fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Bakit ako ginaganahan makipagtalik bago reglahin?

Horny before period

Pansin mo ba na may mga araw talaga kada buwan na pakiramdam mo mas sexy o mas horny ka kumpara sa ibang araw? ‘Di lang ikaw ang nakakaranas nito!

Normal para sa karamihan sa mga babae na maging mas horny sa ilang punto ng kanilang menstrual cycle, lalo na bago reglahin. Pero bakit ito nangyayari?

Nag-iiba kasi ang mga antas ng hormones sa iba’t ibang punto ng menstrual cycle. At ang iyong mga hormones, lalo na ang estrogen, ay may malaking ambag sa sexual desire.

Ang antas ng estrogen at testosterone ay tumataas sa obulasyon, na maaari ring magdulot ng pagtaas ng sex drive. Kaya sa obulasyon, mas madalas makipagtalik ang mga tao, mag-masturbate, o magbasa ng erotika para ma-satisfy ang kanilang sex drive.

Maliban sa pagtaas ng mga antas ng hormones, may iba pang teorya kung bakit ito nangyayari.

Maaaring napansin mo rin na mas marami ka ring vaginal discharge isang linggo bago ka reglahin. Karaniwan, mas maganda ang lubrikasyon ng iyong pwerta sa mga araw na ‘yun, kaya maaaring mas sensitibo ka at mas mabilis na mapukaw.

Para sa ilan, ang bloating naman habang nakakaranas ng PMS ay nagbibigay ng presyur sa kanilang G-spot area. Kaya, nagiging mas sensitibo ang bahagi sa paligid ng vulva, at mas madali makaranas ng orgasmo. Kailangan ng higit pang pagsisiyasat para mas maunawaan kung bakit ito nararanasan. Pero kung masarap ang pakiramdam nito para sa’yo, edi go lang, sis!

Ano ang pwede kong gawin?

Normal na maging mas horny sa ilang punto ng iyong menstrual cycle. At nasa sa iyo kung paano mo aaksyunan ang iyong nararamdaman.

Go lang, at makipagtalik, mag-masturbate, manood ng porn — gawin mo kung ano man ang makakapagpasaya sa’yo!

Tandaan lamang na mataas ang iyong tsansa na mabuntis tatlong araw bago ang ovulation at sa araw mismo ng ovulation. Kaya kung walang planong mabuntis, mainam na gumamit ng maaasahang kontraseptibo

At kahit nireregla ka na pero gusto mo pa ring makipagtalik, ‘di mo kailangan pigilan ‘yung ang urge makipag-sexytime!

Pwedeng pwede mo pa rin ma-enjoy ang pakikipagtalik kahit may regla. Hindi ‘to masama sa iyong katawan. Tandaan lamang na mag-practice ng safe sex at maghanda ng twalya at wet tissue para iwas mantsa.

Mga pinagmulan:

Sharkey, L. (June 5, 2019). Why Do Some People Get Horny Before Their Period. Healthline. https://www.healthline.com/health/healthy-sex/horny-before-period-2

Ellis, S. (March 12, 2020). Why Some Women Get *in the Mood* Right Before Their Period. Greatist. https://greatist.com/health/horny-before-period

Druet, A. (January 31, 2017). Sex, sensation, and the menstrual cycle. Clue. https://helloclue.com/articles/sex/sex-sensation-menstrual-cycle

Daniels, L. (September 21, 2020). Why am I hornier at certain times of the month?. MedicalNewsToday. https://www.medicalnewstoday.com/articles/why-am-i-hornier-at-certain-times-of-the-month

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon