fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

Breakthrough Bleeding While On The Pills

Ang breakthrough bleeding ay hindi normal na pagdurugo na nangyayari sa pagitan ng mga regla. Ito ay karaniwang nangyayari sa mga unang buwan ng paggamit ng oral contraceptive pills. Maaari rin itong sanhi ng pagpalit sa ibang kontraseptibo o pills na may ibang dosis ng estrogen.

Mga Sanhi

Mga sanhi ng breakthrough bleeding habang nagpipills ay hindi laging tukoy. Maaaring kailanganin lamang ng iyong katawan ng kaunting panahon para umakma sa mga hormon sa pills.

Mas malaki ang tsansang makaranas ng breakthrough bleeding kung ika’y:

  • May nakaligtaang pill
  • Nagsimula uminom ng ibang gamot. Ang ilang mga antibyotiko at suplemento ay maaaring makagambala sa pills
  • Nakakaranas ng pagsusuka o pagtatae, na pumipigil sa bisa ng pills
  • Nagsisigarilyo

Anong gagawin

Ang hindi inaasahang pagdurugo na dulot ng mga pills ay karaniwang bumabawas sa paglipas ng panahon. Sa ngayon, dapat mong:

  • Ipagpatuloy ang pag-inom ng pills ayon sa direksyon. Ang breakthrough bleeding ay hindi nangangahulugan na ang pills o kontraseptibo ay hindi epektibo. Ang posibilidad ng pagbubuntis ay mababa rin kung palagian at tama ang paggamit mo ng pills. Kung ititigil mo ang paggamit nito, ang iyong tsansa na magkaroon ng hindi planadong pagbubuntis ay mataas. Maaari kang sumailalim sa pregnancy test kung may nakaligtaan pill o nakakaranas ka ng anumang mga sintomas ng pagbubuntis.
  • Obserbahan ang pagdurugo. Ang pagsubaybay nito sa isang talaarawan o kalendaryo ay makakatulong sa iyo na matukoy kung bumababa ito.
  • Isaalang-alang ang pagtigil sa paninigarilyo. Ang mga naninigarilyo ay may mas mataas na tsansa na makaranas ng breakthrough bleeding. Ang paninigarilyo ay nagdudulot din ng mas maraming mga panganib sa kalusugan habang gumagamit ng pills. Tanungin ang iyong doktor kung ano ang maaari mong gawin tungkol dito.

Kailan pupunta sa doktor

Ang breakthrough bleeding habang gumagamit ng pills ay pangkaraniwan, ngunit maaaring sanhi ito ng isang kondisyon.

Inirerekumenda na makita agad ang iyong doktor kung tumatagal ito ng higit sa pitong araw na magkakasunod, ang pagdurugo ay dumadami o lumalala, o nagdudulot ito ng sakit sa iyong puson o balakang. Susuriin ng doktor ang sitwasyon at magrerekumenda kung ano ang maaari mong gawin depende sa mga natuklasan.

Mga pinagmulan:

https://www.mayoclinic.org/healthy-lifestyle/birth-control/expert-answers/seasonale-side-effects/faq-20058109

https://www.healthline.com/health/womens-health/breakthrough-bleeding-on-the-pill#duration

Please follow and like us:

177 thoughts on “Breakthrough Bleeding Habang Nagpipills

  1. Hi po Ng pills po ako noong neregla ko po ako naka inum na po ako PNG 2week ko na po pero dinudugo po ako Hanggang ngaun parin pwde po b itigil Ang pills po d p nmn Ng ssex na kaka aware po Lage ako dinudugo .. gusto ko stop Ang pills or lumipat sa ibng pill pwde po ba un na lumipat Ng ibng pills khit d pa tapuz sa unang iniinum pls .paki reply nmn po ..thanks sa pg sagot.

    1. Hi, Jane! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  2. Hello, nag pipills po ako, August 1 nagkaroon ako tas pang 14 days kona mamaya inumin ung pils pero dinugo ako kalahati ng pantyliner ang dugo, and nag sex po kme kagabi, ano po kaya problema? Tuloy pden po ba ang pag inom ko ng pils? Pls answer po.

    1. Hi, Mary Grace! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  3. Hi po Cs mom po ako 4months na po.. july31 una kong regla nag start ako ng daphne pills Aug1 tapos Aug5 natapos mens ko nag Do kame ni hubby ng Aug10 nag spotting ako ng Aug.11 gang ngaun Aug14 meron parin ako spotting minsan medjo dadami minsan unti lang madals dn sumakit ulo ko at prang naduduwal simula ng uminom ako ng pills ipagpapatuloi kopa po ba oh papalitan ko ang pills? Dahil dn po kaya un sa pills wla namna po ako ibang nararamdaman..

    1. Hi! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  4. Hellow po dito may uti and pcos po ako tapos po nag take po ako nang antibiotic 2times a day po and nag pills po ako bat po nag be bleeding ako pero dinaman po malakas at sa umaga lang po normal pang poba yun first ime kolang po mag pills salamat po sa sa

    sagot

    1. Hi, Princess! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  5. Hello po .. May spotting po ako ngaun pero 1 year and 4 months na baby ko nung pag anak ko po nag pills po agad ako exluton ang pills ko den hnd po kasi ako nireregla ng 1year kaya nagpalit po ako ng pills . Pa 2 months na po ako gunagamit ng lady pills. Normal lang po ba na magspotting ako ?? And ano po kaya pwed3ng gawin para mwala ang spotting thank you po

    1. Hi, Clariz! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills.

  6. Hi 3 months na yung baby ko. Bothered lang po ako may brown spotting po ako. 2 weeks na po akong nag pipills

    Sagutin

    1. Hi, Mary Joy! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan. Ipagpatuloy lang po ang paginom ng pills. Basahin rin po ito: https://doitright.ph/tl/breakthrough-bleeding-habang-nagpipills/

  7. Hi its been a month since I’m taking pills and 3 months na yung baby ko. Bothered lang po ako na 2 weeks na po ako nireregla. Tama lang po ba yun?

    1. Hi, Antonette! Normal na makaranas ng ilang mga pagbabago sa regla at siklo ng pagregla, pati na rin ang paminsang minsang spotting, lalo na kung bago pa lang sa paginom ng pill. Ito ay dahil nag-a-adjust ang iyong katawan sa pagbabago ng mga antas ng hormones. Pansamantala lang ito at mawawala rin kapag nakapag-adjust na ang iyong mga hormones, na kadalasang nangyayari sa loob ng tatlong buwan.

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon