fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

Vaginal Discharge Color Guide

Ang iyong vaginal discharge ay tumutulong na panatilihing malinis, malusog, at madulas ang iyong pwerta. Ang pwerta ay may sariling sistema at kapaligiran kung saan ang balanse ng bakterya, pH, at kahalumigmigan ay magkakakonektado. Ang mga pagbabago sa labas at loob ng katawan ay madaling makaapekto sa balanse na ito.

Bagaman karaniwan na ang iyong vaginal dischare ay magbabago-bago sa buong siklo ng regla, maaari kang makakita ng ilang mga kakaibang pagbabago na maaaring mapa-isip ka kung normal pa ba ito — lalo na sa kulay.

Maaari mong simulan ang pag-balik-tanaw sa lahat ng iyong ginawa at kinain kapag nakakita ka ng kakaiba sa iyong vaginal discharge, ngunit hindi ka dapat matakot kaagad dahil maraming mga kulay ang talagang normal. Kahit na walang ibang naiiba sa iyong pang-araw-araw na buhay, baka gusto mong malaman pa rin kung ano ang kahulugan ng mga kulay na ito.

Ano ang mga kulay ng vaginal discharge?

This image has an empty alt attribute; its file name is Website-Materials_EVERY-COLOR-EVERY-HUE-VAGINAL-DISCHARGE-COLOR-GUIDE-min-767x1024.jpg
Source: https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232#what-is-vaginal-discharge

Malinaw

Karaniwan ang malinaw na discharge. Karaniwan itong madulas o parang puti ng itlog. Ang iyong vaginal discharge ay malamang na magiging malinaw kapag ikaw ay nag-obyula o napukaw nang sekswal, o kapag ang pwerta ay muling binabalanse ang sarili.

Puti

Ang mga kulay ng puti na makikita mo ay maaaring saklaw mula sa tila egghell hanggang krema. Ang puting discharge ay madalas na normal at tanda ng malusog na pagpapadulas ng pwerta. Kung hindi ito sinamahan ng iba pang mga nakakagambalang sintomas, hindi ka dapat mag-alala.

Tignan ang lapot at amoy. Makapal na lapot na katulad ng cottage cheese, tila matubig, malakas o masangsang na amoy, pangangati, o tila nasusunog na pakiramdam ay maaaring mga palatandaan ng isang impeksyon. Kung napansin mo ang alinman sa mga ito kasama ang puting vaginal discharge, mabuting kumunsulta na sa isang doktor.

Pula o Kayumanggi

Karaniwang naglalabas ang iyong katawan ng pula o kayumanggi na madugong discharge sa iyong regla. Maaaring kulay matingkad na pula hanggang sa tila kalawang na kayumanggi. Ang pagkakaroon ng discharge na ganito ang kulay ilang araw bago o pagkatapos ng iyong panahon ay maaaring maagang pagdugo o natirang dugo.

Inirerekumenda na makita ang isang doktor kung nakakaranas ka ng pagdurugo sa pagitan ng mga regla o labis na magdugong discharge buong buwan.

Rosas

Ang rosas na discharge ay maaaring magpahiwatig na mayroong kaunting pagdurugo na nangyayari, ngunit hindi palaging nangangahulugang isa itong emerhensiya! Ang blush pink hanggang sa matingkad na rosas na discharge ay maaaring marka na padating na ang iyong regla o simula na ng iyong siklo ng regla.

Ang pakikipagtalik ay maaari ring magresulta sa kulay rosas na discharge, lalo na kung may maliit na sugat o iritasyon sa pwerta o serviks.

Ang mga problema sa kalusugan ay maaari ring magreresulta sa discharge na rosas. Kung napansin mo o nakakaranas ng anumang kakaiba sa iyong katawan, pumunta sa iyong doktor.

Dilaw o Berde

Ang discharge na may konting pagkadilaw na kulay ay normal, at hindi karaniwang nangangahulugang mayroong problema. Ang uhog mula sa pwerta at serviks ay minsan nagiging dilaw kapag nahanginan. Ang mga pagbabago sa diyeta o suplemento sa kalusugan ay maaari ring gawing dilaw ang iyong discharge.

Kung kulay madilim na dilaw hanggang berde ang discharge, maaaring senyales ito ng impeksyon, lalo na kung sinamahan ng iba pang mga sintomas. Kumunsulta sa tagabigay ng serbisyong pangkalusugan kung malapot at masangsang ang amoy, at nakakaranas ng pangangati, tila nasusunog na pakiramdam, o anumang hindi komportable na pakiramdam sa pwerta.

Kulay-abo

Hindi malusog ang kulay-abo na discharge, at maaaring maging senyales ng bacterial vaginosis (BV) o trichomoniasis. Ang iba pang mga sintomas na maaari rin nilang ipakita ay ang pangangati, iritasyon, malakas na amoy, at pamumula sa paligid ng bulba o pagbubukas ng pwerta.

Pumunta kaagad sa iyong doktor kung mayroon kang discharge na kulay-abo. Maaari kang resetahan ng antibyotiko pagkatapos ng tamang pagsusuri at dyagnosis.

Kailan dapat ako mag-alala?

Ang mga impeksyon at pagbabago sa antas ng mga hormon ay karaniwang sanhi ng mga pagbabago sa vaginal discharge. Kung napansin mo ang anumang kakaiba sa kulay, tignan din ang iba pang mga sintomas na ito:

  • Pangangati
  • Tila nasusunog na pakiramdam
  • Pananakit o hindi komportable
  • Malakas at masamang amoy
  • Mabula-bulang discharge
  • Malapot na discharge, tulad ng cottage cheese
  • Pagdurugo na hindi nauugnay sa iyong regla

Ang iyong katawan ay magbibigay ng mga senyales at mga pahiwatig kung may mali. Pumunta sa iyong doktor kung nakakaranas ng alinman sa mga sintomas na ito upang makapagpasuri ka at magamot kung kinakailangan.

Mga pinagmulan:

https://www.healthline.com/health/vaginal-discharge-color-guide#takeaway

https://www.medicalnewstoday.com/articles/322232.php#outlook

https://www.self.com/story/vaginal-discharge-colors

Please follow and like us:

80 thoughts on “Gabay Sa Mga Kulay Ng Vaginal Discharge

  1. Hello po may 13 po ako niregla dapat po june 13 din po ako datnan peo po na delay po ako ng 1wk kaya lang po nag spotting po ako 3dys patak lang po kulay brown and may halong pink po sya buntis po ba kaya ako
    Thank you po

  2. hello po. madalas po akong mag-discharge ng kulay berde na likido po.

    ayoko naman po magpunta ng ospital dahil sa Covid. may alam po ba kayonh pangunang lunas para sa ganito?

    salamat po

    1. Hi Shayne! Maraming posibleng makaapekto sa kulay ng vaginal discharge, kasama na ang kinakain at gamot na iniinom. Nakakaranas ka rin ba ng iba pang sintomas? Kung dulot po ito ng isang kondisyon o impeksyon, at lunas para dito ay nakadepende sa sanhi.

    1. Hi Yen! Maraming posibleng sanhi ng pagdurugo sa pagtatalik. Pwedeng kondisyon, impeksyon, o kaya priksyon at kiskisan. Baka makatulong sa inyo ang paggamit ng water-based lubricant gaya ng EZ Lubricating Jelly para mabawasan ang priksyon at pagsusugat na nagdudulot ng pagdurugo.

  3. Hello po ask ko lang po, Every end of the month po kasi ako dinadatnan. Dapat po meron na ako netong May 29 pero June 2 na po wala parin and may lumalabas po na brown discharge na patak patak lang naman po. Posible po kayang buntis ako?

  4. Paano po if yellow discharge pero wala syang amoy subalit napakalapot nya at dilaw n dilaw.. Tapos wala n po ako regla in 3months na.. Noong may 25 ano po kaya ibig sabhin nun.. Tapos minsan po lumalaki at tumitigas ang puson ko minsan ang tyan naman.. Ano pong dapat gawin.. Salamat po

  5. Tapos na po yung regla ko mga isang linggo na ang nakalilipas pero may nakikita pa rin akong maliit na dugo kasama sa discharge ko. Normal po ba yun?

    1. Hi Mae! Normal po ang white mens. Maraming posibleng sanhi ng pagdelay ng iyong regla. Puwedeng sanhi ito ng stress, o kaya biglang pagbabago sa timbang. Ngayong lang po ba ito nangyari sa iyo? Nagtalik ka po kamakailan? May iba pa po bang nararamdaman?

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon