, mag-set ng boundaries, at maging sensitibo sa responsibilidad na kadikit ng nudes.

Ang pag-send at pagtanggap ng nudes ay maaaring maging kapana-panabik na karanasan, lalo na kung isasagawa nang maayos. At ganun dapat! #DoItRight palagi, mga kaibigan!

Mga Pinagmulan:

Please follow and like us:

One thought on “Nudes 101 para sa mga Lalaki

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon