Sa Isang Tingin:
- Ang mga oral contraceptive pills ay maaaring magamit bilang emergency contraception pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik upang mabawasan ang tsansang mabuntis.
- Dapat lamang gamitin pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik, kung ang isa pang paraan ng kontraseptibo ay nabigo, o kung walang ginamit na kontraseptibo.
- Ang paggamit ng mga pills sa Yuzpe Method ay hindi garantisadong kasing bisa ng araw-araw na pag-inom ng mga pildoras bilang regular na pamamaraan ng kontrasepsyon.
- Ang Yuzpe Method ay maaaring makaiwas sa halos 95% ng pagbubuntis kung ginamit sa loob ng 72 oras (tatlong araw) pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Mas mainam kapag mas maagang gawin.
Ano Ito
Ang emerhensyang kontrasepsyon ay binabawasan ang tsansa ng isang babae na mabuntis kung gagamitin sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Dapat itong gamitin bilang huling paraan lamang kung ang iba pang mga paraan ng kontrasepsyon ay nabigo o hindi ginamit sa panahon ng hindi planadong pagtalik.
Nais mo siyang gamitin kung:
- Walang kontrasepsyon ginamit
- Mali ang paggamit sa kontraseptibo
- Tama ang paggamit sa kontraseptibo pero agad ring napansin na nabigo ito
- Nasira, nadulas, o mali ang paggamit sa condom
- Tatlo o higit pang combined oral contraceptive pills ang sunod-sunod na nakaligtaan
- Lumagpas na sa tatlong oras mula sa karaniwang oras ng paginom ng progestin-only pill
- Nabigo ang withdrawal at nagbulalas sa loob ng puwerta o sa ari
Ang Yuzpe Method
Sa Pilipinas, ang mga pang-araw-araw na mga contraceptive pills ay maaaring magamit bilang emergency contraception sa isang partikular na paraan. Ang Yuzpe Method ay pumipigil sa pagbubuntis bago pa ito mangyari; ito ay isang backup na plano lamang, at hindi dapat gamitin bilang isang regular contraceptive method. Kung nais gamiting ang mga pills bilang regular na kontrasepsyon, kumunsulta sa healthcare provider upang magabayan sa tamang paggamit. Ipagbigay-alam rin sa iyong healthcare provider kung ginawa mo ang Yuzpe Method kamakailan.
Paano Ito Gumagana
Ang pagbubuntis ay hindi nangyayari agad-agad pagkatapos ng pagtalik, kaya posible pa rin ito maiwasan pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Tandaan: maaari itong tumagal nang hanggang pitong araw para magsanib ang semilya at selulang itlog pagkatapos ng pagtalik.
Pinipigilan ng mga pills ang pagsanib ng semilya sa selulang itlog at magresulta sa pagbubuntis sa pamamagitan ng paglabas ng malaking dosis ng mga hormon na estrogen at progestin sa katawan. Sa pamamagitang ito, ang selulang itlog ay napipigilang umalis ng obaryo at maglakbay sa matris para sa pertilisasyon.
Ang mga pills ay nakakapagpababa ng tsansa na mangyari ang isang pagbubuntis kung ginamit sa loob ng unang ilang araw pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik; gayunpaman, ang laki ng pagbaba sa tsansang mangyari ay depende sa kung gaano kaaga nainom ang pills pagkatapos ng insidente, at sa kung anong parte na ng siklo ng regla ang babae kapag ininom niya ito. Mas malaki ang tsansa na mangyari ang pagbubuntis kapag ang siklo ng regla ng babae ay na sa ikalawa o ikatlong linggo na; kung kaya ang bisa ng pills sa panahong ito ay hindi natin lubos na garantisado. Ito ang dahilan kung bakit mas mabuti pa rin na gumamit ng regular contraceptive method, tulad ng condom o pang-araw-araw na contraceptive pills.
Paano Gamitin Ito
Gawing ang Yuzpe Method sa lalong madaling panahon pagkatapos ng hindi protektadong pagtalik. Bagaman mababawasan nito ang panganib ng pagbubuntis kung ininom sa loob ng 72 oras pagkatapos ng insidente, mas mabisa ito kapag ininom nang mas maaga.
- Uminom ng apat (4) na Ethinyl Estradiol 30mcg/Levonorgestrel 150mcg, Ethinyl Estradiol 30mcg/Levonorgestrel 125mcg, or Ethinyl Estradiol 30mcg/Norgestrel 300mcg pills sa lalong madaling panahon.
- Sundan muli ito ng isa pang dosis ng apat na pills pagkatapos ng 12 oras.
Sa kabuuan, dapat makainom ka ng walong pills. Wala kang ibang kailangan gawin kapag natapos mo na ang dalawang dosis ng tig-apat na pills.
Kung nagsuka sa loob ng dalawang oras pagkatapos inumin ang alin man sa dosis, kailangan ulitin ang paginom ng dosis na iyon. Tandaan, ang pag-inom nang mas maaga, ay mas mabuti.
Normal para sa iyong susunod na regla na maiba mula sa normal pagkatapos gumamit ng emergency contraception.
- maaaring mas matagal o mas maagang dumating
- maaaring mas mabigat, mas magaan, mas maraming bahid, o gaya lang ng normal.
Maaaring makaramdam ng pagkahilo at pagsusuka pagkatapos uminom ng pills.
Sino Ang Maaaring Gumamit Nito
Ang Yuzpe Method ay ligtas at epektibo para sa karamihan ng mga kababaihan, pati sa mga breastfeeding na ina o mga hindi maaaring gumamit ng long-term hormonal contraceptive. Ang panandaliang paggamit ay nangangahulugan na walang medical condition na gagawing hindi ligtas ang Yuzpe Method para sa sinumang babae. Hindi rin ito magwawakas o makakaapekto sa isang ganap na pagbubuntis kung gagawin ng isang babae ang Yuzpe Method habang siya ay buntis na.
Mga Positibo
- Maaaring mapigilan ang pagbubuntis pagkatapos ng hindi protektado, hindi planado, at hindi hinahangad na pagtalik.
- Mapapatahimik at pag-iisip at mababawasan ang pagkabahala kaysa sa walang ginagawa.
- Madaling gamitin.
Mga Negatibo
- Maaaring magdulot ng pagduduwal, panghihina, pagkahilo at pagsuka.
- Maaaring magdulot ng pamamaga ng suso, hindi regular na pagdurugo, pagkahilo, pananakit ng ulo (panandalian lamang), at pansamantalang pagbabago sa regla
- Mas mataas ang tsansa na maiiwasan ang hindi planadong pagbubuntis kung mas maaga magawa ang Yuzpe Method pagkatapos ng insidente ng pagtatalik nang walang proteksyon. Karaniwan, mabisa ito 72 oras pagkatapos ng insidente. Lagpas nito, hindi masisigurong mabisa ang proteksyon nito.
Mga pinagmulan:
Department of Health. The Philippine Clinical Standards Manual on Family Planning (2014 Edition). Manila, Philippines: DOH. 2014. Pp231-239
https://www.who.int/news-room/fact-sheets/detail/emergency-contraception
https://www.fphandbook.org/chapter-3-emergency-contraceptive-pills
After po ba ng Yuzpe Method, ititake pa rin mga natirang pills? Ano po gagawin kapag gusto pang ituloy ang pagtake ng pills?
Hi, Ashley! Hindi po kailangan inumin ang natitirang pills pagkatapos ng Yuzpe Method. Pero maaari kang uminom ng 1 pill araw-araw sa parehong oras (hal. tuwing 8PM) KUNG nais mo itong gamitin bilang regular na kontrasepsyon mo.
hi. My boo and i sex last july 25, my last period is july 13, ang problem fertile po ako nung nagsex kmi and then hindi nag pull out si boo. nagtake agad ako ng 4 pills trust after nmin magsex. 7:30 in the evening and then uminom ulit ako ng 4pills in the morning. tama po ba gawa ko? or possibly mabuntis parin ako?
Hi, May! Yung pangalawang 4 pills po anong oras niyo ininom?
hii! pag po ba nagsuka tska nahihilo kelangan po ba uminom ng pills? At ilan po pwedeng itake?
Hii!! Pag po ba walang nararamdaman na side effects meaning po ba nun di effective?
Hi, Tala! May mga babae po na hindi nakaranas ng side effects, pero naging effective naman po yung method. Ang mga side effects ay hindi naman indikasyon kung naging effective ba o hindi. Ang pinakamabuting senyales na effective ang method ay ang pagkakaroon ng regla.
kakatapos lang kase ng period ko, posible po bang magkaron agad ako ulit?