fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

PS: Mga Di Dapat Gawin ng mga Lalaki Pagkatapos ng Sexy Time

Napag-usapan na natin dati ang halaga ng sexual aftercare at kung paano ito nakakabuti sa isang relasyon ang pagiging sweet at malapit kahit na tapos na ang sexy time.

Para magawa ‘yon nang wasto, importanteng malaman natin ang mga dapat iwasan pagkatapos ng labing-labing.

Heto ang ilang mga payo para diyan.

‘Wag magsalita nang masama tungkol sa katawan ng partner mo

Ang sex ay isang gawain kung saan binibigyang halaga ng dalawang tao ang katawan ng isa’t-isa. Isa na siguro sa mga pinakamalalang pwede mong gawin pagkatapos ng pagtatalik ay magbanggit ng kapangitan sa katawan ng iyong nakasiping.

Ang partner mo ay walang kapangyarihang baguhin ang katawan niya sa isang iglap, kaya mas mabuti nang ‘wag na lamang magsalita kung hindi lang din naman maganda ang sasabihin mo. 

Tandaan mo na lang din na bawat tao ay may karapatang gawin ang kahit anong gusto nila sa sarili nilang katawan.

‘Wag pag-usapan ang iyong ex/es

Isa talaga ‘tong tuntunin na dapat sundin ng mga nasa relasyon. Nakakabastos pag-usapan ang isang sex o ang pagtatalik na natamasa mo dati sa isang ex. Hindi dapat ito ginagawa, lalo na kung kakatapos niyo lang mag-sexy time ng karelasyon mo.

Madaling mararamdaman ng partner mo na siya’y ikinukumpara sa iba, at walang may gusto ng ganung pakiramdam.

Kung nais mong kausapin ang iyong jowa tungkol sa mga gusto mong gawin sa kama, pwede mo itong idaan sa isang seryoso’t maayos na diskusyon tungkol sa inyong mga pantasya at fetish. Basta’t ‘wag ka lang magbabanggit ng kahit ano tungkol sa isang ex.

‘Wag magmadaling magbihis at umalis (maliban na lang kung quickie)

Para sa maraming tao, ang pakikipagtalik ay isang espesyal na gawain. Bawat bahagi ay dapat sinisimot, kahit ang mga maliliit na bagay na tumutungo sa kama at ang mga sandali pagkatapos.

Kung ikaw ay nasa isang relasyon, hindi ka dapat nagmamadaling magbihis pagkatapos ng sex. Madali nitong mapaparating sa partner mo na ginamit lamang sila para sa panandaliang kasiyahan, at ito’y masamang paraan ng pagtrato sa isang karelasyon.

Para sa iba pang kaalaman tungkol sa mga dapat gawin ng mga lalaki pagkatapos ng pagtatalik, pwede mong basahin ang sinulat namin tungkol sa sexual aftercare at kung bakit ito mahalaga.

Ang koneksyon niyo ng iyong partner ay hindi natatapos sa climax o pagbulalas. Ang ginagawa niyo pagkatapos ng pagtatalik ay bahagi ng kabuuang sekswal na karanasan niyo, kaya mainam na matutunan kung pa’no tratuhin ang iyong partner nang maayos pagkatapos ng sexy time.

Pinagmulan:

https://www.lovepanky.com/sensual-tease/passion-pill/worst-things-guys-could-possibly-do-in-bed

Imahe mula kay jcomp sa Freepik

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon