fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Iregular Na Siklo Ng Regla

Walang dapat ikabahala kung ang iyong siklo ng regla ay hindi regular paminsan-minsan. Ngunit alam mo ba kung kailan dapat mag-alala at maging mapagmatiyag?

Ang siklo ng regla ay hindi parating palagian tulad ng orasan. Ang ilang babae ay nireregla nang ayon sa iskedyul na tuwing 28 na araw, habang ang iba ay nahihirapan tantiyahin kung kailan sila rereglahin. Ang mga iregular na siklo ay karaniwang hindi dapat nakakabahala, ngunit minsan senyales na ito na mayroon kang problema sa kalusugang reproduktibo.

Ano ang itinuturing na iregular?

Ang karaniwang siklo ng regla ay tumatagal ng 28 araw, ngunit maaari rin itong mag-iba mula 21 hanggang 35 araw. Ang iregular na pagregla ay karaniwang nangyayari lalo na kung ang mga batang babae ay nagsisimulang reglahin pagkatapos ng pagdadalaga, ngunit ang kanilang mga siklo sa kalaunan ay nagiging mas regular at mas madaling tantiyahin habang tumatanda sila. Ang pagregla ay karaniwang tumatagal ng limang araw, ngunit maaaring magtagal mula dalawa hanggang pitong araw.

Tinuturing iregular ang pagregla kung naganap ito nang mas mababa sa 21 araw o higit sa 35 araw na pagitan, o ang pagdurugo ay tumatagal nang higit sa pitong araw. Ang mga iregular na siklo ay maaari ding matukoy sa pamamagitan ng mga nalaktawan na regla, mas marami o mas kaunting pagdurugo kaysa sa normal, at palagiang pagkakaroon ng bahid ng dugo sa pagitan ng mga regla.

Upang matukoy ang haba ng iyong siklo ng regla, bilangin ang mga araw mula sa huling araw ng iyong nakaraan regla hanggang sa unang araw ng iyong susunod na regla. Ang bilang ng mga araw sa pagitan ng bawat pagregla ay ang haba ng iyong siklo. Pare-pareho ba ang iyong siklo o tila hindi regular? Kung malaki ang pag-iiba ng mga agwat ng iyong mga regla bawat buwan, maaaring mayroon kang iregular na siklo.

Ano nga ba ang mga sanhi ng iregular na siklo?

Ang mga iregular na siklo ay maaaring sanhi ng ilang bagay tulad ng stress o kaya mga hindi nakikitang kondisyong medikal:

  • Pagdadalaga at menopos. Normal na makaranas ng paiba-ibang antas ng mga hormon sa loob ng ilang taon pagkatapos ng pagdadalaga at bago ang menopos. Maaaring sanhi ito ng mas mahaba o mas maikling siklo ng regla, at mas madami o mas kaunting pagdurugo.
  • Kontrasepsyon. Ang mga kontraseptibo ay maaaring makaapekto sa siklo ng regla kapag sinimulan mo ang paggamit ng isang pamamaraan. Ang mga pildoras ay maaaring magsanhi sa mas magaan, iregular, o mas madalas na pagregla, habang ang mga injectable ay minsan maaaring ganap na pahintuin ang ilang babae na magregla habang ginagamit nila ang pamamaraan. Ang tansong IUD kung minsan ay maaaring maging sanhi ng mas mabigat, mas mahahabang pagregla. Ang paghinto ng paggamit ng kontraseptibo ay nakakaapekto rin sa siklo. Ang ilan ay maaaring makaranas ng iregular na pagregla o kaya abutin ng anim na buwan bago bumalik sa regular ang siklo. Mahalagang tandaan na ang mga side effect na ito ay hindi nangyayari sa lahat ng babae, at kadalasan ay tumatagal lamang sa mga unang buwan. Bigyan ang iyong katawan ng sapat na panahon upang umayon sa kontrasepsyon.
  • Pagbubuntis o pagpapasuso. Ang nalaktawan na regla ay maaaring senyales ng pagbubuntis (lalo na kung nagkaroon ng hindi protektadong pagtalik). Maaari ring antalahin ng pagpapasuso ang pagbalik ng regla pagkatapos manganak.
  • Pamumuhay. Ang stress, malaking halaga ng pagtaas o pagbawas ng timbang, diyeta, pagbabago sa mga gawain sa pag-eehersisyo, paglalakbay, sakit, o iba pang pagkagambala sa pang-araw-araw na gawain ng isang babae ay maaaring makaapekto sa pagregla.
  • Polycystic ovary syndrome (PCOS). Kapag ang isang babae ay may PCOS, ang mga obaryo (ovary) ay gumagawa ng labis na halaga ng mga androgen (isang panlalaking hormon) at nagreresulta sa pagbuo ng maliliit na mga cyst sa mga obaryo. Ang mga pagbabago sa hormon ay pumipigil sa mga selulang itlog mula sa paghinog, na nakakasagabal sa regular na obulasyon, at nagreresulta sa iregular na pagregla
  • Mga sakit sa teroydeo. Bagaman bihira ang mga ito, maaaring maging sanhi ng iregular na pagregla. Ang thyroid gland ay matatagpuan sa leeg, at gumagawa ito ng mga hormon na nagkokontrol sa metabolismo ng katawan. Ang iregular na pagregla ay nangyayari kapag ang mga antas ng dugo ng teroydeong hormon ay napakababa o napakataas.
  • Iba pang mga sanhi. Bukod sa mga kadahilanan na nabanggit, ang iba pang mga kadahilanan na hindi gaanong karaniwan ay kanser sa matris o serviks, mga gamot tulad ng mga steroid, komplikasyon sa pagbubuntis, sexually transmitted infection (STI), diyabetis, mga fibroid sa matris, o endometriosis.

Ano ang dapat gawin kapag iregular ang siklo ng regla?

Ang mga iregualr na siklo ay kadalasang hindi nangangailangan ng paggamot, ngunit depende ito sa mga pinagbabatayan na mga sanhi. Dapat kang kumunsulta sa iyong tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung:

  • madalas magdugo sa pagitan ng mga regla o pagkatapos ng pagtalik
  • nakakaranas ng matinding pananakit o pangingirot habang nireregla o bago reglahin
  • mabibigat ang pagregla, kung saan kailangan baguhin ang tampon o napkin sa bawat oras o kada dalawang oras, o kailangan gumamit ng parehong napkin at tampon nang sabay
  • nakakaranas ng mabigat na pagdurugo na tumatagos sa kama o damit
  • tumatagal ang regla nang mas mahaba kaysa sa pitong araw
  • ang mga regla ay naging napaka-iregular kahit na regular ang mga siklo dati.
  • Maaaring mangailangan ng ibang kontraseptibo, o ng karagdagang pagsusuri upang malaman kung mayroon kang kakaibang kalagayan sa kalusugan

Kung ang mga iregular na siklo ay nakakaapekto sa iyong pang-araw-araw na gawain, mas mainam na ipakonsulta na ito. Ang iyong siklo ng regla ay maaaring natural na iregular, ngunit posible din na mayroong dahilan na maaaring mangailangan ng atensyong medikal. Kung iyon ang kaso, tamang pagsusuri at paggamot ay maaaring makatulong na maibalik sa regular ang siklo.

Mga pinagmulan: 

http://www.nhs.uk/Conditions/Periods-irregular/Pages/Introduction.aspx

http://www.everydayhealth.com/pms/irregular-periods.aspx

Please follow and like us:

213 thoughts on “Mga Dapat Malaman Tungkol Sa Iregular Na Siklo Ng Regla

  1. Hello po..8 days na po ako nireregla. Nov 30 hanggang Ngayun 7.FirstTime ko po na Ganito Ka Tagal ang regla ko…at nung nng 4 days puro patak patak na regla tuwing umagah at hapon lang.. Tapos ngayun dumadami na poh… Anu po ibig sabihin nito… Patulong naman kailangan ko po bang magpatingin.. Thank you po

    1. Hi Judy! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa obgyn para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng lunas para dito.

      1. …opo myroon Ngayun po ulit.. Neregla po ako ulit nung 22 hanggang Ngayun…pero dalawang beses na po ito sa isang buwan lang…pero iba po talaga ung regla ko noon..sumusubra po noon na napkin ko Ngayun hind na…tapos pumunta po ako sa doctor dito sa amin.. Hind po alam kung bakit Ganito pero niresitahan nila ako ng gamot na tranexamic at tsaka pills.. Oky po ba Yun… Kaso hind po Siya OB/GYN.. THANK YOU PO… ADVANCED HAPPY NEW YEAR DIN PO SA INYO…

      2. Hi Judy Ann! Mabuti pong magpasuri na kayo sa OB/GYN talaga dahil sila ang spesialista sa mga sitwasyon mo. Baka po mayroon kayong kondisyon na nangangailangan ng iba pang lunas.

  2. Hello po, mag ask lng po ako. Kakapanganak ko lng po mag 8 buwan na po baby ko pero ngyon ko lng po naranasan na reglahin ng halos mag 1 buwan. After 2months ko lng po nanganak nagkaroon na ko pero ngyon po di ko Alam Kung bket naging ganito. Pa help po. Salamat.

    1. Hi Diana! Hindi po normal na umabot ng higit sa pitong araw ang pagdurugo kaya mainam nang magpakonsulta sa OB/GYN sa lalong madaling panahon para masuri ano ang sanhi at mapayuhan ka ano ang pwedeng solusyon. Umiwas rin po muna magtalik habang hindi pa nakakapagpakonsulta.

    1. Hi Marjoe! Hindi po normal na umabot ng higit sa pitong araw ang pagdurugo kaya mainam nang magpakonsulta sa OB/GYN sa lalong madaling panahon para masuri ano ang sanhi at mapayuhan ka ano ang pwedeng solusyon. Umiwas rin po muna magtalik habang hindi pa nakakapagpakonsulta.

    1. Hi Jessa! Kapag first time gumamit ng injectable, isa sa mga karaniwang nararanasan ng mga babae ay ang matagal na pagregla. Mawawala rin naman po ito pagkatapos ng ilang buwan. Pero kung nakakagambala na po ito sa araw-araw na gawain, mainam na ikonsulta ito kaagad sa OB/GYN o malapit na health center.

    1. Hi Mae Ann! Hindi po ito normal, at maaaring dulot ito ng isang kondisyon. Ngayon lang po ba ito naranasan? May ibang sintomas pa po bang nararamdaman? Mainam na ikonsulta ito kaagad sa OB/GYN para masuri at mapayuhan sa angkop na lunas.

  3. Hello po ask ko lng po sana dati po minsan di po ako dinadatnan ng isang buwan lng tpus tuloy2 na peo ngayun po kase nung july hindi po ko dinatnan tpus August dumating nman po, September hindi na nman tpus October dumating nman at ngayun po na November hindi na nman po dumating. merun na po bang problema, pa help nman po 😭

    1. Hi Dlyn! Maraming pwedeng magdulot ng mga pagbabago sa regla, at kasama rito ang ilang mga impeksyon, sakit, stress, diyeta, at biglaang pagbabago ng timbang. May ibang sintomas pa bang nararanasan? Mabuting makipag-ugnay sa obgyn para magpasuri kung ano ang sanhi at mapayuhan ka kung ano pwedeng solusyon para dito.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon