fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Emergency Contraception: Yuzpe Method

Yuzpe Method Emergency Contraception

Sa Isang Tingin:

  • Ang mga oral contraceptive pills ay maaaring magamit bilang emergency contraception pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik upang mabawasan ang tsansang mabuntis.
  • Dapat lamang gamitin pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik, kung ang isa pang paraan ng kontraseptibo ay nabigo, o kung walang ginamit na kontraseptibo.
  • Ang paggamit ng mga pills sa Yuzpe Method ay hindi garantisadong kasing bisa ng araw-araw na pag-inom ng mga pildoras bilang regular na pamamaraan ng kontrasepsyon.
  • Ang Yuzpe Method ay maaaring makaiwas sa halos 95% ng pagbubuntis kung ginamit sa loob ng 72 oras (tatlong araw) pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Mas mainam kapag mas maagang gawin.

Ano Ito

Ang emerhensyang kontrasepsyon ay binabawasan ang tsansa ng isang babae na mabuntis kung gagamitin sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Dapat itong gamitin bilang huling paraan lamang kung ang iba pang mga paraan ng kontrasepsyon ay nabigo o hindi ginamit sa panahon ng hindi planadong pagtalik.

Nais mo siyang gamitin kung:

  • Walang kontrasepsyon ginamit
  • Mali ang paggamit sa kontraseptibo
  • Tama ang paggamit sa kontraseptibo pero agad ring napansin na nabigo ito
  • Nasira, nadulas, o mali ang paggamit sa condom
  • Tatlo o higit pang combined oral contraceptive pills ang sunod-sunod na nakaligtaan
  • Lumagpas na sa tatlong oras mula sa karaniwang oras ng paginom ng progestin-only pill
  • Nabigo ang withdrawal at nagbulalas sa loob ng puwerta o sa ari

Ang Yuzpe Method

Sa Pilipinas, ang mga pang-araw-araw na mga contraceptive pills ay maaaring magamit bilang emergency contraception sa isang partikular na paraan. Ang Yuzpe Method ay pumipigil sa pagbubuntis bago pa ito mangyari; ito ay isang backup na plano lamang, at hindi dapat gamitin bilang isang regular contraceptive method. Kung nais gamiting ang mga pills bilang regular na kontrasepsyon, kumunsulta sa healthcare provider upang magabayan sa tamang paggamit. Ipagbigay-alam rin sa iyong healthcare provider kung ginawa mo ang Yuzpe Method kamakailan.

Paano Ito Gumagana

Ang pagbubuntis ay hindi nangyayari agad-agad pagkatapos ng pagtalik, kaya posible pa rin ito maiwasan pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Tandaan: maaari itong tumagal nang hanggang pitong araw para magsanib ang semilya at selulang itlog pagkatapos ng pagtalik.

Pinipigilan ng mga pills ang pagsanib ng semilya sa selulang itlog at magresulta sa pagbubuntis sa pamamagitan ng paglabas ng malaking dosis ng mga hormon na estrogen at progestin sa katawan. Sa pamamagitang ito, ang selulang itlog ay napipigilang umalis ng obaryo at maglakbay sa matris para sa pertilisasyon.

Ang mga pills ay nakakapagpababa ng tsansa na mangyari ang isang pagbubuntis kung ginamit sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik; gayunpaman, ang laki ng pagbaba sa tsansang mangyari ay depende sa kung gaano kaaga nainom ang pills pagkatapos ng insidente, at sa kung anong parte na ng siklo ng regla ang babae kapag ininom niya ito. Mas malaki ang tsansa na mangyari ang pagbubuntis kapag ang siklo ng regla ng babae ay na sa ikalawa o ikatlong linggo na; kung kaya ang bisa ng pills sa panahong ito ay hindi natin lubos na garantisado. Ito ang dahilan kung bakit mas mabuti pa rin na gumamit ng regular contraceptive method, tulad ng condom o pang-araw-araw na contraceptive pills.

Paano Gamitin Ito

Gawing ang Yuzpe Method sa lalong madaling panahon pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Bagaman mababawasan nito ang panganib ng pagbubuntis kung ininom sa loob ng 72 oras pagkatapos ng insidente, mas mabisa ito kapag ininom nang mas maaga.

  1. Uminom ng apat (4) na Ethinyl Estradiol 30mcg/Levonorgestrel 150mcg, Ethinyl Estradiol 30mcg/Levonorgestrel 125mcg, or Ethinyl Estradiol 30mcg/Norgestrel 300mcg pills sa lalong madaling panahon.
  2. Sundan muli ito ng isa pang dosis ng apat na pills pagkatapos ng 12 oras.

Sa kabuuan, dapat makainom ka ng walong pills. Wala kang ibang kailangan gawin kapag natapos mo na ang dalawang dosis ng tig-apat na pills.

Source: Family Planning Handbook 2018 & MIMS

Kung nagsuka sa loob ng dalawang oras pagkatapos inumin ang alin man sa dosis, kailangan ulitin ang paginom ng dosis na iyon. Tandaan, ang pag-inom nang mas maaga, ay mas mabuti.

Normal para sa iyong susunod na regla na maiba mula sa normal pagkatapos gumamit ng emergency contraception.

  • maaaring mas matagal o mas maagang dumating
  • maaaring mas mabigat, mas magaan, mas maraming bahid, o gaya lang ng normal.

Maaaring makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka pagkatapos uminom ng pills.

Sino Ang Maaaring Gumamit Nito

Ang Yuzpe Method ay ligtas at epektibo para sa karamihan ng mga kababaihan, pati sa mga breastfeeding na ina o mga hindi maaaring gumamit ng long-term hormonal contraceptive. Ang panandaliang paggamit ay nangangahulugan na walang medical condition na gagawing hindi ligtas ang Yuzpe Method para sa sinumang babae. Hindi rin ito magwawakas o makakaapekto sa isang ganap na pagbubuntis kung gagawin ng isang babae ang Yuzpe Method habang siya ay buntis na.

Mga Positibo

  • Maaaring mapigilan ang pagbubuntis pagkatapos ng hindi protektado, hindi planado, at hindi hinahangad na pagtalik.
  • Mapapatahimik at pag-iisip at mababawasan ang pagkabahala kaysa sa walang ginagawa.
  • Madaling gamitin.

Mga Negatibo

  • Maaaring magdulot ng pagduduwal, panghihina, pagkahilo at pagsuka.
  • Maaaring magdulot ng pamamaga ng suso, hindi regular na pagdurugo, pagkahilo, pananakit ng ulo (panandalian lamang), at pansamantalang pagbabago sa regla
  • Mas mataas ang tsansa na maiiwasan ang hindi planadong pagbubuntis kung mas maaga magawa ang Yuzpe Method pagkatapos ng insidente ng pagtatalik nang walang proteksyon. Karaniwan, mabisa ito 72 oras pagkatapos ng insidente. Lagpas nito, hindi masisigurong mabisa ang proteksyon nito.

Mga pinagmulan:

Department of Health. The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning (2014 Edition). Manila, Philippines: DOH. 2014. Pp231-239

https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/emergency-contraception

https://www.fphandbook.org/chapter-3-emergency-contraceptive-pills

Please follow and like us:

81 thoughts on “Emergency Contraception: Yuzpe Method

  1. Late ko po nabasa yung taking of 4 doses of pills after unprotected sex then another 4 doses after 12hrs. But 24 hrs after nung incident nag take nako ng no. 1 pill then tinuloy tuloy ko lang everyday. Before the incident, halos 2 months na delayed din kasi ang menstruation ko pero negative naman sa PT. Okay lang ba na hindi ako nakapag take ng 4 pills after unprotected sex, since I decided na ituloy ung pills up until 28 days kasi nga may problem talaga ko sa menstruation ko? Safe parin kaya ako? What should I do?

    1. Hi, Sam! Ang isang pill araw-araw ay hindi sapat at lubos na agarang proteksyon pagkatapos ng unprotected sex. Dahil 28 araw na ang lumipas, wala na po kayong magagawa para bawiin ang mga nangyari. Hindi rin po natin masisigurado na kayo’y safe.

  2. Hi ask ko lang. Me and my partner did it last night. He pulled it off last minute and found out the condom broke off. I took lady pills 4 doses. 8hrs after what happened. And will take again another 4 after 12 hours.

    Ask ko lang po should I continue taking the other pills na naiwan?
    I missed my period for month of may but i tested negative sa pregnancy test a few days before the accident. Kailan po ung best time to take a PT again

  3. Ask ko lng po kung effective p ren po ba na nagtake ko ng first pill ..mismong araw den po ng unprotective sex nmen po.. tapossinundan ko po ng isa png pills after four hours..then next day 9pm ko n po sinundan ulet ung pills ko…safe p ren ba ko nun po

    1. Hi, Grace! Paalala lamang na ang oral contraceptive pills ay hindi emergency contraceptive. Ang tamang pag-inom ng pills ay – Ang pills ay araw-araw iniinom, at mainam na magsimulang uminom ng pills any day WITHIN the first 5 days of menstruation para protektado agad sa pagbubuntis. Ngunit, kapag nagsimula naman AFTER the first 5 days of menstruation, kailangan mag back-up contraceptive (condom) sa first 7 days ng pag-inom nito. Pero, bago ka bumili o magsimulang uminom ng kahit anong pills, mainam na kumunsulta ka sa doctor or healthcare provider mo para mapayuhan ka kung anong nababagay sa ‘yo na contraceptive pill/method at mabigyan ka ng sapat na kaalaman kung paano ang wastong paggamit nito.

      Kung nagkaroon ng unprotected sexual intercourse at nababahala ka na maari itong magdulot ng pag-bubuntis, maaari namin marekomenda ang Yuzpe Method.

  4. Im confuse im just starting my pills im On my 6th day of taking my pill and we have unprotected sex,am i safe?or do i need to use yuzpe method? And after using yuzpe ituloi ko lang padin po ang pills ko at da same time po? Thank you.

  5. Hello! I just wanna ask po if having a withdrawal bleeding after taking ECP is a sign na hindi po ako buntis at gumana po yun Yuzpe Method. Halos makapuno po kasi ako ng isang napkin. Kasi hindi sya kaya ng panty liner lang. Pa 2nd day po ngayon. As I remember kasi sa sobrang takot ko nga po 4 pills after sex then another 4 pills after 12hrs tapos nag take uli ako ng 5pills after 16hrs siguro. May mga clot po kasi. I hope this is a sign na hindi po ako buntis at gumana yun yuzpe method.

  6. Nag take po sya ng yuzpe method po sya after ng unprotected sex then after 2 days nagawa nanaman po ito pero withdrawal po kailangan po bang ulitin ulit un or it still effective pa ung na take the last few days ?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon