fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Pagdurugo Pagkatapos ng Pagtalik

Bleeding After Sex

Katatapos mo lang makipagtalik, at pagkatingin mo sa kumot may mga bahid ng dugo kahit hindi ka pa dapat rereglahin — ano kaya ‘to?

Nakakataranta ang pagdurugo ng pwerta pagkatapos ng pagtatalik, pero talagang pangkaraniwan ito. Kadalasang walang kailangan ikabahala, ngunit may iba pang mga sanhi na maaaring kailanganin ng agarang atensyong medikal.

Mga Sanhi

Mayroong mahabang listahan ng mga posibleng sanhi ng pagdurugo ng pwerta pagkatapos ng pagtalik. Sa palagay mo ba anuman sa mga ito ay umaangkop sa iyong sitwasyon?

  • Priksyon at kiskisan ng mga katawan sa panahon ng pagtalik
  • Hindi sapat na pampadulas o foreplay
  • Vaginal dryness (atrophic vaginitis) dahil sa pagbawas ng mga vaginal secretions pagkatapos ng menopos
  • Regla
  • Cervical cancer (sa mga bihirang kaso)
  • Cervical ectropion, isang kondisyon kung saan ang panloob na lining ng serviks ay umuusli mula sa pagbubukas ng serviks at lumalago sa panig ng serviks sa bandang pwerta.
  • Cervical polyps, na benign (hindi naghahantong sa kanser) at lumalago sa serviks
  • Cervicitis, na pamamaga ng serviks
  • Endometrial cancer (kanser sa uterine lining)
  • Mga sugat sa ari mula sa mga sexually transmitted infection (STI) tulad ng buni sa ari (genital herpes) o syphilis
  • Pinsala sa uterine lining (endometrium) sa panahon ng pagtalik, lalo na sa mga babae na gumagamit ng kontraseptibong pildoras
  • Pelvic inflammatory disease (PID)
  • Kanser sa pwerta (sa mga bihirang kaso)
  • Vaginitis

Anong gagawin

Maaaring hindi mo kailangang kumunsulta sa doktor kung: wala ka pa sa menopausal stage; hindi naman tuwing magtatalik nakakaranas palagi ng pagdurugo pagkatapos, at; normal ang iyong mga resulta sa Pap smear at pagsusuri para sa mga STI.

Kung nababahala o kung sa palagay mo ay nalantad ka sa isang STI, pumunta sa iyong doktor para masuri. Maaari kang tatanungin at sumailalim sa ilang pagsusuri depende sa iba pang mga sintomas at kasaysayang medikal.

Para sa mga babaeng postmenopausal, mabuting makita ang iyong doktor sa lalong madaling panahon upang masuri ang sitwasyon.

Pag-iwas

Matapos makakuha ng tamang diagnosis mula sa doktor, bibigyan ka ng mga opsyon para sa paggamot depende sa natuklasan.

Para sa pagdurugo ng pwerta na dulot ng priksyon o kakulangan ng pampadulas, ang paggamit ng personal na pampadulas sa panahon ng pagtalik ay maaaring maiwasan na mangyari ito muli. Inirerekumenda namin ang paggamit ng pampadulas na gawa sa tubig tulad ng EZ Lubricating Jelly. Maaari itong magamit para sa karamihan sa sekswal na aktibidad, bawasan priksyon at kiskisan, at dagdagan ang kasiyahan at pandamdam sa panahon ng pagtalik. Ang paggamit ng condom ay inirerekumenda din upang maiwasang makakuha ng mga STI at upang mabawasan ang priksyon.

Mga pinagmulan:

https://www.webmd.com/women/bleeding-after-sex#1

https://www.nhs.uk/common-health-questions/womens-health/what-causes-a-woman-to-bleed-after-sex/

https://www.mayoclinic.org/symptoms/bleeding-after-vaginal-sex/basics/definition/sym-20050716

Please follow and like us:

110 thoughts on “Pagdurugo Pagkatapos ng Pagtalik

    1. Hi Georgina! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  1. Hi po,may itatanong lang po ako may kaibigan po akong nakipagtalik sa bf niya kahit patapos na yung period niya,kaso nga lang po pagkatapos nilang mag talik,mahapdi ang nararamdaman niya,tapos mag uwi niya po nnag cr po siya tinignan niya yung vagina niya kung bakit mahapdi, pagkakita niya po ay dumudugo po yung vagina niya di niya po alam kung ano po yun di po tumitigil ang pag durugo..normal lang po bah yun ang pagdurugo at hapdi habang may period siya??
    Paki sagot po thank u😌

    1. Hi Irish! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

      Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  2. Hi po doc,may itatanong po ako,ako po ay nakipagtalik sa bf ko habang patapos na po yung period ko,kaso nga lang po,oagkatapos namin magtalik,bakit may nararamdaman po akong mahapdi sa vagina ko?dumudugo po siya at pag linis ko sa vagina ko eh mahapdi po tas dumudugo siya, Nasugatan po bah yun? O sa period ko lang mo yun? Paki sagot namn po..thank u

    1. Hi Honey! Paalala lang po na HINDI kami mga doktor. Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

      Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

      Mabibili ang EZ Lubricating Jelly sa pangunahing botika at convenience store. Maaari mo rin ito mabili online!
      Lazada: https://www.lazada.com.ph/shop/trust-philippines-1524467118/
      Shopee: https://shopee.ph/trust.premiere.ez

  3. Hello po, ako po firstime kong nakaranas po kagabi ng pagdugo after nmin magtalik. Pero before po ng pagtatalik nmin nakaranan ako ng pagkahilo at parang nasusuka .. Madalas po akong nagdischarge at nanakit ang puson lalo na kpag after ng menstration ko. Or minsan naman po before or mismong menstrual ko paiba iba po symptoms ko sa menstrual stage.

    1. Hi Kristelle! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik, pero ang karaniwang dulot nito ay priksyon at kiskisan lalo na sa penetrasyon. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  4. Gud am po doc. CS po ako. At gumamit po ako ng contrasiptive injection for 1year.lng po ako gumamit ng family planning dhil po napansin ko po na iregular n ko kng mag regla. Tas nung inalis ko n po ung family planning ko. Tas kng mag tatalik kami ng husband ko. May kaunting dugo o spot sa kumot. At like ko n din po mag ka 2nd bby kc po 4yrs old n baby namin.. mabbuntis po ba ako nun.kng d n po ako gumagamit ng fammly planning kc itinigil ko lng po last month.

    1. Hi Khyrie! Mahalagang paalala na hindi po kami mga doktor. Normal pong makaranas ng pagbabago sa regla tulad ng irregular menstruation dahil po sa contraceptive injectable. Wala po itong masamang epekto sa iyong kalusugan at walang kailangan ikabahala. Mabuti pong bumalik gumamit ng family planning method kung nais niyo pong maiwasan mabuntis. Dahil wala na po kayong family planning na ginagamit, mayroon pong chance na mabuntis ka. Puwede rin po kumonsulta sa doktor kung ayaw niyo po ng contraceptive injectable.

      Tulad nga po ng nakasaad sa artikulong ito, maraming posibleng sanhi ng pagdurugo pagkatapos magtalik. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  5. Doc tanong ko lang po kc everytime after ng sex naming mag.asawa ngkakaroon po ako ng brown discharge at may times n masakit makipagtalik.. normal po ba ito? Thanks

    1. Hi Fujiko! Mahalagang paalala na hindi po kami mga doktor. Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo at pananakit sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat, na siyang nagdudulot ng pagdurugo at pananakit. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

  6. Doc ako po nakakaranas po ako ng pagdurugo hanbang bagtatalik kami ng mister ko minsan po masakit din balakang ko nagumpisa po ang pag dugo nung Dec2019 minsan po nagdurugo minsan naman po wala isang beses lang po ako nakapag patingin sa ob.wala po kase sapat n budget..ano po kaya eto di naman po nasakit habang nagtatalik kami may dugo lang po after po namin mag sex,pero wala po akong regla…ano po dapat kung gawin..salamat

    1. Hi Aiza! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo pagkatapos makipagtalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat. Iwasan rin muna magtalik habang hindi pa naghihilom ang mga sugat, na dapat kusang gumaling sa loob ng ilang araw. May ibang sintomas pa po bang nararanasan? Gaano katagal ang pagdurugo? Laging siguraduhin na malinis ang ari sa pamamagitan ng paghugasan nito araw-araw, at umiwas magsuot ng masisikip na damit. Kung malakas, lumakas o kaya’y tumagal na ng ilang araw ang pagdurugo, o palagi kang nakakaranas ng pagdurugo pagkatapos magtalik, dapat nang magpunta sa obgyn upang magpasuri. Basahin po ito: https://doitright.ph/tl/pagdurugo-pagkatapos-ng-pagtalik/

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon