fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Bakit magaspang at kulot ang pubic hair?

Tulad ng ibang tao, madalas ka rin siguro napapa-isip tungkol sa ilan sa mga pinakamalaking misteryo sa buhay. Ano ang kahulugan ng buhay? May alien ba? Bakit iba ang buhok sa ari kumpara sa buhok sa ating ulo?

Maswerte ka, nahanap namin ang sagot sa misteryo kung bakit magaspang at kulot ang pubic hair!

Ang pubic hair — kahit na sa tingin mo ay nakakainis — ay may sarili nitong natatanging mga responsibilidad para sa’yong kalusugan:

  • Pinapanatiling Kumportable ang mga Bagay: Mas magaspang at mas makapal ang pubic hair dahil nagsisilbi ito na parang natural na unan, binabawasan ang kiskisan at priksyon kapag kumikilos, nag-eehersisyo — at kahit sa tuwing nakikipagtalik ka.
  • May kinalaman sa pang-aakit: Ayon sa mga haka-haka ng mga eksperto, kulot ang pubic hair dahil maaaring kinakapitan ito ng mga mahiwagang kemikal na tinatawag na pheromones. Ang mga ito ay mga likas na kemikal na nililikha ng katawan, na pinaniniwalaang responsable sa sekswal na atraksyon sa pagitan ng dalawang tao.
  • Dagdag Proteksyon Laban sa mga Impeksyon: May isang pag-aaral na nagsasabing ang pag-alis ng pubic hair ay nagpapataas ng panganib na makakuha ng mga sexually transmitted infections (STI).

Ang pagtatanggal ng pubic hair ay maaaring magdulot ng mga micro tears at sugat. Dahil dito, mas madali para sa mga bakterya at mga virus na makapasok sa katawan. Ang mga nagtatanggal ng pubic hair ay may mas mataas na tsansa na mahawaan ng herpes, at STIs na nakukuha sa bodily fluids tulad ng Chlamydia.

Ngunit tandaan, ang pubic hair ay hindi isang garantisadong uri ng proteksyon, kaya ang mga safe sex practices ay napakahalaga pa rin sa pagpapanatiling malusog.

Mas mabuti bang panatilihin ang mga pubes?

Panatilihin o hindi panatilihin? Choice mo ‘to!

May ilang mga tao ay gustong panatilihin ang pubic hair, habang ang iba ay mas gustong tanggalin ito. Your body, your choice. Tandaan lamang na manatiling fresh at ligtas! 😊

Mga pinagmulan:

Kokra, S. (March 3, 2017). Nine Fun Facts You Didn’t Know About Pubic Hair. Huffpost. https://www.huffpost.com/archive/in/entry/nine-fun-facts-you-didnt-know-about-pubic-hair_in_5c10ec96e4b085260ba6f2ba#:~:text=It%20prevents%20against%20friction%20burns,has%20a%20unique%20genital%20odour

Christina A. (August 20, 2020). Why Is Pubic Hair Different From the Hair on Your Head – or Is It…? Manscaped.

https://www.manscaped.com/blogs/news/why-is-pubic-hair-different-from-the-hair-on-your-head-or-is-it

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon