fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

Yeast Infection, Doctor, Women, Vaginal Yeast Infection, Reproductive Health

Ang pwerta ay natural na may malusog na balanse ng mabuting bakterya at yeast. Ang hormon estrogen ay tumutulong sa lactobacilli (isang bakterya) na lumago, at puksain ang nakakapinsalang mga organismo sa pwerta upang mapanatili kang malusog. Kapag ang balanse na ito ay nagulo, ang candida (isang fungus) ay maaaring lumago nang labis at magreresulta sa yeast infection.

Paano Ito Nakukuha

Kahit sino sa anumang oras ay maaaring magkaroon ng yeast infection. Pwede rin magkaroon nito ang mga lalaki sa kanilang ari at bayag, ngunit hindi ito masyadong karaniwan kumpara sa mga babae.

Larawan galing sa: https://www.netmeds.com/health-library/post/vaginal-yeast-infection-causes-symptoms-and-treatment

Kapag ang balanse sa kapaligiran ng iyong pwerta ay nabago, maaaring lumago nang labis ang yeast at humantong sa isang impeksyon. Ang ilan sa mga bagay na maaaring maging sanhi nito ay:

  • Mga pagbabago sa hormon (tulad ng panahon ng regla, pagbubuntis, o menopos)
  • Diyabetis
  • Mga antibyotiko, cortisone, at iba pang gamot
  • Mahinang resistensya
  • Mga feminine douche at spray 

Ang yeast infection ay hindi itinuturing na sexually transmitted infectionl (STI), gayunpaman, maaari kang magkaroon nito mula sa pakikipagtalik kapag ang iyong katawan ay may masamang reaksyon sa natural na genital yeast at bacteria ng kasosyo.

Mga Sintomas

Ang pangangati sa loob at paligid ng ari ay ang pinakakaraniwang sintomas ng yeast infection. Maaari ka rin makaranas ng:

  • Pamumula at pamamaga ng ari, na tila mainit ang pakiramdam
  • Pananakit o pangingirot ng ari kapag umiihi
  • Pananakit o pangingirot kapag nagtatalik
  • Pananakit at pagkahapdi ng ari
  • Malapot, maputi, at walang amoy na vaginal discharge (mukhang cottage cheese)

Maaaring lahat o iilan lamang sa mga sintomas ang iyong maranasan, ngunit kung minsan may mga sintomas na may pagkakapareho sa iba pang mga kondisyon at STI. Ang tamang pagsusuri ay makakatulong na makakuha ng pinakamahusay na paggamot, kaya mabuti na kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung sa palagay mong mayroon kang yeast infection o nakakaranas ng anumang sintomas.

Pano Ito Lunasan

Ang mga antifungal cream, ointment, at mga suppositori ay kadalasang nalulunasan ang yeast infection sa loob ng ilang araw. Ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaari ring magreseta sa iyo ng tableta. Anuman ang ibibigay sa iyo na gamot, siguraduhin na susundan mo ang mga direksyon upang matiyak na ang yeast infection ay lubos na mawala.

Ang priksyon ay maaaring makadagdag sa pangangati o gawing mas mahirap malunasan ang impeksyon, kaya mas mahusay na magpahinga muna sa pakikipagtalik o magpasok ng anumang bagay sa loob ng iyong ari hanggang sa matapos ang paggagamot. Ang ilan sa mga gamot para sa ari ay naglalaman ng langis, na maaaring makasira ng mga condom. Ang yeast infection ay makati at nakakahikayat na magkamot, ngunit subukang pigilan ang iyong sarili na magkamot para mas madali magamot ang impeksyon.

Paano Ito Maiiwasan

Ang paggamit ng condom ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon at pagpasa ng yeast infection. Kahit na ito ay karaniwang nangyayari, narito ang mga paraan kung paano mo maiwasan ito:

  • Magsuot ng preskong panty tulad ng gawa sa koton
  • Iwasang magsuot ng mga damit na sobrang hapit
  • Huwag mag-douche ng iyong pwerta
  • Gumamit ng mga feminine hygiene products na walang halong pabango
  • Iwasan magbabad sa mga mainit na tubig (gaya ng jacuzzi)
  • Magpalit kaagad kapag basa o mamasa-masa ang damit
  • Laging punasan ang ari mula sa harap papuntang likod pagkatapos magbanyo
  • Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kapag nireregla
  • Sikapin na makakuha ng tamang paggamot para sa iyong diyabetis
  • Gumamit lamang ng mga antibyotiko kapag kailangan
  • Panatilihing malinis at tuyo ang iyong ari
  • Panatilihing malinis ang katawan

Mga Pinagmulan:

https://www.webmd.com/women/guide/understanding-vaginal-yeast-infection-basics#1

https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/vaginitis/what-yeast-infection

https://www.webmd.com/women/guide/10-ways-to-prevent-yeast-infections

Please follow and like us:

97 thoughts on “Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

  1. Hi po, mahapdi po pepe ko hindi naman po makati, mahapdi sya kahit hindi umiihi at nung nakaraan araw may dugo pung lumabas nung pinahidan ko, kahapon masakit po yung pus on ko ngayon wala na , ano poba ito?

    1. Hi, Dandan! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

  2. Hi po effective po ba sa yeast infection ung fluomizin? Nireseta po sa aking ng ob-gyne fluomizin for 6days ska po fuconazole 1day, ntpos kna po ung fluomizin bale pang 8days ko na po ngaun pero may discharge pa din po na lmlbas sakin na prang yeast infection white po na prang cottage cheese. Meron po ba dto na same situation pa advice po salamat

  3. Hello po ask ko lang po, first time ko po magkaroon ng yeast at ayoko po mag pacheck-up lalo na ngayong may covid. Pag bibili po ba ng cream sa boteka, kailangan pa po ba ng reseta? Syaka tanong ko na rin po, okay lang po ba tanggalin yung yeast sa ari ko po? Ginagamitam kp po sya ng cotton bands, hindi po ba maiinpeksyon ang aking ari? Sana po masagot huehue

    1. Hi, Chris! Pasensya na po at hindi kami doktor, kaya hindi po kami maaaring magreseta or magrekumenda ng gamot. Ang pinakamainam po na gawin ay kumonsulta sa malapit na health center para masuri rin po kung talagang yeast infection ba ang inyong nararanasan at mapayuhan kayo sa angkop na lunas.

    1. Hi Allyzah! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon