fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Bakit Makati si Junjun?

Mga sanhi ng pangangati ng ari, at ang mga dapat gawin dito

Meron tayong pamahiin na kapag nangati raw ang kanang palad mo, indikasyon ito na makakatanggap ka ng pera sa lalong madaling panahon. Kapag kaliwang palad naman ang nangati, ibig sabihin daw nito ay mawawalan ka ng pera.

Pero paano kaya kung ang mangati ay si Junjun?

Wala tayong maikakabit na pamahiin diyan! Pero, meron itong importanteng kahulugan, at isa itong kundisyon na kailangan mong tutukan. Heto ang mga posibleng sanhi ng pangangati ng ari at ang mga dapat mong gawin kapag nakaramdam ka nito.

Balanitis

Ito’y uri ng skin irritation na nagiging sanhi ng pamamaga ng ulo ng ari. Pwede rin itong sabayan ng pamumula’t pangangati ng ari.

Sa kaso ng ibang lalaki, ang Balanitis ay nakakadulot ng masakit na pag-ihi.

Candidiasis

Ang Candidiasis ay tinatawag ding “thrush”. Ito ay isang uri ng fungal infection na maaaring mabuo sa ulo ng iyong ari.

Kasabay ng pangangati, maaari ring magkaroon ng puting discharge sa balat.

Eczema

Ang Eczema ay isang kundisyon na nagpapatuyo at nagpapakati ng iyong balat. Posibleng magkaroon nito sa ari.

Psoriasis

Ang psoriasis ay isang kundisyon na maaaring magdulot ng pangangati at pamumula ng balat. Maaari ring magmukhang parang kaliskis ang apektadong parte ng katawan dahil dito.

Ang psoriasis sa ari ng lalaki ay maaaring lumitaw bilang mga namumulang bahagi ng baras o ulo ng ari.

Ano ang dapat gawin?

Maraming posibleng sanhi ang pangangati ng ari. Marami ring pwedeng gawin para maagapan ito. Heto ang mga maaaring gawin kapag si Junjun ay nakaranas ng matinding pangangati.

Mag-cold compress

Pwede kang magdampi-dampi ng ice pack o tela na basa at malamig sa mga nangangating parte ng iyong ari o bayag. Mabisa ito laban sa iritasyon at dapat gawin nang lima hanggang sampung minuto.

Gumamit ng apple cider vinegar

Ito ay mabisa kung psoriasis ang dahilan ng pangangati. Kailangan mo lamang maglanggas ng apple cider vinegar na may halong tubig sa iyong ari. Pagkatapos manuyo ng ipinahid na likido, dapat banlawan ng tubig si Junjun.

Umiwas munang makipagtalik

May posibilidad na humantong sa sexually-transmitted infections o STIs ang pakikipagtalik habang may makating ari. Mainam na umiwas muna kayo ng partner mo na mag-sexy time kung nangangati si Junjun.

Kumonsulta sa doktor

Ang pinakamaiging gawin kapag nakaranas ng matinding pangangati sa ari ay bumisita sa doktor. Siyempre, malaki rin ang maitutulong ng pagsunod sa kung ano man ang irerekomenda ng eksperto.

Dito sa DoItRight.ph, hinihikayat namin ang lahat na ugaliin ang ligtas na pakikipagtalik. Isa sa mga pinaka-epektibong paraan para maisagawa ito ay ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman ukol sa mga kundisyong maaaring maranasan ng ating mga ari.

Sa susunod na mangati si Junjun, hindi sana mga pamahiin ang una mong maisip kundi ang mga dapat malaman at gawin. #DoItRight palagi, pre!

Mga Pinagmulan:

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon