Malusog Na Ari
Ang ari (ng babae) ay isang saradong kalamnan na kanal na umaabot mula sa bulba (vulva)—ang panlabas ng ari ng babae—hanggang sa leeg ng matris (uterus), ang serviks (cervix). Ang kalusugan ng ari ay mahalagang bahagi ng pangkalahatang kalusugan ng babae. Ang mga problema sa ari ay maaaring makaapekto sa iyong pagkamayabong, pagnanais makipagtalik, at kakayahang maabot ang orgasmo.
Ang mga ganap na isyu sa kalusugan ng ari ay maaari ring magdulot ng stress, mga problema sa relasyon, at makaapekto sa iyong kumpiyansa sa sarili. Alamin ang mga senyales at sintomas ng mga problema sa ari, at kung ano ang maaari mong gawin upang maprotektahan ang kalusugan. Ang iba’t ibang mga kadahilanan ay maaaring makaapekto sa kalusugan ng iyong ari, kabilang ang:
- Ang pagtalik nang walang proteksyon ay maaaring magresulta sa pagkuha ng sexually transmitted infection (STI).
- Ang marahas na pagtatalik o isang pinsala sa pelvic area ay maaaring magresulta sa vaginal trauma, o mga maliliit na sugat sa ari.
- Mga kondisyon o paggamot. Ang ilang mga kundisyon, tulad ng endometriosis at pelvic inflammatory disease (PID), ay maaaring maging sanhi ng sakit o kirot habang nagtatalik.
- Ang paggamit ng ilang mga antibiotics ay nakakadaragdag ng panganib magkaroon ng vaginal yeast infection.
- Mga kontraseptibong pildoras at mga produktong feminine-hygiene wash. Ang mga kontraseptibong barrier, tulad ng mga condom, ay maaaring maging sanhi ng pangangati ng ari sa ibang babae. Ang mga produktong feminine-hygiene wash ay maaaring maging dahilan ng kawalan ng balanse sa antas ng pH ng ari, na mas nagpapadali makakuha ng impeksyon.
- Pagbubuntis at panganganak. Kung buntis ka, hindi ka rereglahin hanggang maisilang ang iyong sanggol. Sa panahon ng pagbubuntis, madalas marami ang nailalabas na likido ng ari. Karaniwang magkakaroon ng mga sugat sa ari sa panahon ng panganganak. Ang vaginal delivery ay maaari ring bawasan ang lakas at higpit ng kalamnan sa ari.
- Mga isyung sikolohikal. Ang pagkabalisa at pagkalungkot ay maaaring mag-ambag sa pagkawala ng nais makipagtalik at nagreresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik. Mga trauma tulad ng pang-aabuso na sekswal o isang masakit na karanasang sekswal ay maaari ring humantong sa sakit na nauugnay sa pagtalik.
- Mga antas ng hormon. Ang mga pagbabago sa antas ng mga hormon ay maaaring makaapekto sa ari. Halimbawa, ang produksyon ng estrogen ay bumababa pagkatapos ng menopos at habang nagpapasuso sa sanggol. Ang pagkawala ng estrogen ay maaaring maging sanhi ng manipis na uterine lining, na reresulta sa sakit o kirot habang nagtatalik.
Normal Na Vaginal Discharge
Ang isang malusog na ari ay gumagawa ng mga likido upang linisin at alagaan ang sarili, na katulad ng kung paano nililinis at kinokontrol ng laway ang kapaligiran ng bibig. Ang mga vaginal secretion na ito ay normal na vaginal discharge. Ang anumang pagkagambala sa maselan na balanse ng mga vaginal secretion ay maaaring gawing mas madali para makakuha ng impeksyon sa ari.
Ang normal na vaginal discharge ay may ilang mga layunin: paglilinis at pagbasa-basa sa ari, at pagtulong upang maiwasan at labanan ang mga impeksyon. Bagaman normal na mag-iba ang kulay, pakiramdam, at dami ng mga likido ng ari sa pag-ikot ng siklo ng regla, may ilang mga pagbabago na maaaring senyales na pala ng isang problema.
Nakakatulong malaman ang mga pagkakaiba sa pagitan ng normal at abnormal na discharge ng ari. Ang mga normal na likido ng ari ay kadalasan manipis, malagkit, at nababanat o makapal at malapot, at dapat sila ay malinaw, puti, o off-white ang kulay.
Impeksyon Sa Ari
Ang mga impeksyon sa ari na maaaring makuha sa pagtalik man o hindi, tulad ng candidiasis (yeast infection), bacterial vaginosis, at trichomoniasis, ay karaniwang mga sanhi ng abnormal na vaginal discharge. Mayroon ring ilang mga STI na maaaring magdulot ng mga pagbabago sa vaginal discharge, tulad ng gonorrhea. Kung may napansing anumang mga pagbabago sa iyong vaginal discharge, o sa palagay mo mayroon kang problema, dapat makita ang doktor sa lalong madaling panahon.
Yeast Infection
Ang candidiasis o yeast infection ay maaaring magresulta sa napakaputi at makapal na vaginal discharge, na kahawig ng cottage cheese. Ang yeast infection ay karaniwang hindi nagiging sanhi ng pagkakaroon ng malakas na amoy ng discharge, ngunit maaaring magresulta ito sa matinding pangangati at hapdi sa ari.
Bacterial Vaginosis
Ang Bacterial Vaginosis (BV) ay maaaring maging sanhi ng manipis at kulay-abo na vaginal discharge, na mayroong hindi kanais-nais, at malansang amoy.
Trichomoniasis
Ang Trichomoniasis, isang karaniwang STI, ay maaaring maging sanhi ng malakas na amoy. Ang vaginal discharge ay maaaring maging dilaw-berde ang kulay, at maging mabula-bula. Ang Trichomoniasis ay madalas ding nagdudulot ng pangangati sa ari, at kirot kapag umiihi.
Mga Payo Para Sa Malusog Na Ari
- Pagkatapos gumamit ng banyo, palaging magpunas mula sa harap patungo sa likod. Maaaring makatulong ito upang maiwasan ang paglipat sa ari ng mga bakterya mula sa rectum.
- Magsuot ng panty gawa sa cotton sa araw dahil ang iyong ari ay “nakakahinga” sa cotton. Iwasan magsuot ng panty sa gabi.
- Iwasang magsuot ng masisikip na pantalon, leggings, at swimming suit nang matagal.
- Baguhin ang iyong sabon panlaba kung sa palagay mo ay maaaring sanhi ng iritasyon sa iyong ari.
- Ang latex sa condom at pampadulas na ginagamit sa pagtalik ay maaaring maging sanhi ng iritasyon para sa ilang mga babae. Alamin kung saan ka hiyang.
- Maligo araw-araw at marahan punasan ang ari bago magsuot ng damit.
- Huwag gumamit ng mga produktong feminine-hygiene wash o iwasan hugasan ang loob ng iyong ari. Maaari itong maging sanhi ng pagkawala ng balanse sa natural na kapaligiran ng ari.
- Iwasan ang paggamit ng mga feminine-hygiene sprays/washes, tisyu na may pangkulay o pabango, at mga napkin o tampon na may pabango.
Mga pinagmulan:
https://www.everydayhealth.com/news/vaginal-infection-types/
https://www.webmd.com/women/guide/sexual-health-vaginal-infections#1
Hello po ask ko po sana kasi this few months laging kumakati ari q sobrang kati sya tapos nag kakaroon na po ako ng habas sa hita q and then nitong araw lang po pagkatapos q mag CR nag punas ako gamit ang tissue mayroong light red na lumabas sa ari ko tpos minsan sobrang puti po ang sobrang kati po.. Ano po sanhi nito.sana mapansin.
Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.
Hi po.
Mai tanung Lang po aku.
Kasi po ung girlfriend ku po Mai spotting po. Pang 2 days nya po ngayun na Mai spotting.
Nag spotting po cxa kahit walang regla po.
Sana masagut po.salamat
Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo, kasama na rito ang stress, timbang, diyeta, pagbabago sa antas ng mga hormon, at iba pa. Baka makatulong po sa inyo ang pagbabawas sa stress at paggawa ng libangan na nakakarelaks. Mabuting makipag-ugnay na sa OB/GYN o malapit na health center para masuri kung ano sanhi nito at mapayuhan kayo kung ano pwedeng lunas, lalo na kung nakakaranas ng iba pang sintomas o nahihirapan kumilos sa araw-araw na gawain. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/abnormal-na-pagdurugo-ng-ari-ng-babae/
Ask kolang po kung normal poba ang normal na pag kati tapos po pag tingin kopo may pula pula po st butlig butlig poo normal poba ano po pwede igamot po
Hi! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Pasensya na po at hindi kami maaaring magreseta ng gamot dahil hindi po kami mga doktor. Mainam na magpasuri muna sa malapit na health center para mapayuhan sa angkop na lunas.
Hi po, ask ko lang po sana ? My mga 3days na po ngayon iyong prang tumubo po na parang butlig sa bibig po ng pekpek ko at pinisa ko po iyon? Mjo makati po siya minsan na msakit..pa help po anu pong gmot ang pwede pong e apply?
Pasensya na po at hindi kami maaaring magreseta ng gamot dahil hindi po kami mga doktor. Mainam na magpasuri muna sa malapit na health center para mapayuhan sa angkop na lunas.
Hello po,tatanung ko lang po bakit po kaya masakit puson ko tuwing nagtatalik kami ng partner ko minsan masakit minsan hindi masakit lang sa part skn yung sa puson ko wala naman po ako mga discharge sa ari,yun lang problema ko na masakit tuwing pagtatalik ano po maganda gawin.thank you po
Hi, Remy! Posibleng kakulangan sa pampadulas ang sanhi ng pananakit habang nagtatalik. Baka makatulong ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para gawing mas swabe at kaaya-aya ang pagtatalik, patagalin ang foreplay, o sumubok ng ibang posisyon. Kung hindi ito nakatulong at nakakaranas ng iba pang sintomas, mabuting makipag-ugnay sa obgyn para masuri kung mayroon bang impeksyon o ibang kondisyon na nagdudulot ng pananakit.
Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez
Hi po ano po bang meron sa ari ng babae pag may lumalabas na puti tapos makati unti tapos di namn sobrang baho ano pobang pwedeng gawin sana po masagut nyo salamtii ko
Maraming posibleng makaapekto sa vaginal discharge, kasama na ang pagbabago ng mga antas ng hormones, kinakain, at gamot na iniinom. Pakibasa rin po ito nang mabuti: https://doitright.ph/tl/gabay-sa-mga-kulay-ng-vaginal-discharge/
https://doitright.ph/tl/ibat-ibang-amoy-ng-ari-at-ang-kanilang-mga-sanhi/
Ask klang po
Ako po kasi kapag tapos kpong umihi subrang sakit po ng labasan ng ihi tpos minsan subrang sakit po ng pantog ko ung kakaihi mo lalang subrang sakit nanamn na parang punong puno ung pantog ko tpos po nong isang araw po pag tpos ko umihi nag higas po ako then pag hawak ko may nahawakn po akong clear white tpos sumunod nmn po ulit na pag hugas ko may lumabas namn na dark white po ask klng ano po kaya un????
Hi, Irene! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.
Good evening po gusto ko lng po Sana itanong masakit po kasi Yung ari ko pag tapos umihi tapos may lalabas na puting likido po tapos madalas din ang pag ihi ko
Makapal din po Yung white mens ko
One time din po may dalawang patak po ata Ng kunting dugo na lumabas pagkatapos Ng ihi tapos sunod nun Yung sakit sa loob po ng Ari ko sasakit po sya ano po ba yun???
Hi, Lyka! Maraming posibleng sanhi ng iyong nararanasan, gaya ng impeksyon o kondisyon. Doktor lang po ang makakasuri sa inyo at makakapagtukoy kung ano ang tiyak na sanhi. Mabuting makipag-ugnay na kaagad sa OB/GYN ukol dito o magpunta sa malapit na health center para makita ang sanhi at mapayuhan ka kung ano ang angkop na lunas para sa iyong sitwasyon.