fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Hi,march 15 1st day ng regla ko then nag take ako ng pills nag end ang regla ko ng march 20 tuloy tuloy ang inom ko ng pills. Pero bakit march 24 nag regla na naman ako. Bakit ganito po?

    1. Hi, Maria Isabela! Normal lang po ito dahil nagaadjust po ang inyong katawan sa pills. Kusang babalik rin naman po sa normal ang iyong regla basta tama at tuloy-tuloy ang paginom ng pills.

  2. Ask kulang pano pag hindi on time ang pag inom ng pills pero araw araw aang pag inom kasi po minsan 7 ng gabie or 8 ng gabie ako naka inom tas isang beses ng yari na naka inom ako ng 9 ng gabie tapos po. My isang beses pa po na 10 ng gabie opo ?

  3. Hii po uminom po ako ng daphne pills naubos ko na po dalawang banig nito ka isa lang po ako ng spotting sa sawang banig na ininom ko ngaun magpapanibago na ako ulit ng iinomin na daphne ni wala po akong regla na dumadating breastfeeding po ako masakit po Ang puson ko ginagamit naman po ng condom Ang mister ko wala naman akong nararamdaman na sign ng buntis ano po ba gagawin ko ? Ask lang po

  4. Hi pwedi mag ask ako pala si jennyrose first time ko kasi uminom ng trust pills dalaga po at wala anak unang inom ko po kasi is 3days bago ako nag karon February 24 uminom ako bago ako matulog then February 25 uminom naman ako ng 10am ng umaga then nag punta ako sa bf ko may bg yari samin pero naka condom naman siya February 26 nag ka spotting ako normal lang kasi Yun sakin kasi alam ko malapit na ako mag karon then February 27 nag karon na ako ng mens pero tuloy tuloy padin yung inom ko ng gamot 3days lang kasi kao nag kakaron pero mapansin ko 3days na nakalipas bakit malaks padin yung mens ko until now March 12 may mens padin ako ano po babalat gawin thank you po dipa din po ako nag pa checkup kasi po natatakot ako .

    1. Hi, Jennyrose! Normal lang po ito sa umpisa ng paginom ng pills. Nagaadjust lang po ang inyong katawan sa pills, at kusang mawawala rin naman po ito pagkalipas ng ilang buwan. Basta po tuloy-tuloy at walang mintis ang paginom ng pills.

  5. Helo p help Naman poh.first time q plng poh uminom ng pills Kasi start nong nanganak poh aq ng July ay nagbebleeding n poh aq ng pahinto hinto kaya nagpacheck n poh aq s OB at neresitahan nya poh aq ng pills n daphne Kasi breastfeed poh aq.pero nito lng poh ung direksyon ng pag inom q ng pills ay lumagpas poh sya arrow ng sat.kaya ginawa q lumiko n poh aq don s Sunday nilaktawan q nlng poh sat.at s sunod q nlng iinumin un nilaktawan q n sat.ok.lng poh b kaya un.firstimer poh Kasi naluto s arrow.thank you poh s sagot

  6. Ako po nagka mens ako feb 14, 2021 then nag take ako ng diane 35 pero kinabukasan tumigil regla tuloy2 ko lang pag inom after 1 week niregla ako 2 weeks na now regla ko, wala ako palya sa pag inom. Bakit kaya?

    1. Hi, Crestine! Maaari pong reaksyon ito ng iyong katawan dahil nagaadjust pa ito sa pills. Bigyan lamang ng ilang buwan ang iyong katawan na lubos makaadjust, at kusang babalik naman po ito sa normal basta tuloy-tuloy at tama ang paginom.

  7. hi po pa help naman po simula po nung pagka panganak ko sa 1st baby ko di pa ako dinatnan bale april 17 po ako nanganak. nung 9 months po baby girl ko spotting lang po ang nangyari pero nung february 13 nag take ako ng pills nung 1 week na po akong nag ti-take dinugo po ako till now march 1 malakas pa din pong dugo na lumalabas saakin at buo-buo ngayon po natatakot po ako ihihinto ko na po ba or continue? pa help po mga sis salamat po!

    1. Hi, Leigh! Ito ay isa sa mga karaniwang nararanasan ng babae sa umpisa ng paginom ng pills. Wala po itong malubhang epekto sa kalusugan, at kusang babalik rin naman po ito sa normal basta tuloy-tuloy at tama ang paginom ng pills.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon