fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ano ang cervical penetration?

What is cervical penetration?

Ang  clitoral stimulation o vaginal stimulation ay ang mga pinaka karaniwang paraan para mag-orgasmo ang babae. Ngunit mayroong isa pang parte ng katawan na maaaring magbigay sa iyo ng matindi at ubod ng sarap na orgasmo — ang cervix.

Ang cervix, o sipitsipitan, ay ang pakitid na dulo ng matris, na matatagpuan sa tuktok na dulo ng pwerta. Mayroon itong napakaliit na butas (tinatawag na os) sa gitna, na nag-uugnay sa pwerta at matris.

Bukod sa panganganak, napakaliit ng os (o ang butas sa cervix) na tanging semilya at regla lamang ang maaaring dumaan.

Ano ang cervical penetration?

‘Di talaga penetrasyon ang nangyayari sa cervical penetration. Imposible para sa ari ng lalaki o daliri (o iba pang katulad na hugis ng mga bagay) na tumagos sa cervix.

Ang stimulation na nangyayari ay pressure o deep penetration kung saan ang ari, daliri, o sex toy ay kumakaskas o tumutulak sa cervix.

May ibang babae na gusto ang ganitong sensasyon, pero may ilan na nasasaktan sa ganito.

Ligtas ba ang cervical penetration?

Oo, ligtas naman na i-stimulate ang cervix PERO baka hindi ito okay para sa lahat.

Kung gusto mong subukang maranasan ang cervical orgasm, kailangan mong maging okay din sa deep penetration.

Masakit ba ang cervical penetration?

Masakit o hindi komportable ito para sa ilang babae. Maaari rin itong magdulot ng pananakit ng puson kapag hindi napukaw.

Karaniwang makaramdam ng sakit kapag may penetrasyon, lalo na kung ang iyong cervix ay natatamaan. Dyspareunia ang tawag dito kung nakakaranas ng pananakit habang nakikipagtalik. Isa sa karaniwang senyales nito ay ang paulit-ulit na pananakit bago, habang, o pagkatapos ng pakikipagtalik.

Bagama’t karaniwan, hindi mo dapat tinitiis ang sakit para lamang sa pakikipagtalik. Dapat mong ikonsulta ito sa iyong doktor, lalo na kung madalas itong mangyari.

Posible ba ang cervical orgasm?

May mga nagsasabing nakakaranas sila ng matinding orgasmo na nagsisimula sa cervix at ari, at kumakalat sa buong tiyan o buong katawan.

Posible ang cervical orgasms, ngunit hindi ito para sa lahat. Ang bawat babae ay may iba’t ibang mga sexual interests o kagustuhan, at hindi lahat ay masasarapan sa cervical stimulation.

Normal ba ang pagdurugo?

Hindi normal makaranas ng pagdurugo kapag nakikipagtalik, ngunit ito ay karaniwan.

Maraming mga impeksyon at kundisyon na maaaring magdulot ng pagdurugo. Kadalasan ito ay dahil sa priksyon na nakakairita sa maselang mga tisyu sa pwerta at cervix.

Mga huling paalala

Imposibleng ma-penetrate ang cervix, ngunit maaari mong i-stimulate ang cervix at maranasan ang cervical orgasm.

Kung ito ay isang bagay na gusto mong subukan, pag-usapan muna ito sa iyong partner at siguraduhing pareho kayong komportable na subukan ang mga bagong bagay.

Dahan-dahanin lang, I-check na okay ang isa’t isa, at gumamit ng water-based na lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mas kasiya-siya ang karanasan.

Mga pinagmulan:

Brennan, D. (June 27, 2021). What is Cervix Penetration? WebMD. https://www.webmd.com/sex/what-is-cervix-penetration 

Galan, N. (April 21, 2018). What is cervical stimulation and is it safe? MedicalNewsToday. https://www.medicalnewstoday.com/articles/321574 
Scaccia, A. (October 10, 2019). 10 Things to Know About Cervix Penetration. Healthline. https://www.healthline.com/health/womens-health/cervix-penetration

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon