Walang dapat ikabahala kung ang iyong siklo ng regla ay hindi regular paminsan-minsan. Ngunit alam mo ba kung kailan dapat mag-alala at maging mapagmatiyag?
Ang siklo ng regla ay hindi parating palagian tulad ng orasan. Ang ilang babae ay nireregla nang ayon sa iskedyul na tuwing 28 na araw, habang ang iba ay nahihirapan tantiyahin kung kailan sila rereglahin. Ang mga iregular na siklo ay karaniwang hindi dapat nakakabahala, ngunit minsan senyales na ito na mayroon kang problema sa kalusugang reproduktibo.
Ano ang itinuturing na iregular?
Ang karaniwang siklo ng regla ay tumatagal ng 28 araw, ngunit maaari rin itong mag-iba mula 21 hanggang 35 araw. Ang iregular na pagregla ay karaniwang nangyayari lalo na kung ang mga batang babae ay nagsisimulang reglahin pagkatapos ng pagdadalaga, ngunit ang kanilang mga siklo sa kalaunan ay nagiging mas regular at mas madaling tantiyahin habang tumatanda sila. Ang pagregla ay karaniwang tumatagal ng limang araw, ngunit maaaring magtagal mula dalawa hanggang pitong araw.
Tinuturing iregular ang pagregla kung naganap ito nang mas mababa sa 21 araw o higit sa 35 araw na pagitan, o ang pagdurugo ay tumatagal nang higit sa pitong araw. Ang mga iregular na siklo ay maaari ding matukoy sa pamamagitan ng mga nalaktawan na regla, mas marami o mas kaunting pagdurugo kaysa sa normal, at palagiang pagkakaroon ng bahid ng dugo sa pagitan ng mga regla.
Upang matukoy ang haba ng iyong siklo ng regla, bilangin ang mga araw mula sa huling araw ng iyong nakaraan regla hanggang sa unang araw ng iyong susunod na regla. Ang bilang ng mga araw sa pagitan ng bawat pagregla ay ang haba ng iyong siklo. Pare-pareho ba ang iyong siklo o tila hindi regular? Kung malaki ang pag-iiba ng mga agwat ng iyong mga regla bawat buwan, maaaring mayroon kang iregular na siklo.
Ano nga ba ang mga sanhi ng iregular na siklo?
Ang mga iregular na siklo ay maaaring sanhi ng ilang bagay tulad ng stress o kaya mga hindi nakikitang kondisyong medikal:
- Pagdadalaga at menopos. Normal na makaranas ng paiba-ibang antas ng mga hormon sa loob ng ilang taon pagkatapos ng pagdadalaga at bago ang menopos. Maaaring sanhi ito ng mas mahaba o mas maikling siklo ng regla, at mas madami o mas kaunting pagdurugo.
- Kontrasepsyon. Ang mga kontraseptibo ay maaaring makaapekto sa siklo ng regla kapag sinimulan mo ang paggamit ng isang pamamaraan. Ang mga pildoras ay maaaring magsanhi sa mas magaan, iregular, o mas madalas na pagregla, habang ang mga injectable ay minsan maaaring ganap na pahintuin ang ilang babae na magregla habang ginagamit nila ang pamamaraan. Ang tansong IUD kung minsan ay maaaring maging sanhi ng mas mabigat, mas mahahabang pagregla. Ang paghinto ng paggamit ng kontraseptibo ay nakakaapekto rin sa siklo. Ang ilan ay maaaring makaranas ng iregular na pagregla o kaya abutin ng anim na buwan bago bumalik sa regular ang siklo. Mahalagang tandaan na ang mga side effect na ito ay hindi nangyayari sa lahat ng babae, at kadalasan ay tumatagal lamang sa mga unang buwan. Bigyan ang iyong katawan ng sapat na panahon upang umayon sa kontrasepsyon.
- Pagbubuntis o pagpapasuso. Ang nalaktawan na regla ay maaaring senyales ng pagbubuntis (lalo na kung nagkaroon ng hindi protektadong pagtalik). Maaari ring antalahin ng pagpapasuso ang pagbalik ng regla pagkatapos manganak.
- Pamumuhay. Ang stress, malaking halaga ng pagtaas o pagbawas ng timbang, diyeta, pagbabago sa mga gawain sa pag-eehersisyo, paglalakbay, sakit, o iba pang pagkagambala sa pang-araw-araw na gawain ng isang babae ay maaaring makaapekto sa pagregla.
- Polycystic ovary syndrome (PCOS). Kapag ang isang babae ay may PCOS, ang mga obaryo (ovary) ay gumagawa ng labis na halaga ng mga androgen (isang panlalaking hormon) at nagreresulta sa pagbuo ng maliliit na mga cyst sa mga obaryo. Ang mga pagbabago sa hormon ay pumipigil sa mga selulang itlog mula sa paghinog, na nakakasagabal sa regular na obulasyon, at nagreresulta sa iregular na pagregla
- Mga sakit sa teroydeo. Bagaman bihira ang mga ito, maaaring maging sanhi ng iregular na pagregla. Ang thyroid gland ay matatagpuan sa leeg, at gumagawa ito ng mga hormon na nagkokontrol sa metabolismo ng katawan. Ang iregular na pagregla ay nangyayari kapag ang mga antas ng dugo ng teroydeong hormon ay napakababa o napakataas.
- Iba pang mga sanhi. Bukod sa mga kadahilanan na nabanggit, ang iba pang mga kadahilanan na hindi gaanong karaniwan ay kanser sa matris o serviks, mga gamot tulad ng mga steroid, komplikasyon sa pagbubuntis, sexually transmitted infection (STI), diyabetis, mga fibroid sa matris, o endometriosis.
Ano ang dapat gawin kapag iregular ang siklo ng regla?
Ang mga iregualr na siklo ay kadalasang hindi nangangailangan ng paggamot, ngunit depende ito sa mga pinagbabatayan na mga sanhi. Dapat kang kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung:
- madalas magdugo sa pagitan ng mga regla o pagkatapos ng pagtalik
- nakakaranas ng matinding pananakit o pangingirot habang nireregla o bago reglahin
- mabibigat ang pagregla, kung saan kailangan baguhin ang tampon o napkin sa bawat oras o kada dalawang oras, o kailangan gumamit ng parehong napkin at tampon nang sabay
- nakakaranas ng mabigat na pagdurugo na tumatagos sa kama o damit
- tumatagal ang regla nang mas mahaba kaysa sa pitong araw
- ang mga regla ay naging napaka-iregular kahit na regular ang mga siklo dati.
- Maaaring mangailangan ng ibang kontraseptibo, o ng karagdagang pagsusuri upang malaman kung mayroon kang kakaibang kalagayan sa kalusugan
Kung ang mga iregular na siklo ay nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na gawain, mas mainam na ipakonsulta na ito. Ang iyong siklo ng regla ay maaaring natural na iregular, ngunit posible din na mayroong dahilan na maaaring mangailangan ng atensyong medikal. Kung iyon ang kaso, tamang pagsusuri at paggamot ay maaaring makatulong na maibalik sa regular ang siklo.
Mga pinagmulan:
http://www.nhs.uk/Conditions/Periods-irregular/Pages/Introduction.aspx
http://www.everydayhealth.com/pms/irregular-periods.aspx
Im 22 years old po ask ko lang po bakit po ako nakakaranas ng pagreregla na tumatagal ng isang buwan.Ano po bang dapat kong gawin?Everytime na gigising po ako masakit palagi ang katawan , ulo ganun din po ang kalamnan ng baba at tagiliran ng tiyan ko.
Hi! Marami po itong posibleng dahilan, kaya mainam na magpasuri sa malapit na health center o Ob/Gyn para matukoy ang tiyak na sanhi at mapayuhan kayo sa angkop na lunas.
hello po gud evening po,pwede po ba akong magtanong?hmf ang itatanong kopo sana ay ano ang dapat kong gawin dahil 3months napo akong hindi nireregla,gumamit napo ako ang PT pero negative naman po amg result,hindo kopo alam ang dahilan at hindo kona rin po alam ang gagawin at iisipin ko?sana po masagot nyo po ang katanungan ko,maraming salamat po..
Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. Mabuting makipag-ugnay sa OB/GYN o malapit na health center para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito.
Hello po, nabobothered napo kasi ko sa regla ko. Niregla po kasi ko nung oct 3 and natapos ng oct 7 and then nung oct 18 til may regla pa din po ako. Pangalawang beses napo to nangyari sakin, nag umpisa po ito nung june 6 to june 10 and june 20 to 25 and then july 14 , and august 10, sept 6 and ngayong buwan po dalawang beses ako niregla. Bat po ganun? Sana matulungan nyo po ko thankyou
Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.
hello po sana po masagot what if po nag karoon po ako nakaraan sept 27 tpos po hanggang ngayon wala papo?normal po ba yon? sana masagot
Hi, Ellisha! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa OB/GYN o malapit na health center para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito.
Hi po ask ko lang po normal lang po ba sa Isang babae na delay ang pag dating nag regla regular naman po ang regla ko minsan po sumasakto sa araw minsan naman po Hindi may una araw nag buwan or kalagitnaan o Kaya kataposan na..nag buwan dumarating ang aking regla.Wala rin po akomg boyfriend….kaya Hindi rin po ako nakikipag sex…at ang edad ko po at 24 years old..okay lang po ba yun..kaya medyo kinakabahan din po ako Sana po masagot po ninyo ang aking katanungan salmat po
Hi, Hazel! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa OB/GYN o malapit na health center para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito.
Hi po hm 17 yrs old na po ako tas yung regla ko po hindi padin normal 3 or 4 months bago dumating ulit last na niregla ako May then hanggang ngayon wala padin ano po bang pwding gawin?
Hi! Normal po para sa mga nagdadalaga na hindi pa regular ang regla, dahil ang katawan ay dumadaan pa sa ilang pagbabago. Magiging regular rin naman po ito kalaunan pagtanda. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdadalaga/