ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga Sabi-Sabi Tunkol Sa Bra Na Dapat Mo Nang Kalimutan

Bra Myths You Need To Unhook From Your Mind

Sinong mag-aakala na ang simpleng piraso ng damit ay magsisimula ng maraming kontrobersiya at katha!? Narito ang ilan sa mga pinakakilalang mga sabi-sabi tungkol sa bra at isa-isa namin silang kinontra para pwede mo na silang maalis sa iyong isipan.

Katha #1 Ang pagsuot ng bra ay mapapanatiling angat ang iyong mga suso

Ang pagsuot ng bra ay hindi makakasiguro na ang iyong mga suso ay hindi lalawlaw hanggang sa pagtanda mo, kahit na matulog ka pa nang naka-bra. Ang pagbubuntis, pagdagdag ng timbang, pagtanda, at grabidad ay maaaring magsanhi ng paglawlaw ng mga suso sa paglipas ng panahon, at normal lang na mangyari ito.

Ngunit, ang matinong bra pang ensayo (sports bra) ay makakatulong sa pag-iwas sa paglawlaw ng mga suso kapag nag-eehersisyo. Tumatalbog ang mga suso sa mga matitinding pag-eehersisyo, tulad ng pagtakbo, na maaaring makahina sa mga tisyung nag-uugnay sa mga suso sa paglipas ng panahon. Ang bra pang ensayo na tama ang sukat at suporta ay malaking tulong sa aspetong iyon.

Katha #2 Lalawlaw ang mga suso dahil sa pagsuot ng bra

Sa kabilang dako ng sabi-sabi iba naman ang paniniwala tungkol dito. Baka narinig mo dati ang tungkol sa isang pag-aaral na nagsasabi na nakakalawlaw ng mga suso ang pagsuot ng bra. Ayon sa mga Pranses na mananaliksik, ang mga bra ay nakakahadlang sa pagtibay ng mga kalamnan ng mga suso; ngunit, ang mga suso ay likas na wala talagang mga kalamnan — balat, taba, at mga litid lamang.

Walang mga kalamnan ang iyong mga suso na pwedeng i-ehersisyo para bumuti, hindi tulad ng mga braso at abs. Ang pagsuot o hindi pagsuot ng bra ay hindi makakaapekto sa mga pisyolohikal na pagbabagong mararanasan ng iyong mga suso sa paglipas ng panahon.

Katha #3 Ang mga bra (lalo na ang mga may underwire) ay sanhi ng kanser sa suso

Isa sa mga pinakamatagal at pinakalaganap na sabi-sabi tungkol sa mga bra ay ang koneksyon nito sa kanser sa suso. Pinaniniwalaan na ang mga bra daw ay nakakahadlang sa lymph system ng mga suso, kaya naiipon ang mga toksin sa mga suso at nagsasanhi ng kanser. May mga hindi lohikal na palagay sa teoriyang ito, at walang saliksik na nagpapatibay sa paniniwala na ang mga bra ay nakakataas sa panganib ng kanser sa suso.

Katha #4 Nakakalaki ng mga suso ang hindi pagsuot ng bra

Walang pag-aaral na nagpapakita na ang hindi pagsuot ng bra ay nakakalaki ng mga suso. Ang diyeta, ehersisyo, at pagbabago sa timbang ay makakaapekto sa paglaki o pagliit ng iyong mga suso.

Katha #5 Lahat ng bra ay pare-pareho

Hindi pare-pareho ginawa lahat ng bra. Ang sukat mo sa isang tatak ay baka hindi pareho sa iba. Kung mamimili ka ng bra, mabuting isukat mo muna imbes na bibilhin ang espesipikong sukat. Alalahanin kung ankop sa iyo ang sukat at kung komportable ka — mas mahalaga ang mga ito kaysa sa espesipikong sukat.

Katha #6 Malandi ka kung hindi ka magsuot ng bra

Kung komportable kang lumabas nang walang bra, gawin mo! Gawing inspirasyon si Sue Ramirez na bukas tungkol sa katotohanan na siya’y lumalabas nang walang bra dahil mas komportable siya.

Hindi kagulat-gulat na maraming babae ang nagaalangan na hindi magsuot ng bra dahil sa takot na kung ano-ano ang iisipin ng mga tao tungkol sa kanila, lalo na sa bansa na nananaig ang patriariko at karaniwang pinaniniwalaan na ang mga babae ay nabubuhay para sa kagustuhan ng mga lalaki.

Katawan mo, desisyon mo. Ikaw bahala kung pipiliin mong hindi magsuot ng bra araw-araw o hindi. Kung hindi ka talaga komportable na hindi magbra, okay lang ‘yan! Walang pag-aaral na nagpapatunay kung kailangan o ‘di kailangan magsuot ng bra, kaya gawin mo kung ano ang komportable para sa iyo — ‘yun dapat ang basehan ng iyong desisyon.

Mga pinagmulan:

https://www.health.com/condition/breast-cancer/what-causes-breasts-to-sag

https://www.healthline.com/health/womens-health/going-braless#the-final-say

https://www.foxnews.com/health/9-bra-myths-youve-probably-believed-your-entire-life

https://www.cosmo.ph/entertainment/sue-ramirez-bra-breakup-joao-constancia-a1320-20190905

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon