fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Clitoris 101: Lokasyon, Anatomiya, at Tungkulin

clitoris anatomy

Ang clitoris — o karaniwang tinatawag na “mani” o “tinggil” sa Pilipino — ay ang pinaka lingid na parte ng katawan ng babae. Hindi ito masyado kilala o naiintindihan ng marami dahil hindi rin ito pinag-uusapan.

Knowledge is power, sabi nga nila. At kung kilala mo ang iyong sexual anatomy — o buong katawan na rin — magandang simula ito para maging komportable sa iyong sekswalidad at makamit ang satisfaction at pleasure na deserve mo. Hinding hindi ito magiging madumi o malaswa gaya ng pwedeng ipaniwala sa ‘yo ng lipunan.

Nasan ang clitoris?

Ang clitoris ay parte ng vulva, ang panlabas na ari ng babae. Nasa gitna ito ng mga labia, at natatakpan ng clitoral hood (ang ekstensyon ng labia minora).

Mukha lang siya maliit, pero mas malaki pa ‘to kaysa sa nakikita mo.

Pinagmulan: https://helloclue.com/articles/cycle-a-z/what-is-the-clitoris

Ano itsura ng clitoris?

Ang maliit na bahagi na nakikita mo sa labas ng katawan ay dulo lamang ng clitoris. Komplikado ang buong anatomiya nito, at malaking parte nito ay nakatago sa loob ng katawan.

Pinagmulan: https://helloclue.com/articles/cycle-a-z/what-is-the-clitoris

Mga panlabas na parte

Glans clitoris: Ito ang panlabas parte na mukhang mani, at dulo lamang ito ng clitoris. Napaka sensitibo nito sa hawak dahil ang glans clitoris ay siksik ng mga nerve endings.

Walang erectile tissue ang glans clitoris. Para sa ilang babae, maaaring mamaga ito nang konti sa aktibidad na sekswal.

Ang clitoral hood ay nakatiklop na balat na tinatawag na prepuce. Hindi talaga siya parte ng clitoris, kundi parte ng labia minora.

Mga panloob na parte

Corpora: Ang katawan, o corpora, ng clitoris ay maikli lang talaga at naka konekta sa glans clitoris. Ito’y mayroong dalawang corpora na magkapares, na mga silindro ng vascular at erectile tissue.

Crura: Ito ay ang magkapares na mga “binti” ng clitoris na nagmumula sa corpora, at gawa sa erectile tissue. Ang mga crura ay mga 5 hanggang 9 sentimetro paloob ng pelvis, at nakapalibot sa yuritra at puwerta.

Mga vestibular bulbs: Natatagpuan ang mga ‘to sa gitna ng crura at katabi ng kinalalagyan ng pader ng pwerta. Ang mga bulbs ay gawa sa erectile tissue at maaaring lumaki nang doble ng orihinal niyang sukat — mula sa 3 o 4 sentimetro kapag nakarelaks, hanggang sa 7 sentimetro kapag napukaw.

Sa sexual arousal, lumalakas ang daloy ng dugo sa mga erectile tissue ng crura at mga bulbs. Namamaga sila sa magkabilang bahagi ng puwerta, at tumutulong sa paglikha ng likas na lubrikasyon at pagtaas ng sensasyon at stimulasyong sekswal.

Anong ginagawa ng clitoris?

Walang kinalaman ang clitoris sa reproduksiyon. Ang tanging tungkulin nito ay mamagitan sa sexual arousal o sekswal na pagkapukaw.

Itong “Grand Central Station ng erotic sensation” ay, kadalasan kung hindi palagi, ang pinaka siguradong daan patungong orgasmo. Salungat sa karaniwang paniniwala, hindi naaabot ng mga babae ang rurok ng ligaya sa pamamagitan ng penetrasyon lamang. Ayon sa isang saliksik, karamihan sa mga babae ay nakakamit ang orgasmo dahil sa stimulasyon ng clitoris.

Para mastimula ang clitoris, pwedeng gamitin ang mga daliri para i-slide ang mga ito pataas at pababa o pabalik-balik sa magkabilang gilid ng clitoris. Pwede rin ito tapik-tapikin o pisil-pisilin para maabot ang orgasmo. Kung gusto naman ng hands-free na stimulasyon, igiling lang ang clitoris sa unan (o kaya sa hita ng iyong partner).
Para sa ilan, masyadong sensitibo ang kanilang clitoris sa hawak, at may iba naman na mas gusto ang mabigat na presyur sa kanila. Pero maraming iba’t ibang paraan para sa stimulasyo ng clitoris, kaya lahat ay makaka-enjoy pa rin! Mag-eksperimento lamang sa iba’t ibang paraan at presyur hanggang sa mahanap ang lubos na nakakapagpasaya sa iyo. Anuman ang iyong gusto, palaging gumamit ng water-based lubricant tulad ng EZ Lubricating Jelly para mas swabe at masarap ang stimulasyon.

Mga pinagmulan:

https://helloclue.com/articles/cycle-a-z/what-is-the-clitoris

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322235

https://www.verywellhealth.com/what-is-a-clitoris-and-what-does-the-clitoris-do-3157061

https://www.verywellhealth.com/clitoris-anatomy-4774455

https://www.healthline.com/health/healthy-sex/clitoris

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish.

Modal's Close Icon