fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Tips para sa mga magpartner na magka-iba ng trip

Tips for having a healthy relationship with your total opposite

Totoo ba na opposites attract? Siguro totoo ito para sa ilan. Sa kadalasan, ang mga tao ay mas naaakit sa mga kaparehas nila ng personalidad, o kaya mayroon silang “type.”

Ngunit ang pakikipag-date sa isang taong kabaligtaran mo ay hindi dapat isyu, lalo na kung masaya ka naman at tinatrato ka nang tama. Bagama’t tila mas madaling makasama ang isang taong type mo may maraming pagkakatulad sa iyo, posible pa rin naman na magkaroon ng pangmatagalang relasyon sa isang taong hindi mo kapareho.

Narito ang mga tips na magagawa mo at ng iyong partner para tumagal ang inyong relasyon.

Matuto sa isa’t isa

Marami kang matututunan tungkol sa mundo kapag tinitingnan ito mula sa iba’t ibang pananaw. At kapag nakikita mo ito mula sa pananaw ng iyong partner, mas nakikilala mo rin siya at kung paano niya nakikita ang mundo. Ngunit, siyempre, maaaring hindi kayo nagkakasundo sa lahat ng bagay, at ayos lang ‘yun.

Magandang pagkakataon rin ito na pag-usapan ang mga bagay na ‘di niyo napagkakasunduan, at maunawaan kung saan nanggagaling ang iyong partner. Baka may matutunan pa kayong bago sa isa’t isa!

Suportahan ang isa’t isa

Kung ‘di mo trip ang mga interes ng iyong partner, pwedeng pwede niyo pa rin naman suportahan ang isa’t isa, ‘di ba? Napakahalaga ang iyong suporta sa iyong partner, at nakakalugod makitang masaya siya.

Intindihin ang isa’t isa

Malayo ang nararating ng empatiya. Nakakatulong ito na mabawasan ang anumang uri ng inis o galit para ang mga tampuhan at hindi pagkakaunawaan ay masolusyonan agad-agad. Subukang tingnan ang mga bagay sa pananaw ng iyong partner, at ilagay ang iyong sarili sa kanilang kalagayan upang maunawaan kung bakit sila ganun mag-react sa mga bagay-bagay.

Magkasundo kayo

Give and take dapat ang mga relasyon; kailangan nito ng kaunting kompromiso at sakripisyo para maging masaya ang parehong magpartner. Ang mga maliliit na bagay tulad ng panonood ng paboritong pelikula ng iyong partner kahit ‘di mo trip, o pagpunta sa beach nang magkasama kahit na mas gusto mong mag-bundok. 

Ang mga kompromiso na ito ay maaaring hindi naaayon sa iyong mga kagustuhan, ngunit tiyak na nagpapasaya ito sa iyong partner. At tandaan na pareho kayong dapat magsakripisyo, hindi lang isang partner.

Magtakda at igalang ang mga hangganan

Sa anumang relasyon, kailangan ang mga hangganan upang matiyak na komportable at iginagalang ang isa’t isa. Ang mga hangganan ay nagtuturo sa iyong partner kung paano mo gustong matrato at igalang. Maaaring kasama sa iyong mga hangganan ang iyong mga kagustuhan at hindi gusto kapag nakikipagtalik, mga bagay na gusto mong gawin o hindi gawin ng iyong partner kapag kayo’y nasa piling ng isa’t isa, o mga paksang hindi ka komportableng pag-usapan.

Maghanap ng mga pagkakatulad

Bagama’t maraming bagay tungkol sa iyo at sa iyong partner na magkaiba, tiyak na makakahanap pa rin kayo ng ilang mga magkakatulad na bagay. Marahil ay pareho kayong gustong maayos ang bahay, o pareho kayong nag-e-enjoy sa panonood ng mga sci-fi na pelikula; maaari rin kayong gumawa ng mga aktibidad na umiikot sa mga maliliit na pagkakatulad na ito upang magkaisa kayo sa isang bagay na pareho kayong nag-e-enjoy.

Mga pinagmulan:

Newsome, T. (June 16, 2016). 11 Tips For Dating Your Total Opposite. Bustle. https://www.bustle.com/articles/165345-11-tips-for-dating-your-total-opposite-having-a-successful-happy-relationship 
Martin, R. (n.d.). 7 Ways to “Make it Work” When You and Your S.O. are Total Opposites. OneLove. https://www.joinonelove.org/learn/7-ways-to-make-it-work-when-you-and-your-s-o

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon