fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

‘Di natuwa sa pakikipagtalik? Ito ang pwede mong gawin

Isipin mo ito: Tila walang katapusan ang pagsa-swipe mo at nagkaroon ng mga “sakto lang” na dates. At sa wakas, nakatagpo ka ng isang tao kung saan may tunay na koneksyon kayo. Sa ikatlo, ikalima, o ikasampung date man ito, o kahit na magpasya kayong umuwi nang magkasama pagkatapos ng unang date, karamihan sa atin ay hindi naghahanda para sa pagkakataong ang mga intimate na pagsasama ay maaaring hindi tumugma sa vibe na naranasan habang nasa date.

Ang pakikipagtalik ay isang bahagi lamang ng malusog na pagsasama; ngunit para sa marami sa atin, ito ay napakahalagang bagay. Maaaring ma-disappoint ka kung ‘yong unang pagkakataon na maging intimate sa bagong partner ay ‘di nakakatuwa o ‘di kasing saya ng iyong inaasahan. Pero ito ang katotohanan: nangyayari rin ‘to sa maraming tao — at ang magandang balita ay, ang sex ay mas bumubuti sa pamamagitan ng komunikasyon. Siyempre, mas madaling sabihin kaysa gawin, ‘di ba?

Kaya, paano mo matitiyak na magkakaroon ka ng nakakatuwang karanasan kapag nakarating na uli kayo sa kwarto sa susunod na pagkakataon?

Pakiramdaman ang vibes ng iyong partner bago maging intimate

Kung hindi mo kaya maglakas loob na buksan ang usaping sex, huwag mag-alala. Bigyang-pansin ang mga non-verbal na senyales — makakakuha ka ng ideya kung ano ang pwedeng asahan sa kwarto. Pansinin muna ang dalas ng physical contact: paghawak ng kamay, paghalik, paghaplos. Tingnan kung sila ang nangunguna o kung mas gusto nila maging low-key.

Mag-experiment nang mag-isa

Paano mo maaasahan ang ibang tao na mabigay agad ang iyong gusto kung ikaw mismo ay hindi sigurado sa gusto mo, ‘di ba?

Ang pag-experiment nang sarili ay mabuting paraan upang malaman ang iyong mga gusto at ‘di gusto sa kwarto. Siguro sa mga nakaraang kapartner, hindi mo talaga nakuha ang pagkakataon o naramdaman ang pangangailangan matuklasan ang iyong mga pagnanasa. Ngunit sa sandaling maging komportable ka sa iyong sarili at alam mo na ang mga hinahangad mo, nagiging mas madali ang pakikipag-usap sa iyong partner tungkol sa gusto mo, at ang kasiyahan sa kwarto.

Huwag kang mahiya—magsalita ka o maging leader ka

Kung gusto mo ‘yung koneksyon niyong dalawa at gusto mong ipagpatuloy ang mga bagay-bagay, hindi mo nakailangang patagalin pa ang pagsabi sa partner mo kung ano ang gusto at ayaw mo.

Ang sinumang mabuting partner ay dapat isinasaalang-alang ang iyong kasiyahan.Kaya, bakit hindi natin sila bigyan ng kaunting tulong? Mag-alok ng ilang mga payo at magbigay ng ilang mga papuri habang ginagawa mo ito. Kung may nagustuhan ka, ipaalam sa kanila. At kung ikaw ay hindi ‘yung tipong mahilig magsalita habang nakikipagtalik, pwedeng idaan ito sa mga kilos. Gabayan ang kanyang kamay o magpalit ng pwesto o anggulo ng katawan para ipakita sa kanila ang iyong gusto. At kung nasubukan mo ang lahat ng iyon at hindi pa rin nila nakukuha ang iyong gustong iparating, maaaring oras na para magsalita dahil baka mas maiintindihan niya.

Ilang huling paalala…

Kung ang pangalawang pagkakataon ay ‘di pa rin okay sa’yo, alamin kung bakit. Isipin kung ano kaya ang maaaring makakapagpabuti sa inyong karanasan. Nakaramdam ka ba ng pagkabalisa o masyado kang maraming iniisip? Siguro ang iyong partner ay tila kinakabahan? Makakatulong dito ang pakikipag-usap. Kumustahin rin ang iyong partner maya’t maya. Tanungin kung sila ay ba’y natuwa, kung ano ang kanilang nagustuhan, at kung mayroong anumang bagay na hindi nila nagustuhan. Kung ‘di kayo magkasundo, purihin sila at magbigay ng mga suggestions para sa susunod na pagkakataon. Panatilihin kaswal ang usapan, tulad ng, “Paano kung ibahin natin ng kaunti ang mga bagay sa susunod?” o “Nagustuhan ko talaga kapag ginawa mo ang bagay na iyon, dalasan natin ‘yun sa susunod.” At kung medyo awkward ang diretsong pagsasabi ng gusto mo, subukang magtanong, “Maaari ba akong magbahagi ng ilang ideya para sa susunod na pagkakataon?” 

Tandaan na dasruv mo ang da best — kahit sa loob ng kwarto!

Mga pinagmulan:

Friedman, J. (April 17, 2019). If Sex Isn’t Good At First, Is Your Relationship Doomed? (Spoiler: No.). Refinery 29. https://www.refinery29.com/en-ca/bad-sex-relationships-communication 
Ferrante, C. (July 31, 2021). So, the Sex was Bad. Now What? A Certified Sex Therapist and Clinical Sexologist Weighs In. The Every Girl. https://theeverygirl.com/bad-sex-advice/

Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon