fbpx

ALAMIN ANG KAHIT NA ANONG BAGAY TUNGKOL SA KALUSUGANG SEKSUWAL AT REPRODUKTIBO

Ang Mga Benepisyo ng “Pagkain” Kay Babe

Sa malawak at makulay na mundo ng pakikipagtalik, maraming flavor na pwedeng subukan. May mga taong tuwang-tuwa sa kapusukang hatid ng classic na missionary position. May iba namang gusto ang intensity na dala ng doggy style. At meron ding mga nahuhumaling sa mga benepisyong handog ng cunnilingus.

Ang cunnilingus ay ang sekswal na pagpapaligaya sa isang babae gamit ang iyong bibig at dila. Isa itong aspeto ng oral sex na madalas subukan ng mga magkarelasyon. Ang kakaiba rito ay ang mga benepisyong pwedeng maranasan sa pagsasagawa nito. Tuklasin natin ang mga posibleng maihatid ng gawaing ito!

Mga Benepisyo sa mga Giver

Ang cunnilingus ay may naidudulot na maganda sa gumagawa o giver nito. Higit pa sa pisikal na aspeto, ito rin ay may mga benepisyong emosyonal, na  lalo pang nagpapa-intense ng gawaing ito.

Dagdag-kumpiyansa ito.

Ang pagpapaligaya kay babe sa pamamagitan ng “pagkain” ay pwedeng makapagbigay sa iyo ng gigil na mas magpapatindi pa ng iyong galawan.

Kung magagawa mo nang maayos ang cunnilingus, posibleng magkaroon ka ng sapat na excitement para pasiyahin pa siya lalo!

Maganda itong exercise para sa panga at leeg.

Sa pagbibigay ng oral sex, kailangang gumalaw ng bibig, dila, panga, at leeg.

Bagama’t hindi kayang tapatan ng rakrakan sa kama ang isang workout sa gym, may mga muscle ka pa ring mapapatibay at mapapalakas habang pinapaligaya ang babae mo. Isa itong malaking win-win!

Probiotics!

Oo! Marami ang hindi nakakaalam na ang nailalabas ng babae pagkatapos ng isang orgasm ay may lamang Lactobacillus cells, na merong probiotic properties. Nakakatulong ang Lactobacilli sa pagpapaganda ng kalusugan ng bituka, puso, at balat! 

Sinong mag-aakala na ang “pagkain” kay babe ay may mga benepisyo sa kalusugan ng parehong partners?

Mga Benepisyo sa Receiver

Ops! Teka lang! Kung inaakala mong walang matatanggap ang tumatanggap o receiver ng cunnilingus, nagkakamali ka! May mga benepisyong hatid ang “pagkain” sa “kinakain”!

Isa itong stress reliever.

Ang “pagkain” ay may hatid na matinding sarap o kaligayahan. Maaari nitong mapaganda ang mood ng isang babae, lalo na kung aral ang giver (o kanyang partner) sa pagbibigay ng oral sex.

Isa itong epektibong lubricant.

Ang “pagkain” ay isang epektibong paraan para mabasa o ma-lubricate ang isang babae. Ibig sabihin, ang cunnilingus ay pwedeng magbigay-daan sa penetrative sex o ang pagtatalik kung saan ipinapasok mismo ang ari ng lalaki sa ari ng babae.

Sa madaling salita, ang “pagkain” sa iyong partner ay magandang panimula sa sexy time!

Mabisa itong pang-turn on, at magaling din sa pagpapatapos.

Gaya ng nabanggit kanina, ang tumatanggap ng cuniilingus ay nakakaranas ng grabeng stimulation. Isa itong mabisang pang-turn on.

Mabisa rin ito sa pagpapa-climax. Sa cunnilingus, madaling mae-explore ng giver ang iba’t-ibang bahagi ng ari ng babae. Ibig sabihin, mabilis na makakatapos ang babae sa pamamagitan ng oral sex, kung magagawa ito nang tama.

Ang oral sex ay isang pisikal at mapusok na gawain. Isa rin itong kapana-panabik na paraan para mapasaya ang iyong partner.

Ang cunnilingus ay namumukod-tangi bilang paraan ng pagpapasaya sa mga magkarelasyon. Ang gawaing ito ay may mga naihahatid na benepisyo sa pisikal at emosyonal na kalusugan ng dalawang tao.

Giver ka man o receiver, meron kang pwedeng ikatuwa sa bawat oral session niyo ni babe.

Sa larangan ng sexual exploration, ang cunnilingus o ang “pagkain” kay babe ay may exciting na flavors na naghihintay na matikman.

Sources:

  • Kassel, G. (2022, February 9). 32 things you should know about cunnilingus. Healthline. https://bit.ly/47A77Vx
  • Parenting, baby names, celebrities, and Royal News. CafeMomcom. (n.d.). https://bit.ly/48UWJJ6
  • Pobjie, B. (2022, July 19). Science reveals health benefits of Oral Sex. Man of Many. https://bit.ly/3HhwIYC
  • Imahe mula kay volodymyr-t sa Freepik
Please follow and like us:

Mag-iwan ng Tugon

Ang iyong email address ay hindi ipa-publish. Ang mga kinakailangang mga field ay markado ng *

Modal's Close Icon