Gaano kalalim ang pwerta?
Iba-iba ang lalim ng pwerta ng bawat indibidwal, at walang tama o maling sukat. Ayon sa isang pag-aaral noong 2006, ang vaginal canal ay may karaniwang lalim na humigit-kumulang 1.5–3.7 inches (40.8–95 mm).
Gayunpaman, ang pwerta ay napaka-versatile at maaaring lumawak at lumiit sa ilang mga sitwasyon.
Ano ang maaaring makaapekto sa lalim nito?
Bukod sa mga pagkakaiba-iba ng katawan ng bawat tao, ang lalim ng pwerta ay maaaring mag-iba depende sa mga sumusunod na sitwasyon:
- Pagpukaw: Kapag ang isang tao ay sexually aroused, ang vaginal canal ay maaaring lumawak at humaba dahil sa pagtaas ng daloy ng dugo dito.
- Relaxation: Kapag naka-relax, physically at mentally, ay maaaring maging mas bukas ang vaginal canal, at nagiging mas malalim rin ito.
- Panganganak: Ang vaginal childbirth ay maaaring magdulot ng pag-uunat at potensyal na pagbabago sa laki at pagkalastiko ng vaginal canal.
Maaari bang maging permanente ang pag-unat nito?
Ang vaginal canal ay talagang elastic at may kakayahang lumawak o lumalim para sa iba’t ibang bagay, tulad ng pakikipagtalik at panganganak.
Kapag sexually aroused, ang pwerta ay lumalawak para makapasok ang ari ng lalaki, daliri, o mga sex toys. Gayunpaman, maaari pa rin itong maging masakit kapag ang penetration ay masyadong malalim at ang ari ng lalaki o sex toy ay tumama sa sipit sipitan.
Kapag naman nanganganak, ang vaginal canal ay nakakaranas ng napakalaking pagbabago. Ang flexibility ng pwerta ang dahilan kung bakit mayroon itong kakayahan nana magsilang ng sanggol. Kaya naman nitong bumalik sa normal na laki, anim hanggang walong linggo pagkatapos ng panganganak.
Gayunpaman, hindi totoo na ang pwerta ay pwedeng “permanenteng nakaunat”. Ang ari ay elastic, kaya maaari itong mag-unat at bumalik sa dati nitong hugis at sukat.
Maaaring maramdaman ng ilan na ang kanilang pwerta ay naging tila “maluwag” pagkatapos ng panganganak. Ang kadalasang dahilan ay ang paghina ng pelvic floor muscles, at hindi dahil sa permanenteng pag-unat ng pwerta.
Mga huling paalala
Mahalagang tandaan na ang lalim at hitsura ng pwerta ay nag-iiba sa bawat tao. Iba-iba ang ari ng bawat isa — at okay lang iyon!
Kung nag-aalala ka tungkol sa iyong sexual health o anatomy, o nakapansin ng mga hindi normal na sintomas, inirerekomendang kumunsulta kaagad sa OB-GYN o healthcare provider. Tutulungan ka nilang malaman kung ano ang nangyayari sa’yong katawan, at magrerekomenda sila ng lunas kung kinakailangan.
Mga pinagmulan:
Nall, R. (March 31, 2023). How deep is a vagina? What to know. MedicalNewsToday. https://www.medicalnewstoday.com/articles/321220
Scaccia, A. (May 15, 2023). How Deep Is A Vagina? And 10 Other Things You Should Know. Healthline. https://www.healthline.com/health/womens-health/how-deep-is-a-vagina
Youly. (July 27, 2023). How Deep is a Vagina? Youly Women’s Health Online. https://youly.com.au/blog/sexual-reproductive-health/how-deep-is-a-vagina/