fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Bakit masarap makipagtalik?

Why does sex feel so good

Gustong gusto mo bang nakikipagtalik? Kung oo, siguradong ‘di ka nag-iisa!

Wala ka dapat ikahiya. Napakasarap nga naman talaga makipagtalik — masaya, nakakatuwa, at nakakapawi ng stress!

Pero paano at bakit nagiging masarap ang pakikipagtalik? Alamin natin kung ano bang nangyayari sa’yong katawan (at utak) habang nakikipagtalik, kaya ito’y nagiging ubod ng sarap.

Bakit masarap ang pakikipagtalik para sa katawan

Maraming bagay ang nangyayari sa’yong katawan habang nakikipagtalik, kaya napaka sarap ng pakiramdam nito.

Ang mga pakiramdam na ‘yun ay parte ng sexual response cycle. Babae man o lalaki, nararanasan ang serye ng pisikal at emosyonal na mga yugto tuwing nakikipagtalik o kapag sila ay napukaw.

Depende sa yugtong nararanasan mo, ang iyong katawan ay maaaring makaranas ng iba’t ibang bagay tulad ng higit pang lubrikasyon, pamamaga sa maselang bahagi ng katawan, pamumula ng balat, pagbilis ng tibok ng puso, at marami pang iba.

Bakit masarap ang pakikipagtalik para sa utak

Kapag iniisip mo ang sex, ang unang bagay na madalas na pumapasok sa isip ay ang ari, tama ba? Syempre ito ay isang mahalagang bahagi ng karanasan.

Ngunit mayroong maraming iba pang mga parte ng katawan na malaki rin ang ambag sa pagiging kasiya-siya ang sex. At isa sa mga hindi gaanong kilala — ngunit napakahalaga — parte ay ang utak.

Malaki ang ambag ng utak sa kasiya-siyang pakikipagtalik. Naglalabas ito ng mga hormones na sumusuporta sa sexual pleasure, at naiintindihan ang mga sensasyon at pagpapasigla bilang kasiya-siya.

Malaki ang papel ng pudendal nerve dito. Ito ay matatagpuan sa genital area, at nagpapadala ng mga signal mula sa ari patungo sa utak.

Para sa mga babae, ang pudendal nerve ay sumasanga sa anus, perineum, at clitoris. Karamihan sa mga nerve ending ay nasa clitoris, kaya ang karamihan rin sa mga kababaihan ay nangangailangan ng clitoral stimulation para mag-orgasmo.

Para naman sa mga lalaki, ang pudendal nerve ay sumasanga sa anus, perineum, at ari.

Kapag nakikipagtalik, ang mga ugat sa katawan ay nagpapadala ng mga signal sa utak. At ginagamit ng utak ang mga senyas na iyon upang makagawa ng iba’t ibang sexual sensations at maglabas ng mga kemikal na nagpapataas ng kasiyahan.

Ang isa pang mahalagang bagay dito ay ang neurotransmitters. Ang mga ito ay mga “chemical messengers” na nagpapahintulot sa komunikasyon sa pagitan ng utak at iba pang bahagi ng katawan. Pagdating sa sex, ang mga neurotransmitters na sangkot ay:

  • Dopamine. Ito ay kilala bilang “reward hormone.” Ang katawan ay gumagawa ng dopamine sa desire stage, at ang hormone ay nagdaragdag ng sexual arousal.
  • Oxytocin. Tinatawag itong “love hormone” dahil nilalapit nito ang iyong kalooban sa iyong partner. Ang oxytocin ay madalas na inilabas pagkatapos ng isang orgasmo.
  • Norepinephrine. Ito ay nililikha ng katawan kapag nakakaranas ng sexual stimulation, at ito ay nagpapalawak at nagpapakitid sa mga blood vessels. Kapag nangyari ito, nagiging mas sensitibo ang ari.
  • Prolactin. Tumataas ito kasunod ng isang orgasmo. Sinasabing binabawasan nito ang pagpukaw at sexual response, na maaaring iugnay sa refractory period.

Mga pinagmulan:

Cirino, E. (October 10, 2019). Why Does Sex Feel Good? Healthline. https://www.healthline.com/health/why-does-sex-feel-good 

Vilines, Z. (July 30, 2019). Why is sex pleasurable? MedicalNewsToday. https://www.medicalnewstoday.com/articles/325899 

Adriana. (October 31, 2021). The Reason Why Sex Feels So Good…It’s Pretty Simple. Bad Girls Bible. https://badgirlsbible.com/why-does-sex-feel-so-good 

Brabaw, K. (March 29, 2018). Why Does Sex Feel So Good, Anyway? Refinery29. https://www.refinery29.com/en-us/why-does-sex-feel-good-sexual-pleasure 

Robinson, K. (March 6, 2022). 10 Surprising Health Benefits of Sex. WebMD. https://www.webmd.com/sex-relationships/guide/sex-and-health 
Pudendal Nerve. (n.d.). Cleveland Clinic. https://my.clevelandclinic.org/health/body/22000-pudendal-nerve#:~:text=The%20pudendal%20nerve%20is%20a,ends%20at%20your%20external%20genitalia

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon