fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Mga senyales na isa ka nang certified tita

Sa henerasyon ngayon, tila mas ipinagmamalaki na ang pagiging matanda at mature. Maraming kababaihan na ang proud at natutuwa sa pagiging “Tita of Manila,” at tiyak na hindi sila nahihiyang ipakita kung ano ang naging dahilan upang makuha nila ang titulong iyon!

Isa ka na rin ba sa kanila? Narito ang ilang mga senyales na daserb mo na ang isang silya sa lingguhang pagsasama-sama ng Titas of Manila Sunday brunch!

Hindi ka makakalabas ng bahay nang wala ang iyong paboritong menthol balm

Nasa edad at yugto ka na ng buhay kung saan nauunawaan mo na kung bakit ang iyong mga tito o tita ay bigla-bigla na lang nangangamoy menthol sa kalagitnaan ng inyong family brunch. Ngayon, hindi mo rin kayang harapin ang mundo nang wala ang iyong paboritong menthol balm sa iyong bag!

Tila’y anting-anting mo na ito na tumutulong sa iyo na malampasan ang anumang hamon, mula sa mga pang-araw-araw na stressors hanggang sa iyong mga responsibilidad bilang isang Tita of Manila. Maamoy mo lang ang iyong menthol balm, at kakayanin mo na ang anumang hamon para sa araw.

Ang pagpunta sa grocery ay hindi na isang gawain — ito ay naging iyong libangan na!

Noong iyong kabataan, madalas na ayaw mong samahan ang iyong mga magulang sa grocery dahil nakakainip at parang walang katapusan — ang tanging bahagi na nakaka-excite sa iyo ay ang pasilyo na may mga meryenda at kendi!

Ngunit bilang isang Tita of Manila, wala kang pakialam kung gaano ka na katagal sa paglilibot sa bawat pasilyo ng paborito mong supermarket. Malamang na kabisado mo na ang mga presyo ng iyong mga karaniwang bilihin! Kahit na walang grocery list na naihanda, palagi kang uuwi na may dalang eco bag na puno ng pinamili.

Pwede kang iwanan sa furniture store nang ilang oras

Madaan ka lang sa furniture store sa mall, at ‘di mo na namamalayan na tatlong oras ka na pala tumitingin sa mga kagamitang isasama sa iyong wish list. Bilang isang tunay na tita, unti-unti ka nang nagiging homebody, kaya gusto mo ring gawingkomportable at maganda ang iyong bahay, bagay na bagay para sa iyong Friday nights in.

Ang mga furniture store ay tila toy store para sa mga titang katulad mo. Gustung-gusto mong tumingin sa mga magarang cabinet at imagine-in ang iyong sarili na pinupuno ang mga ito ng iyong weekly grocery restock, at humanga sa mga malalambot na sopa na gusto mong higaan tuwing weekend.

Ang mga Biyernes ng gabi ay nakatuon sa panonood ng iyong paboritong serye

At dahil unti-unti na ring nagiging homebody, sabik ka nang umuwi tuwing Friday night, suotin ang pinaka paborito mong pambahay, at manood ng paborito mong serye. Lumipas na ang mga panahong nagmamadaling umuwi mula sa trabaho, magpaganda ng 9pm, at pumarty kasama ang iyong mga beshy habang sumasayaw magdamag.

Ngayon, baka nakaka-isa o dalawang baso ka na lang ng iyong paboritong wine, nakahilata sa sopa kasama ang iyong pusa o aso, at nawawala na sa bilang kung ilang episodes na ng paboritong mong palabas ang natapos mo para sa gabi. Gayunpaman, enjoy na enjoy mo pa rin ang buhay!

Hindi ka nahihiyang pag-usapan ang sexual and reproductive health and rights sa iyong barkada

Ang pagkamit ng Tita of Manila badge of honor ay hindi lamang tungkol sa pagkakaroon ng mas mature na perspektibo sa mga bagay-bagay at pagsisimulang gumawa ng mga aktibidad na naobserbahan mo mula sa iyong mga magulang noong bata ka pa. Tungkol din ito sa pagiging mature at bukas ang isip tungkol sa lahat ng uri ng bagay, kabilang ang sexual and reproductive health and rights.

Bilang mga tita, hindi na kayo nahihiya na pag-usapan ang inyong sex life at mga kagustuhan sa kama. Mula sa inyong mga naka-hookup hanggang sa napili niyong kontraseptibo, komportable at bukas kayong barkada na pag-usapan ang mga bagay na ito. Marahil ay nagpapalitan pa kayo ng tips at tricks upang matiyak na lahat kayo ay may makulay at exciting na sex life na talagang daserb niyo naman!

Walang dapat ikahiya kung pasado ka na bilang isang tita! At dahil certified tita ka, oras mo na mag-shine with that “Tita of Manila” badge of honor. Hindi lang iyon, mas mabuting ibahagi mo na rin ang iyong kaalaman sa sexual and reproductive health and rights sa iyong iba pang mga barkada at sa mga kabataan sa loob ng iyong circle. I-spread na natin ang girl power!

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon