fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

Yeast Infection, Doctor, Women, Vaginal Yeast Infection, Reproductive Health

Ang pwerta ay natural na may malusog na balanse ng mabuting bakterya at yeast. Ang hormon estrogen ay tumutulong sa lactobacilli (isang bakterya) na lumago, at puksain ang nakakapinsalang mga organismo sa pwerta upang mapanatili kang malusog. Kapag ang balanse na ito ay nagulo, ang candida (isang fungus) ay maaaring lumago nang labis at magreresulta sa yeast infection.

Paano Ito Nakukuha

Kahit sino sa anumang oras ay maaaring magkaroon ng yeast infection. Pwede rin magkaroon nito ang mga lalaki sa kanilang ari at bayag, ngunit hindi ito masyadong karaniwan kumpara sa mga babae.

Larawan galing sa: https://www.netmeds.com/health-library/post/vaginal-yeast-infection-causes-symptoms-and-treatment

Kapag ang balanse sa kapaligiran ng iyong pwerta ay nabago, maaaring lumago nang labis ang yeast at humantong sa isang impeksyon. Ang ilan sa mga bagay na maaaring maging sanhi nito ay:

  • Mga pagbabago sa hormon (tulad ng panahon ng regla, pagbubuntis, o menopos)
  • Diyabetis
  • Mga antibyotiko, cortisone, at iba pang gamot
  • Mahinang resistensya
  • Mga feminine douche at spray 

Ang yeast infection ay hindi itinuturing na sexually transmitted infectionl (STI), gayunpaman, maaari kang magkaroon nito mula sa pakikipagtalik kapag ang iyong katawan ay may masamang reaksyon sa natural na genital yeast at bacteria ng kasosyo.

Mga Sintomas

Ang pangangati sa loob at paligid ng ari ay ang pinakakaraniwang sintomas ng yeast infection. Maaari ka rin makaranas ng:

  • Pamumula at pamamaga ng ari, na tila mainit ang pakiramdam
  • Pananakit o pangingirot ng ari kapag umiihi
  • Pananakit o pangingirot kapag nagtatalik
  • Pananakit at pagkahapdi ng ari
  • Malapot, maputi, at walang amoy na vaginal discharge (mukhang cottage cheese)

Maaaring lahat o iilan lamang sa mga sintomas ang iyong maranasan, ngunit kung minsan may mga sintomas na may pagkakapareho sa iba pang mga kondisyon at STI. Ang tamang pagsusuri ay makakatulong na makakuha ng pinakamahusay na paggamot, kaya mabuti na kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung sa palagay mong mayroon kang yeast infection o nakakaranas ng anumang sintomas.

Pano Ito Lunasan

Ang mga antifungal cream, ointment, at mga suppositori ay kadalasang nalulunasan ang yeast infection sa loob ng ilang araw. Ang iyong tagapagbigay ng serbisyong pangkalusugan ay maaari ring magreseta sa iyo ng tableta. Anuman ang ibibigay sa iyo na gamot, siguraduhin na susundan mo ang mga direksyon upang matiyak na ang yeast infection ay lubos na mawala.

Ang priksyon ay maaaring makadagdag sa pangangati o gawing mas mahirap malunasan ang impeksyon, kaya mas mahusay na magpahinga muna sa pakikipagtalik o magpasok ng anumang bagay sa loob ng iyong ari hanggang sa matapos ang paggagamot. Ang ilan sa mga gamot para sa ari ay naglalaman ng langis, na maaaring makasira ng mga condom. Ang yeast infection ay makati at nakakahikayat na magkamot, ngunit subukang pigilan ang iyong sarili na magkamot para mas madali magamot ang impeksyon.

Paano Ito Maiiwasan

Ang paggamit ng condom ay isa sa mga pinakamahusay na paraan upang maiwasan ang pagkakaroon at pagpasa ng yeast infection. Kahit na ito ay karaniwang nangyayari, narito ang mga paraan kung paano mo maiwasan ito:

  • Magsuot ng preskong panty tulad ng gawa sa koton
  • Iwasang magsuot ng mga damit na sobrang hapit
  • Huwag mag-douche ng iyong pwerta
  • Gumamit ng mga feminine hygiene products na walang halong pabango
  • Iwasan magbabad sa mga mainit na tubig (gaya ng jacuzzi)
  • Magpalit kaagad kapag basa o mamasa-masa ang damit
  • Laging punasan ang ari mula sa harap papuntang likod pagkatapos magbanyo
  • Regular na palitan ang iyong napkin o tampon kapag nireregla
  • Sikapin na makakuha ng tamang paggamot para sa iyong diyabetis
  • Gumamit lamang ng mga antibyotiko kapag kailangan
  • Panatilihing malinis at tuyo ang iyong ari
  • Panatilihing malinis ang katawan

Mga Pinagmulan:

https://www.webmd.com/women/guide/understanding-vaginal-yeast-infection-basics#1

https://www.plannedparenthood.org/learn/health-and-wellness/vaginitis/what-yeast-infection

https://www.webmd.com/women/guide/10-ways-to-prevent-yeast-infections

Please follow and like us:

97 thoughts on “Ito Ang Mga Dapat Mong Malaman Tungkol Sa Vaginal Yeast Infection (Vulvovaginal Candidiasis)

  1. Hi po, ahmm ano po ba ang Lunas sa pangangati??.. nag simula po Kasi Ito sa gilid pa lamang nong ginamitan ko Ng papayo soap,..tapos nong nag overnight po kami Ng mga ka klase ko naligo kami Ng pool pagka bukas Ng simula napong Makati d Lang sa gilid nito, kundi lahat po. Dko po maiwas na kamutin Lalo po syang kumakati pagka tapos kopo umihi tapos hinuhugasan ko palagi Kasi yon Yong naka sanayan ko kaso Lang mas Lalo syang kakati..pangatlong araw boo Yong kahapon pinagtaka kulang Dina sya masyado Makati Kasi Hindi Kona ginamitan Ng sabon na ginagamit ko.. ang pinag pupunas ko nalng sa Ari ko is malamig na tubig, ayon d na sya masyado Makati pro simula po kahapon pinagtaka kolang is may lumalabas na puti sa Ari ko tapos mabaho po..namamaga na Kasi pati sa gilid Ng Pepe ko..ano po bah ang Lunas nito??.. pinagtaka kulang Kasi simula kahapon hanggang ngayon d na sya masyado Makati pro masakit parin e ihi at may puting discharge na mabaho..

    1. Hi Jaynie! Hindi po kami maaaring magreseta ng gamot dahil hindi po kami mga doktor. Ang angkop na lunas o gamot para sa inyo ay depende sa sanhi nito, kaya mainam na magpasuri sa malapit na health center para malaman ang tiyak na sanhi ng iyong pangangati.

  2. Hillo doc.. Bakit my Lumabas ari ko parang buo buo puti galing loob.. Pero hindi nmn Makati mahapdi pg umihi.. Minsan mawawala after one week balik nmn..

  3. 4 na araw na po ako nagtitiis at hindi ko talaga siya maiwasan na kamotin lalot lalo na itoy napakakati kung sa tatlong araw may mga puti sya na nag bibilog ngayong pang apat naman ay kaunti nlng ang puti at mabasa at grabe napakakkati at sa pagkakamot ko ay may butlog² na ito na parang ginagat ng insekto, ano ba ang dapat kong gawin?

    1. Hi Ajing! Ang angkop na lunas para sa iyo ay depende sa sanhi ng iyong mga nararanasan. Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa obgyn ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na solusyon para sa iyong sitwasyon.

    1. Hi Samantha! Opo, maaaring magkaroon ng yeast infection ang sinumang babae. Kung sa palagay mo na mayroon kang yeast infection, mainam na magpasuri sa doktor o malapit na health center para rin mapayuhan sa angkop na lunas.

  4. Hi , may katanungan lang po ako about sa yeast infection ? Normal po ba na kapag nakipagtalik ka na may infection eh buo buo na color white yung lalabas ? As in buo buo po talaga sya na malagkit wala syang masangsang na amoy , sa katunayan kaamoy sya ng white mens , then nakakahawa po ba yun ? 😓 until now nagtitreatment ako sa sarili ko , nagpapahid ako ng anti fungal na ointment at mayat maya nagpapalit ng undies , laging masakit pag iihi para syang nagiinit at sobrang hapdi 🤦‍♀️ tapos sobrang kati talaga as in ang kati kapag kinakamot namamaga 😭😭 naghuhugas ako ng maligamgam na tubig na may konting alcohol , at gynepro …

    1. Hi Kelly! Ang anti-fungal ointment mo po ba ay nireseta talaga ng doktor? Maaari mo pong maipasa sa iyong partner ang yeast infection kung nakipagtalik nang hindi pa lubos na nawawala ito.

  5. Hi ask ko lng po sana kung ano po bang murang gamot sa yeast infection.Kc sobrang kati po sa labas ng area ng vagina ko lalo na sa gabi mas umaatake sya sa gabi. Since last yr. Pa po to ng start nung ng aahit ako ng puvic hair sa vagina that time tolerabor nmn po but na notice ko lately mas kumakati na sya lalo n pag basa. Kc pg umiihi ako nghuhugas ako then punas ng tissue pero pg hindi ko sya npupunasan ng maayos umaatake din sya ng try ako mglagay ng canesten nawawala nmn pg nglalagay ako pero bumablik din pgtapos ng ilang oras. May discharge din puti pero onte lng yung amoy nya prang amoy maasim na maalat n di ko maintindihan pero d nmn sya mlansa. Minsan nghuhugas ako cold water at maligamgam n tubig pra malessen yung kati maginhawaan nmn sa una tas mayamaya makati ulet lalo n pg ktpos ko umihi.mahapdi n po yung labas ng vagina ko kakamot,gustuhin ko man p chech up nkakatakot ang sitwasyon ngyon pandemic Sana po mbigyan pansin ang katanungan ko.salamat po

    1. Hi Susan! Doktor lang po ang maaaring magsuri sa inyo at magreseta ng angkop na gamot para sa inyong sitwasyon, kaya mabuting kumonsulta sa OBGYN o malapit na health center ukol dito.

    1. Hi Whena! May ibang sintomas pa po bang nararanasan? May ilang posibleng sanhi ng pangangati ng ari, kasama na rito ay ilang mga impeksyon o kaya’y paggamit ng sabon o femine wash na hindi ka hiyang. Araw-araw siguraduhin na malinis ang ari. Hugasan ito gamit ang malinis at maligamgam na tubig, at dahan-dahan dampiin para matuyo bago magsuot ng malinis na panty. Iwasan ang madalas at matagal na pagsuot ng masisikip na damit, at huwag muna makipagtalik habang hindi pa nawawala ang pangangati o hindi pa nakakapunta sa doktor. Kung lumala pa ito, tumagal nang isang linggo, o may iba pang sintomas na nararanasan, mabuting magpasuri na sa obgyn para malaman ang sanhi at kung ano pwedeng gamot. Baka makatulong rin po ito sa inyo: https://doitright.ph/tl/pagpapanatiling-malinis-ang-ari-ng-babae/

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon