fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Lactation Amenorrhe Method (LAM)

breastfeeding mother

Maraming pagbabago ang pinagdaanan ng iyong katawan nung ika’y buntis, at iba na namang pagsubok ang dala ng pagpapasuso. Kung pinaplano mo na magbuntis ulit, mabuting bigyan muna ang iyong sarili ng panahon na magpahinga at magpagaling.

Narinig mo na siguro na ang pagpapasuso ay maaaring makapigil sa pagbubuntis — at, oo, totoo ito! PERO ang pagpapasuso lamang ay hindi garantisado na ika’y lubos na protektado na mula sa pagbubuntis.

Narito ang ilang bagay na dapat mong malaman tungkol sa lactational amenorrhea method (LAM) bilang pansamantalang kontrasepsiyon.

Paano gumagana ang LAM?

Ang ibig sabihin ng “lactational” ay pagpapasuso, at ang “amenorrhea” naman ay tumutukoy sa hindi pagregla. Ano ba ang kinalaman ng dalawang ito sa pagpipigil sa pagbubuntis?

Ang prolactin (ang hormone na naghihikayat sa produksyon ng gatas) at oxytocin (ang hormone na responsable sa iyong let-down reflex) ay parehong pumipigil sa obulasyon. Kaya, nakakapigil rin ito sa siklo ng regla.

Kapag walang selulang itlog na pinakawalan ang obaryo, walang mapepertilisa ang mga esperma para magdulot ng pagbubuntis

Paano gawin ang LAM nang tama?

Ang mga hormonal benefits ng pagpapasuso ay maaaring magsilbi bilang pansamantalang kontraseptibo para sa mga babae na:

  • Wala pang 6 na buwan postpartum;
  • Exclusively breastfeeding, at;
  • Hindi pa nireregla.

Tandaan na dapat pasado ka sa tatlong bagay na ito para maging mabisa ang LAM para sa iyo.
Ngunit, may isang saliksik na ipinapakita na 1 sa 4 na ina lamang ang nakakagawa ng LAM nang tama. Kaya kung nais mong gawin ang LAM, ito ang mga bagay na dapat mong gawin:

Dalasan ang pagpapasuso

Sundan ang iyong baby at magpasuso nang kusa. Dapat 10 hanggang 12 beses kada araw sa mga unang linggo pagkatapos manganak. Babaan ito ng 8 hanggang 10 beses kapag tumagal, at dapat magpasuso rin isang beses sa kada gabi sa mga unang buwan.

Sa araw, dapat magpasuso tuwing ika-4 na oras, at sa gabi naman ay dapat tuwing ika-anim na oras. Tandaan na ang pumping ay HINDI pamalit sa pagpapasuso kapag ginagawa ang LAM.

Mag-exclusive breastfeeding sa unang anim na buwan

I-delay ang pagbibigay ng ibang pagkain, infant formula, at iba pang bagay maliban sa breastmilk. Simulan laman ang mga ito kapag anim na buwan na ang iyong baby.

Huwag ring bigyan ng pacifier ang iyong baby. Hayaan siya na sumuso at mag-breastfeed.

Tandaan na mabisa lang ang LAM kapag wala pang anim na buwan ang iyong baby at hindi ka pa dinadatnan ng regla

Mga huling paalala

Napakabisa na natural at pansamantalang kontrasepsiyon ang lactational amenorrhea method kapag tama itong ginawa. Pero mabuting kumonsulta sa iyong doktor na Ob/Gyn kapag interesado ka gumamit ng postpartum contraception

Sa kabilang dako, mainam na humingi ng payo sa iyong doktor kung nais mong magbuntis ulit kaagad.

Mga pinagmulan:

https://www.fphandbook.org/chapter-20-lactational-amenorrhea-method

https://myhealth.alberta.ca/sexual-reproductive-health/birth-control/natural-methods/lactation-amenorrhea

https://www.healthline.com/health/pregnancy/can-you-get-pregnant-while-breastfeeding

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon