fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. hi po ask ko lang,dec 25 po ako dinatnat ng regla so ngayon po jan 16,may spot po ako sa panty i know hindi ko pa ito regla kasi malakas ako magregla at saka napaka konti lang nia may pagka brown na light red siya pero konti lang.at saka hindi ko pa po natatapos ang isang pakete ko na pills dahil alam ko po kasi na jan 21 or jan 25 pa po talaga dadating ang regla ko,ask ko po kung itutuloy ko pa po na inumin hanggang maubos ang pills ko kahit nagiispotting ako?salamat po sa sagot in advance😊

    1. Hi, Arlene! Opo, dapat po tuloy-tuloy lang ang paginom ng pills hanggang maubos ang pakete, saka bubukas ng bago. Paalala lang rin po na normal datnan o hindi datnan ng regla kapag tuloy-tuloy at tama ang paginom ng pills.

  2. Nagpipills po ako,my 5 po tablet bago mag brown pero nag spotting po ako,,pero deretso nmn po Ang pag inom ko,normal po ba un?

    1. Hi, Ronalyn! Opo, normal lang po ito lalo na kapag first time gumamit ng pills, at wala pong kailangan ikabahala. Inumin lang po nang tuloy-tuloy ang pills. Paalala lang rin po na normal datnan o hindi ng regla kapag tuloy-tuloy at tama ang paginom nito.

  3. Hellow tatanong ko lang po sana kung nung neregla po ako ng december 27 natqpos po ako nung January 1 nag take po ulet ako ng pills ng January 4 that day din po ehh ng sex po kami pero withdrawal namqn po pero that day naman po pero bakit ngayon January 15 nag ka spotting po ako brown at sunod medyo red na po sya pero di parin po sya malakas at dipa po ubos ang pills ko itutuloy ko parin ba or may pusibilidad na buntis po ako mam masakit din po qng puson ko at mga paa at balakang po

  4. Hi po,, ask ko lang po ang last month period ko po December 14, Ginamit po ako ng bf Ko December 28 , nag umpisa din akong nagtake ng pills nung araw na Yun nung Ginamit nya ako, tapos January 10 and 11nag spotting po ako pero hindi Ko pa po naubos Yung buong pills, kapag naubos ko po ba Yung mini pills at itigil ko na kasi hindi naman na nya ako nagamit dahil umuwi n sya ng lugar nila.. tanong ko lang po darating po ba ang regla ko at safe po ba na Hindi ako mabuntis Kung hindi na ako iinom ng panibagong pills

    1. Hi, Jane! Nung December 28 po ba Yuzpe Method ang inyong ginawa o isang pill lang ang inyong ininom? Kung isang pill lang at HINDI Yuzpe Method, hindi ito sapat na protektahan ka mula sa posibleng pagbubuntis. Darating po ang regla niyo kapag hindi kayo buntis. Pero kung kayo’y nabuntis, syempre hindi po kayo dadatnan ng regla.

  5. Hello po. Kakapanganak ko lang last Dec. 05, nakipag do po ako Jan 2 withdrawal, sa takot ko nagtake po ako pills ng Jan 4. Inaraw araw ko po. Ngayon nagkaroon po ako spotting na parang dark red brown. Tapos konti lang po. Sakit din ng puson ko at balakang. Di pa po ako nagkaka mens after ko manganak. Nag woworry po ako. Salamat.

      1. Yes po pa isa isa lang. Tapos minsan nagtake ako 2pills agad. Pangalawang araw ko na po na may mens pero di malakas. Di ko pa po nauubos pills ko. Possible po ba na mens ko na to? Tutuloy ko pa po ba yung pills ko na bukas or gagamit po ako ng panibagong pack ng pills?

      2. Hi, Mitch! Kung hindi po talaga kayo umiinom ng pills bago kayo magunprotected sex, ang paisa-isang inom ng pills pagkatapos ng unprotected sex ay hindi sapat para ika’y protektahan mula sa pagbubuntis. Kasing rami/lakas ba ito gaya ng karaniwang mens mo? Kung oo, edi mens na po iyan. Kung hindi, maaaring spotting lang po ‘yan. Ituloy niyo lang po ang kasalukuyang naumpisahan na pakete, hanggang sa maubos ito. Saka lang po kayo magsisimula sa panibago kapag naubos na ang nauna.

  6. Hi po tanung ko lan po normal po ba mag ka regla habang nag take ng pills ? wala pa ako sa kalaggitnaan ng pills bigla ako nagkaroon .. Hindi ako naka inum ng 3 araw may posibilidad po ba mabuntis ako ? O iinumin ko pa rin po yung pills ?

    1. Hi, Tricia! Normal pong reglahin habang nagpipills. Bakit niyo po itinigil? Datnan o hindi datnan, dapat po tuloy-tuloy ang paginom niyo para lubos na protektado kayo. Maaari po kayong mabuntis dahil hindi niyo po iniinom ito nang tama.

    2. Hello ask ko lang po, kasi nagstart po ako uminom ng pills by December 30, 2020, tapos ngayon po kasi January 24, 2021 nagkaroon ako ng bleeding pero hindi ko pa ubos yung pills ko at may tira pa na 3 white placebo, ano po kaya sign ng ganun?

      1. Hi, Jessa! Normal po ito dahil nagaadjust pa ang iyong katawan sa pills. Wala pong kailangan ikabahala at dapat po ituloy-tuloy lang ang paginom ng pills.

  7. Hello po.
    Nanganak po ako nitong 03 October 2020 nag karoon po ako ng mens nitong 2 December 2020 hanggang 7, nag start po ako uminom ng pills ng araw na 4 December, hindi ko po maintindihan kung bakit nag spotting po ako ng araw ng 17 December hanggang ngayong 22 ng December. Tanong ko lang po kung normal pa po ba?

    1. Hi Kimberly! Tulad po ng inyong nabasa sa artikulong ito, normal po ang breakthrough bleeding/spotting habang nagpipills, lalo na sa umpisa dahil nagaadjust pa ang inyong katawan sa pills. Basta po inumin lang ito araw-araw nang walang mintis, at mawawala na rin po ang spotting na ito.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon