fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Good evening po, ask ko lang po bakit niregla agad ako kkatapos ko lang po reglahin ng September 9, then nag take nako ng pills September 12 pag tapos ng mens ko. Tapos meron na naman po ako ngayon September 18 Normal lang po ba yun?

    1. Hi, Suzette! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  2. Good morning po, natural lang po ba na mag spotting habang umiinom ng pills 1 week and 1 day na po ako umiinom ng pills tapos po nkta ko undies ko my spotting po,. Natural lang po ba yun.

    1. Hi, Suzette! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  3. Hello po normal po ba yung ako po ay nagkaregla nung September 2 then 4days po ako nagkaregla sunod na po nun spot spot na ng dugo, sumasakit din po puson ko. Hanggang ngayon po di parin tumitigil yung spot ng dugo. Ano po dapat kong gawin

    1. Hi, Michelle! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  4. Hello po. Mag-iisang taon na ako umiinom ng pills. Ngaung buwan nakaranas ako ng spotting habang nagte-take ng pills. Pang 18 days ko po sa pills. Ano pong dapat gawin?

  5. Hi po ask ko lang po September 9 po nag karon ako ng mens then September 12 po natapos na sya September 13 po nag start na po ako uminom ng pills then 4 days na po ako nainom ng pills ngaun bigla pong may lumbs sakin na dugo medyo madmi po sya bakit po kya ganun please po sana mapansin nyo to salamt po🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏🙏

    1. Hi, Apple! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  6. Hello po, nag start po ako mag pills nung pang 6 days ko na pong natapos sa mens, august 29 unang mens ko po and then sept 3 po natapos, nag take nadin po ako ng pills that day, sept 3, unang pills po. Mga ilang araw po nakalimutan ko po mag take akala ko kinabukasan hndi na pwede. So bali 3 days na po akong di nag tetake ng pills. Bigla pong dumating ulit yung mens ko po. Bakit po ganun? Mga ilabg araw po kaya bago mawala po?

    1. Hi, Shash! Nanibago ang iyong katawan sa pagskip ng pills kaya ito’y nasanhi sa bleeding. Mahalaga na tuloy-tuloy at walang nalalaktawan na pills para hindi makaranas ng ganito, pero wala naman po itong malubhang epekto sa kalusugan. Hindi rin po natin masasabi kung kailan mawawala ang bleeding.

  7. Hellow po, ask lang po ako nung nkaraan pong linggo KC po akala ko regla napo lumabas sa akin tapos ayon, pagka gabi ng take na ako ng pills, pero po spotting lang po pala xia ang tagal po nawala maam 2weeks po,ano po ibig sabihin non maam.. Sana po matulungan nio po ako sa tanong ko

    1. Hi, Rasel! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon