fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Postpartum Contraception

Ang pakikipagtalik at kontrasepsiyon siguro ang huli mong naiisip pagkatapos manganak, pero ang pagpaplano ng postpartum contraception ay parte rin ng iyong postnatal care.

Pagkatapos ng tatlong linggo pagkatapos manganak, pwede ka nang mabuntis uli kahit na nagpapasuso at hindi pa nireregla uli.

Maliban na lang kung nais niyo magkaroon uli ng baby kaagad, mainam na gumamit ng kontrasepsiyon tuwing makikipagtalik pagkatapos manganak — kahit sa unang beses.

Ano ang postpartum contraception?

Ang postpartum contraception ay nakaka-iwas sa hindi planado at masyadong magkalapit na pagbubuntis sa unang 12 buwan pagkatapos manganak. Ang mga pagbubuntis sa loob ng panahon na ito ay nagdadala ng pinakamataas na peligro sa ina at anak, kaya napakahalaga ng postpartum contraception.

Paano pumili ng postpartum contraception?

May ilang mga bagay na dapat isaisip kapag pumipili ng kontrasepsiyon pagkatapos manganak. Ito ay:

Timing. May ilang kontraseptibo na pwedeng simulan agad-agad pagkatapos manganak, habang may ilan na kailangan ng ilang linggong pagitan bago simulan.

Pagpapasuso. May ilang kontraseptibo na hindi inirerekumenda sa unang ilang buwan ng pagpapasuso dahil maaaring makaapekto sa dami ng gatas ng ina.

Anong mga postpartum contraception ang maaari kong pagpilian?

Mga condom

Ang mga condom ay maaaring gamitin anumang oras pagkatapos manganak. Ito’y ligtas at abot-kaya, at hindi nakakaapekto sa likas na hormon ng mga babae.

Progestin-only pills

Pwedeng simulan ang progestin-only pills sa ika-21 araw pagkatapos manganak. Hindi ito nakakaapekto sa paglikha ng gatas at sa pakikipagtalik.

Postpartum IUD

Pwedeng magpalagay ng Postpartum IUD sa iyong doktor o midwife agad-agad pagkatapos manganak. Pagkalagay nito, hindi na kailangan alalahanin ang kontrasepsiyon. Ang mga IUD ay hindi nakakaapekto sa pakikipagtalik, at hindi mo ito mararamdaman.

Injectable

Ang injectable ay pwedeng ipaturok agad-agad pagkatapos manganak. Ang mga susunod na turok ay tuwing ikatlong buwan.

Pagpapatali

Kung nagpasya na kayo ng iyong partner na hindi niyo na balak magkaroon ng anak, pwede kang magpatali.

Ito’y permanenteng kontrasepsiyon kung saan isinasara ang mga fallopian tubes para ang mga selulang itlog ay hindi na mapertilisa ng mga esperma. Dahil ito’y permanente, dapat pag-isipan niyo ito nang mabuti. Pwede rin namang magpa-vasectomy ang iyong partner.

Ano ang pinakamabuting postpartum contraception?

Ang pinakamabuting kontrasepsiyon para sa iyo ay depende sa iyong pamumuhay at medical history. Makakatulong sa iyo magdesisyon ang pagkonsulta sa doktor para magabayan ka kung alin ang pinakamabuti para sa iyo.

Mga pinagmulan:

https://www.familyplanning.org.nz/news/2016/postpartum-contraception

https://www.acog.org/womens-health/faqs/postpartum-birth-control

https://www.nhs.uk/conditions/pregnancy-and-baby/sex-contraception-after-birth/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon