fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Gabay sa ovulation phase

Ano ang obulasyon?

Ang obulasyon ay nangyayari kapag ang isang egg cell ay lumalabas mula sa iyong obaryo. Kung ang egg cell ay napertilisa ng esperma, ito ay maaaring humantong sa pagbubuntis; kung hindi, ang lining ng matris ay dumadaloy palabas ng katawan sa panahon ng iyong regla. Ang pag-unawa sa obulasyon ay nakakatulong sa pagpaplano ng pamilya at maaaring magbigay ng impormasyon tungkol sa iyong kalusugan.

Ano ang mga palatandaan?

Kapag ang katawan ay naghahanda na para sa obulasyon, maaari itong magdulot ng mas maraming vaginal discharge. Karaniwan itong malinaw at stretchy, tulad ng mga hilaw na puti ng itlog. Pagkatapos ng obulasyon, ang discharge ay maaaring kumonti at magmukhang mas malapot o mas maulap.

Ang obulasyon ay maaari ding magdala ng:

– Kaunting pagdugo o spotting

– Pamamaga ng dibdib

– Mas mataas na libido

– Pananakit ng obaryo, o pananakit sa isang bahagi ng puson

Hindi lahat ay nakakaranas ng mga sintomas na ito, kaya dagdag na mga senyales ang mga ito pagdating sa pagsubaybay sa pagkamayabong ng isang babae o mas kilala natin bilang mga fertile days. Maaari mo ring subukan ang paggamit ng ovulation test kit. Karaniwang sinusukat ng mga kit na ito ang antas ng iyong luteinizing hormone (LH) sa ihi. Kung positibo ito, malamang na mag-ovulate ka sa susunod na 24 hanggang 36 na oras.

Kailan ito nangyayari?

Ang obulasyon ay isang mahalagang bahagi ng iyong siklo ng regla. Nangyayari ito sa kalagitnaan, kadalasan sa ika-14 na araw. Narito ang breakdown ng karaniwang siklo ng regla, at kung saan nangyayari ang obulasyon:

1. Follicular Phase: Nagsisimula ito kapag nagsimula ang iyong regla. Ang iyong katawan ay naglalabas ng follicle-stimulating hormone (FSH) upang matulungan ang egg cell na maging mature.

2. LH Surge: Kapag handa na ang egg cell, tataas ang luteinizing hormone (LH), na nanghihikayat ng obulasyon sa ika-14 na araw. Ito ay kapag inilabas ang egg cell.

3. Luteal Phase: Pagkatapos ng obulasyon, kung walang pagbubuntis, ang pagdurugo ay karaniwang nagsisimula sa ika-28 araw, na marka ng pagsisimula ng susunod na cycle.

Sa madaling sabi: Ang obulasyon ay nasa kalagitnaan ng iyong menstrual cycle, sa ika-14 na araw.

Ano ang papel na ginagampanan nito sa pagbubuntis?

Maaaring mangyari ang pagbubuntis sa limang araw bago ang obulasyon at sa araw ng obulasyon, ngunit ang pinakamataas na pagkakataon ay nasa tatlong araw sa paligid ng obulasyon. Ito ay tinatawag ding fertile window, kung kailan napakataas ng tsansa na mabuntis. Matapos mailabas ang egg cell, ito ay tatagal ng hanggang 24 na oras, at kung ang esperma ay nakarating sa egg cell sa panahong ito, maaaring mangyari ang pagbubuntis.

Mga pinagmulan:

Marcin, A. (January 25, 2022). What is Ovulation. Healthline. https://www.healthline.com/health/womens-health/what-is-ovulation 

Better Health Channel. (n.d.). Ovulation and Fertility. https://www.betterhealth.vic.gov.au/health/conditionsandtreatments/ovulation 

American Pregnancy Association. (n.d.). What is Ovulation. https://americanpregnancy.org/getting-pregnant/infertility/understanding-ovulation/ 

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon