fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Emergency Contraception: Yuzpe Method

Yuzpe Method Emergency Contraception

Sa Isang Tingin:

  • Ang mga oral contraceptive pills ay maaaring magamit bilang emergency contraception pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik upang mabawasan ang tsansang mabuntis.
  • Dapat lamang gamitin pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik, kung ang isa pang paraan ng kontraseptibo ay nabigo, o kung walang ginamit na kontraseptibo.
  • Ang paggamit ng mga pills sa Yuzpe Method ay hindi garantisadong kasing bisa ng araw-araw na pag-inom ng mga pildoras bilang regular na pamamaraan ng kontrasepsyon.
  • Ang Yuzpe Method ay maaaring makaiwas sa halos 95% ng pagbubuntis kung ginamit sa loob ng 72 oras (tatlong araw) pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Mas mainam kapag mas maagang gawin.

Ano Ito

Ang emerhensyang kontrasepsyon ay binabawasan ang tsansa ng isang babae na mabuntis kung gagamitin sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Dapat itong gamitin bilang huling paraan lamang kung ang iba pang mga paraan ng kontrasepsyon ay nabigo o hindi ginamit sa panahon ng hindi planadong pagtalik.

Nais mo siyang gamitin kung:

  • Walang kontrasepsyon ginamit
  • Mali ang paggamit sa kontraseptibo
  • Tama ang paggamit sa kontraseptibo pero agad ring napansin na nabigo ito
  • Nasira, nadulas, o mali ang paggamit sa condom
  • Tatlo o higit pang combined oral contraceptive pills ang sunod-sunod na nakaligtaan
  • Lumagpas na sa tatlong oras mula sa karaniwang oras ng paginom ng progestin-only pill
  • Nabigo ang withdrawal at nagbulalas sa loob ng puwerta o sa ari

Ang Yuzpe Method

Sa Pilipinas, ang mga pang-araw-araw na mga contraceptive pills ay maaaring magamit bilang emergency contraception sa isang partikular na paraan. Ang Yuzpe Method ay pumipigil sa pagbubuntis bago pa ito mangyari; ito ay isang backup na plano lamang, at hindi dapat gamitin bilang isang regular contraceptive method. Kung nais gamiting ang mga pills bilang regular na kontrasepsyon, kumunsulta sa healthcare provider upang magabayan sa tamang paggamit. Ipagbigay-alam rin sa iyong healthcare provider kung ginawa mo ang Yuzpe Method kamakailan.

Paano Ito Gumagana

Ang pagbubuntis ay hindi nangyayari agad-agad pagkatapos ng pagtalik, kaya posible pa rin ito maiwasan pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Tandaan: maaari itong tumagal nang hanggang pitong araw para magsanib ang semilya at selulang itlog pagkatapos ng pagtalik.

Pinipigilan ng mga pills ang pagsanib ng semilya sa selulang itlog at magresulta sa pagbubuntis sa pamamagitan ng paglabas ng malaking dosis ng mga hormon na estrogen at progestin sa katawan. Sa pamamagitang ito, ang selulang itlog ay napipigilang umalis ng obaryo at maglakbay sa matris para sa pertilisasyon.

Ang mga pills ay nakakapagpababa ng tsansa na mangyari ang isang pagbubuntis kung ginamit sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik; gayunpaman, ang laki ng pagbaba sa tsansang mangyari ay depende sa kung gaano kaaga nainom ang pills pagkatapos ng insidente, at sa kung anong parte na ng siklo ng regla ang babae kapag ininom niya ito. Mas malaki ang tsansa na mangyari ang pagbubuntis kapag ang siklo ng regla ng babae ay na sa ikalawa o ikatlong linggo na; kung kaya ang bisa ng pills sa panahong ito ay hindi natin lubos na garantisado. Ito ang dahilan kung bakit mas mabuti pa rin na gumamit ng regular contraceptive method, tulad ng condom o pang-araw-araw na contraceptive pills.

Paano Gamitin Ito

Gawing ang Yuzpe Method sa lalong madaling panahon pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Bagaman mababawasan nito ang panganib ng pagbubuntis kung ininom sa loob ng 72 oras pagkatapos ng insidente, mas mabisa ito kapag ininom nang mas maaga.

  1. Uminom ng apat (4) na Ethinyl Estradiol 30mcg/Levonorgestrel 150mcg, Ethinyl Estradiol 30mcg/Levonorgestrel 125mcg, or Ethinyl Estradiol 30mcg/Norgestrel 300mcg pills sa lalong madaling panahon.
  2. Sundan muli ito ng isa pang dosis ng apat na pills pagkatapos ng 12 oras.

Sa kabuuan, dapat makainom ka ng walong pills. Wala kang ibang kailangan gawin kapag natapos mo na ang dalawang dosis ng tig-apat na pills.

Source: Family Planning Handbook 2018 & MIMS

Kung nagsuka sa loob ng dalawang oras pagkatapos inumin ang alin man sa dosis, kailangan ulitin ang paginom ng dosis na iyon. Tandaan, ang pag-inom nang mas maaga, ay mas mabuti.

Normal para sa iyong susunod na regla na maiba mula sa normal pagkatapos gumamit ng emergency contraception.

  • maaaring mas matagal o mas maagang dumating
  • maaaring mas mabigat, mas magaan, mas maraming bahid, o gaya lang ng normal.

Maaaring makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka pagkatapos uminom ng pills.

Sino Ang Maaaring Gumamit Nito

Ang Yuzpe Method ay ligtas at epektibo para sa karamihan ng mga kababaihan, pati sa mga breastfeeding na ina o mga hindi maaaring gumamit ng long-term hormonal contraceptive. Ang panandaliang paggamit ay nangangahulugan na walang medical condition na gagawing hindi ligtas ang Yuzpe Method para sa sinumang babae. Hindi rin ito magwawakas o makakaapekto sa isang ganap na pagbubuntis kung gagawin ng isang babae ang Yuzpe Method habang siya ay buntis na.

Mga Positibo

  • Maaaring mapigilan ang pagbubuntis pagkatapos ng hindi protektado, hindi planado, at hindi hinahangad na pagtalik.
  • Mapapatahimik at pag-iisip at mababawasan ang pagkabahala kaysa sa walang ginagawa.
  • Madaling gamitin.

Mga Negatibo

  • Maaaring magdulot ng pagduduwal, panghihina, pagkahilo at pagsuka.
  • Maaaring magdulot ng pamamaga ng suso, hindi regular na pagdurugo, pagkahilo, pananakit ng ulo (panandalian lamang), at pansamantalang pagbabago sa regla
  • Mas mataas ang tsansa na maiiwasan ang hindi planadong pagbubuntis kung mas maaga magawa ang Yuzpe Method pagkatapos ng insidente ng pagtatalik nang walang proteksyon. Karaniwan, mabisa ito 72 oras pagkatapos ng insidente. Lagpas nito, hindi masisigurong mabisa ang proteksyon nito.

Mga pinagmulan:

Department of Health. The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning (2014 Edition). Manila, Philippines: DOH. 2014. Pp231-239

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/emergency-contraception

https://www.fphandbook.org/chapter-3-emergency-contraceptive-pills

Please follow and like us:

81 thoughts on “Emergency Contraception: Yuzpe Method

  1. Nag karoon po ako ng unprotected sex may 4 ng 8 pm 9pm nag take na po ako ng 2pcs oral contraceptivespill after 12 hours nag take po ako ng 2pcs , then may 6 8pm nag take po ako ng 1pcs then after 12 hrs 1 ulet . Ang tanong ko po pwede lng po ba yung ginawa ko 48 hours ko pa lng mamayang gabi

    1. Nagkaroon po ako ng withdrawal bleeding last week (May 6) kasi nagkaroon po ako ng unprotected sex nung May 2. I did the yuzpe properly po. Supposedly meron na po dapat akong period this week pero wala pa din po. And before po nun April 23 unprotected din po and fertile ako non. Pull out lang po yung ginawa pero nag yuzpe po ako non. Pwede po kayang buntis ako?

  2. Hi I’m just a little bit worried tungkol sa Yuzpe Method I hope you can help me. My boyfriend and I had sex nun madaling araw kahapon and last day yon ng menstruation ko, pinutok nya sa loob. Hindi na ako nag intay pa pero I took right away as in minutes lang nun 4pills then after 12hrs 4pills ulit. Do you think may chance pa na mabuntis ako? 🥺

  3. My bf and I did the did last Apr 28 around 10 pm, he withdrawed naman though to be sure I still did the Yuzpe Method for the first time. I took the first dose (4 pills) by 10 am the next day using Femme pills (kasi yun lang available) and by 10 pm the same day I took the second dose. Is there a high chance I dnt get pregnant? I usually have my period 1st week of the month though Im expecting now na ma dedelay because of the pills. Did I do right thing? This really scares me. The only comfort I get is the efficacy of the method and the fact na nag withdraw naman siya and he’s assurance na he never exploded inside me. But im anxious still.

    1. Hi, Cristy! Based on your comment, it seems that you did the Yuzpe Method correctly. This means that it will be highly effective for you. If your menstruation is delayed, you may also take a pregnancy test to ease your mind.

  4. Nagkaron po ako ng unprotected sex sa huling araw ng aking regla. Sa loob po ito ipinutok. Ngunit after sex, minuto lang ay palihim kong ininom ang 4 na pildoras ng contraceptive pill at 4 na pildoras muli after 12hrs. May posibilidad po ba na mabuntis ako?

    1. Hi, Maya! Kung tama naman po ang nagawang Yuzpe Method, napakababa po ng tsansa na ika’y mabuntis. Base po sa inyong comment, mukhang tama naman po ang inyong ginawa.

      1. Paano po kapag 3 doses ang ginawa sa sobrang takot na mabuntis?

        4pills – 1st dose
        4pills – 2nd dose (After 12hrs)
        4pills – 3rd dose (After 18hrs)

      2. Hi, Maya! Sapat na po ang 2 doses. Wala pong maitutulong sa pagiging mas effective ang third dose, pero maaari lang ito gawing mas matindi ang side effects na mararanasan.

  5. Hi po. Ano po ba ang tamang dosage for the trust pills? Because my friend takes it for 5 times (4 pills) every 12 hours so total of 20 pills po. But from what I’ve been reading dapat 2 dosages lang total of 8 pills 12 hours apart. I already took my second dosage as of 10am. Should I take 3 more times pa po ba? Mas effective po ba kapag mas maraming dosage? Noong tinry niya po kasi magtake ng 2 dosages lang nabuntis siya pero 1 week niya na rin po tinake after unprotected sex kaya naguguluhan po ako. Paadvise po thank you.

    1. Hi, Rust! Dapat po 2 doses, 4 pills each dose lang po (total ng 8 pills). At dapat po within 72 hours pagkatapos ng unprotected sex para mapigilan ang pagbubuntis. Kaya po siya nabuntis kasi 1 week after unprotected sex niya ginawa.

      1. Hi! Its me again po. Update lang po after a week of taking the pills, nagkamens po ulit ako? Nung una po parang spotting tapos naging mens na talaga. 1 day pa lang po nakakalipas. Normal lang po ba yun eh kakatapos lang po ng mens ko last week? Please advise po. Thank you so much!!

      2. Hi, Rust! As you have read in this article, the Yuzpe Method may cause temporary changes to your menstrual cycle, such as getting it earlier than expected. So, yes, it’s normal. Your menstrual cycle will eventually return to normal on its own.

  6. Hello po, its been a month since i take yuzpe method, pero until now delayed mens parin ako. So take the yuzpe method last march 2, pero wala pa rin me mens until now, even dischrage. Pero kahapon, pag ihi ko meron super daming white thing sa vagina ko, hindi sya usual na discharge puti sya na parang iba yung consistensy, cloudy na mejo creamy ganun pero one time lang yun bumulwak lang after non no discharge na ulit. Nakakaranas din ako ngayon ng stomach cramps, delayed mens ako iniisip ko kung stress lang ba sa work. Dapat po magkaroon na ko this week 🙁 nag negative naman po ako sa pt last week ano po kayang prob? Thank u

    1. Hi, Mae! Ang stress at pagkabalisa ay mga karaniwang sanhi rin po ng pagdelay o pagbago ng siklo ng regla. Baka po makatulong sa inyo ang pagbabawas ng stress at pageehersisyo nang kaunti.

      1. Normal lang po ba na mag ka stomach cramps at white discharge po bago dumating ang mens? White watery discharge sya. Not sticky. Thank you

  7. Hi just want to ask pang 10 na araw ko na po umiinom ng daphne pills simula nung nagkaron ako and we had sex sa loob nya nilabas safe na ba ako nun or pwede po ako gumamit ng yuzpe method para sure then continue ko ulit yung daphne the other day. Please answer me po sana thank you

    1. Hi, Angel! Dahil nakasampung araw na po kayo ng pills, protektado na po kayo at hindi na kailangan gawin ang Yuzpe Method. Wala naman po ba kayong nakaligtaang pill?

      1. Hi po. Nagsex po kami ng jowa ko ng May 1 bandang 5pm po, withdraw method po ginawa namin. Nilabas naman po nya, Kaso hindi po Sya sigurado kaya po uminom po agad ako ng 1 pills. Tapos po 11:45pm po kinabukasan doon po ako nagtake ng 4pills. At 11:45am naman po ang sunod na 4 pills. Tama po ba yung nagawa ko? Pakisagot po thanks.

    2. What if po kung nakainom po ako nung apat na tablet pwede po ba ang icontinue ko na ay yung daphne pills ko? Kagabi kase di na ako uminom ng daphne ang ininom ko po ay yung para sa yuzpe

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon